Pagkatapos magayos at magbihis ay dumiretso na ako sa Throne room upang kausapin ang Reyna Sabrina at Deity Naruu. Hindi ko na matiis ang lahat ng pangiinsulto at p*******t na ginagawa sa akin ng aking mga kababayan. Kung tutuusin nga, wala naman akong ginagawang masama sakanila upang tratuhin akong ganito.
Bumuntong hininga ako at nagsimulang maglakad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap muli ni Zeref. Mukhang nagalit ko nga siya sa biglaang pagkawala ko. Nasa tabi ko pa rin naman silang dalawa ni Mor at tinutulungan ako ni Mors a aking mahabang damit.
Sinabi ko kay Mor na ayusan ako sa pinakamagandang damit na mahahanap niya dahil balak kong umuwi na ngayon rin mismo. Baka sakaling payagan ako ng Mahal na Reyna.
Pagkarating doon ay napansin kong mas dumami ang guwardiya na nagbabantay sa loob. Yumuko ako sa harap nilang dalawa bilang pagbibigay galang at pagbati.
“Reyna Sabrina, Deity Naruu.”
“Dear Khione, kamusta ka? Anong nais mong sabihin?” Nakangiting sagot sa akin ni Reyna Sabrina.
Bumuntong hininga muna ako bago ko sinabi ang mga salitang dapat ay noon ko pa lamang binanggit.
“Aalis na po ako sa palasyo Reyna Sabrina. Hindi po ako nararapart dito, mas kailangan po ako ng pamilya ko sa Cyore.” Puno ng determinasyong sabi ko, nagbabakasakaling payagan na ako sa pagkakataong ito.
Nagkatinginan naman si Reyna Sabrina at Deity Naruu sa sinabi ko. Mukha silang naguusap gamit ang kanilang mga mata. Pagkatapos ng ilang saglit ay sumagot na si Deity Naruu.
“We can’t Your Grace. Nakasulat sa tadhana ang kinabukasan mo, mas mapapahamak ang buong kaharian kapag umalis ka.”
“Parangawa niyo na. Hindi niyo ba nakikita ang pakikitungo sa akin ng mga tao dito sa palasyo? Alam kong mababa ako, hindi ko iyon ipinagkakaila ngunit kailangan ko rin ng katahimikan sa buhay.”
Nagsisimula ng mabasa ang aking mga mata dahil naalala ko lahat ng mga pasakit na naranasan ko hindi lamang dito sa palasyo kung hind isa buong buhay ko. Bakit ganoon na lamang ang turing nila sa mga mababang katulad ko?
Lumunok ako at pinigilan ang aking pagiyak, kailangan ko silang makumbinsi. Hindi pwedeng magtagal pa ako dito.
“Parangawa niyo na Reyna Sabrina, Deity Naruu. Ako lamang ang bumubuhay sa pamilya ko sa Cyore, kailangan nila ako. Maghanap na lamang kayo ng bagong reyna. Si Lady Denara na lamang ang piliin niyo.” Matigas na sabi ko.
Bumuntong hininga si Reyna Sabrina at tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kanyang trono. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.
“Khione dear, hindi mo kailangan makinig sa sinasabi ng iba patungkol sa iyo. Mas mahalaga ang kung anong pagkakakilala mo sa iyong sarili. Huwag kang panghinaan ng loob dahil lamang sa sinasabi nila. “ Ngumiti siya sa akin at pinisil ang aking kamay.
Hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit pa rin nila akong maniwahan dito kahit kita naman nila ang mga pangyayari ito. Kung ako ba ay galling sa mga nobleborns hindi ko ba mararanasan ang mga ito?
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako ngunit pinunasan ni Zeref ang aking mga luha. Hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa akin. Tinignan ko siya upang magpasalamat kahit wala akong maaninag na ano mula sa kanyang mukha dahil sa kanyang helmet.
Umubo si Deity Naruu kung kaya’t inalis ko ang aking tingin kay Zeref at tuminging muli sakanila ni Reyna Sabrina. Nakaupo na muli si reyna Sabrina at si Deity NAruu naman ay lumipad papalapit sa akin.
“As a compensation, we agreed to let you visit Cyore during this weekend. We would also let you do whatever you want for the time being. No lessons until you feel like doing so.”
Tinignan niya ako, hinihintay ang aking sagot. Naintindihan ko naman ang kanyang sinabi ngunit nagtataka ako kung bakit parang alam nilang nakakaintindi at nakakasalita ako sa wikang ingles.
Wala na akong ginawa kung hindi ang tumango. Mukha naming nakahinga ng maluwag si Reyna Sabrina sa naging desisyon ko.
“Alright the, you may go now Khione.”
Tumango na lamang ako at yumuko tsaka naglakad pabalik sa aking silid. Dumiretso ako sa aking private suite upang magaral. Habang may pagkakataon pa ako upang magaral ng hindi lumalabag sa batas.
Sinarado ko ang aking kuwarto at nagpokus na lamang sa pagaaral. Una kong inaral ang wikang ingles, kailangan ko pang palawakin ang aking bukabyolaryo