Pagkatapos mag-agahan ay iginiya na ako ni Mor sa bathing chamber upang magbihis. Pinaalala ko sakanyang kailangan kong mas maging presentable sa aking pananamit dahil magmula ngayon ay haharapin ko na ang bagong mundong magiging pansamantalang tahanan ko.
Pinasuot niya akong muli ng isang puting ball gown dahil bumabagay daw sa kutis ko ang kulay puti. Nginitian ko na lamang siya at sinuot ang ternong putting sapatos. Pagtingin ko sa salamin ay namangha ako sa ayos ko, bagay ko nga ang kulay dahil umangat ang kulay dilaw kong buhok at pulang labi.
“Salamat Mor”wika ko kay Mor ng mapatingin ako sa kanya sa may salamin.
“Para sa iyo, Mahal na Reyna.”
Pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa nang kong klase, ang history.
Pagkapasok pa lamang sa silid ay napansin kong mas maraming libro na ngayon ang nakapatong sa lamesa. Nagtaka naman ako dahil indi pa lumalabas ng silid sina Zeref at Mor.
“Hindi pa ba kayo aalis?” tanong ko sa kanilang dalawa pagkaharap ko sa gawi nila. Nagkatinginan naman sila bago sabay na umiling.
Tinaasan ko ng kilay si Mor dahil may bagay yata akong hindi nalalaman. Naguguluhan ako sa trato ni Mor at Zeref sa akin ngayong araw.
Matagal pa bago ako may narinig na salita mula sa kanilang dalawa at galing iyon kay Mor. Mukhang wala talagang balak magsalita ni Zeref.
“Gusto lamang naming makasiguro na nasa maayos kang kalagayan Mahal na Reyna. Pinayagan naman po kami ni Reyna Sabrina na samahan ka sa iyong mga klase basta hindi lamang kami magiging istorbo sa klase ninyo.” Nakayukong sagot niya.
Napabuntong hininga ako dahil mas naging protektibo at istrikto yata sila sa akin pagkatapos ng mga pangyayari. Hindi ko naman sila masisisi dahil parte ito ng kanilang trabao ngunit hindi ko naman nais na bantayan ako ng parang bata.
“Nakapagaral ka ba Mor?” Biglaang tanong ko at napansin ko namang nagulat siya dahil dito. Napadako rin ang tingin ni Zeref kay Mor at mukhang hinihintay din ang kanyang sagot.
“Kaonti lamang Mahal na Reyna. Mas nagpokus po ako sa pagsisilbi.”
Napangiti ako dahil sa aking naisip at dahil ako naman ang susunod na reyna, kahit papano ay may kapangyarihan din ako sa mga bagay na kahapon ko lamang napagtanto habang ako ay nakakulong sa private suite ko at nagaaral.
“Puwes, magaaral tayong dalawa.” Masayang pahayag ko sakanila na siyang ikinagulat ni Mor. Hindi ko nakita ang reaksyon ni Zeref kung kaya’t hindi ko mawari kung siya ba ay nagulat o ano.
“Mahal na Reyna, hindi po maaari. Kayo na lamang po, dito na lamang ako kaam ni Zeref upang bantayan ka hbang ikaw ay nagkaklase.” Mabilis na sagot niya.
Umiling lamang ako sa kanya at hinila siya papunta sa lamesa kung saan nakaupo si Sir Clifford.
“Magandang umaga Sir Cliff.” Masayang. Bati ko at kalaunan ay yumuko bilang pagbibigay galang.
Nagulat naman siya dahil sa ginawa at napatayo ng wala ng oras. Napatawa naman ako dahil sa naging reaksyon.
“Ma-magandang umaga Reyna Khione. Maupo ka at ng makapagsimula na tayo.”
Ini-ayos niya ang mga librong sa tingin ko ay gagamitin namin ngayong araw. Nang mapansin niyang hindi pa rin ako umuupo ay napatingin siya sa akin ng may naguguluhang tingin na siyang nginitian ko lamang.
“Sir Cliff, kasama ko nga palang magaaral ngayon si Mor, ang aking head of the bedchamber.”
“Pe-pero Mahal na Reyna, hindi maaari ang iyong guusto. Isa siyang lowborn at ipinagbabawal ang pagaaral sa kanilang estado.”
“Ngunit lowborn din ako Sir Cliff, at isa pa, ako ang susunod na reyna. Dapat lamang na sundin niyo ako ngayon pa lamang. Hindi po ba?”
Tumikhim lamang siya sa aking litanya at napaisip. Pagkaraan ng ilang segundo ay wala na siyang nagawa kung hindi ang tumango at pumayag sa gusto kong mangyari.
Napapalakpak naman ako at hinila si Mor sa upuan katabi ng sa akin. Napansin ko naman si Zeref sa kabilang lamesa at umupo roon.
“Pagaaralan natin ngayon ang mga batas at ang ilang parte ng ating kasaysayan.”
Kumuha si Sir Cliff ng isang libro at ng isang lumang mapa. Napansin kong nasunog na ang mga gilid gilid ng mapa at mayroon itong mga butas butas na kasing laki lamang ng isang sinulid. Inilapag niya ito sa may mesa upang mapagmasdan naming pareho ni Mor.
“Nagsimula ang pagyabong ng ating kaharian noong may isang dalaga ang tumalo sa isang libong shadows na naghahasik ng lagim sa ating kalupaan. Wala pa ang Auxthen noon at lahat ay galing sa iba’t ibang panig ng mundo. Nais nilang tumira sa Auxthen dahil hindi ganoon kainit at kalamig ang temperatura lalo na sa Pedrimont, ang ating Kapitolyo.”
Tumingin siya sa mapa na nasa lamesa at may itinurong parte mula dito. Gamit ang kanyang daliri ay binilugan niya ang lugar na iyon.
“Ito ang lupain ng Auxthen”
Napansin kong hindi ito ganoon kalawak kumpara sa mga katabi nitong teritoryo ngunit halatang puno ito ng mga kagubatan at nasa harap ng dagat bagay na siyang tumutulong sa ekonomiya ng kaharian.
“Ang babaeng iyon ay galing sa norte kung kaya’t puti ang kanyang kutis. Sa edad na dalawampu’t dalawa ay naipakita niya ang kanyang tapang ang galing, at dahil dito ay tinanghal siya bilang reyna. Siya ang kauna-unahang reyna ng Auxthen at tinatawag natin siyang Queen Mother. Itinayo niya ang kaharian ng Auxthen bilang tagasugpo sa mga shadows. Mayroon siyang labing-isang kapatid na babae na siyang ginawa niyang mga Ladies in Waiting. Galing sa labing-dalawang magkakapatid, kasama na roon si Queen Mother, ang kauna-unahang pamilya ng tinatawag natin ngayong 12 Orders. At dahil pare-pareho silang babae ay nagiba ang kanilang mga apilyedo.”
Ngayon ko lamang nalaman ang pareng ito ng aming kasaysayan. Madalas kasi ay itinuturo na ito sa sekondarya kung kaya’t hindi na ako nagulat na hindi ko alam ang parteng ito. Napansin ko namang ganoon rin ang reaksyon ni Mor, sa pagaakala ko ay alam niya ito dahil lumaki siya sa palasyo ngunit dahil sa kanyang estado ay wala siyang takas.
Ngumiti si Sir Clifford pagkakita niya ng aming mga reaksyon. May kinuha siyang panibagong libro na sa tingin ko patungkol naman sa mga batas ng aming kaharian.
“Dumako naman tayo sa mga batas. Idineklara ni Queen Mother na lahat ng magiging reyna ay mamamahala lamang sa loob ng dalawampu’t limang taon at mamimili ang mga diyos ng susunod na reyna sa labin-dalawang pamilya.”
“E paano po ako sir Clifford? Nabali ko na po ang isa sa mga batas ng ating kaharian.” Mablis na tanong ko sakanya pagkarinig ng kanyang sinabi.
“Diyos pa rin ang nagpasya na ikaw ang susunod na magiging reyna kung kaya’t hindi ka mapapahamak ng batas.” Nginitian ako ni Sir Cliff at nagpatuloy sa susunod na diskusyon.
“Ang susunod naman ay para sa mga reyna mismo. Hindi maaaring mabuntis ang reyna sa loob ng kanyang serbisyo. Layunin ng reyna ang protektahan ang kaharian at dapat unahin ang bayan kaysa sa sarili. Si Reyna Luisa, panglabing-anim na reyna ng Auxthen, ang nagdeklarang magkaroon ng Imperial Guard ang mga reyna upang matulungan at maprotektahan an mga ito. Sinabi niya ring bawal magkaroon ng pagmamahalan ang isang reyna at ang kanyang Imperial Guard upang hindi ito makaibala sa kanilang mga tungkulin sa bayan.”
Paano naman kaya mahuhulog ang reyna sa kanilang mga Imperial Guard e hindi naman nila nakikita ang mga mukha nito. Napatingin ako sa pwesto ni Zeref at naisip kong posible kayang mahulog ako sa lalaking hindi ko nakikita?
Napansin niya siguro ang aking tingin kung kaya’t napadako sa akin ang kanyang mga tingin. Napaiwas ako at muling tumingin kay Sir Clifford.
“Itinaguyod naman ng mga sumunod pang reyna ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan gamit ang lakas ng mahika. Ito ay ang lowborns, middeborns at mga nobleborns na kilala na natin sa ngayon. Kasama ang ating mga diyos na dragon ay naging malakas at magiting ang ating kaharian.”
Isinarado ni Sir Clifford ang librong hawak niya at tumayo sa kanyang upuan. Pumunta siya sa pinakadulong bahagi ng silid. Nagatnginan aman kami ni Mor at pinanood na lamang ang kanyang ginagawa.
Makalipas ng ilang sandali ay bumalik na siya at mayroon siyang hawak na papel na kasing luma nang mapa sa lamesa. Napansin kong ito ang simbolo ng kaharian ngunit mas detalyado.
Napansin kong kamukha ni Deity Naruu ang gintong dragon sa simbolo. Pareho silang may mahabang buhok at malalaking kaliskis. Wala rin itong pakpak katulad na lamang ni Deity Naruu.
Ang dyamante sa noo nito ay nakaguhit na para bang parte ito ng katawan ng dragon. Ang simbolong nakikita kosa buong palasyo ay nakaangat ang dyamanteng ito.
“Ito ang simbolo ng kaharian ng Auxthen. Ang dragong ito ay pinaniniwalaang kasama ni Queen Mother sa pagpuksa ng isang libong mga shadows ngunit nasawi ito sa gyera. At bilang pasasalamat ay ginawang itong simbolo ni Queen Mother.”
Nakatingin lamang kami ni Mor sa simbolo dahil hindi kami makapaniwalang masasaksihan namin ito.
Tumikhim si Zeref at tumayo kung kaya’t napako sa kanya ang aming mga atensyon.
“Pasensya na Master Clifford ngunit kailangan nang pumunta ni Reyna Khione sa susunod niyang klase.” Wika nito at ngayon ko lamang siya narinig na magsalita ng ganitong kahaba kung kaya’t medyo nagulat ako.
Tumango si Sir Cliff at iniikot muli ang papel na naglalarawan ng detalyadong simbolo ng kaharian. Pagkatapos noon ay tumayo siya sa aking harapan bago nagsalita.
“Hanggang bukas, Mahal na Reyna.”
Ngumiti ako saknya at nagpasalamat sa mga itinuro niya ngayong araw. Nagsimula na kaming maglakbay ni Mor at Zeref sa sunod kong klase.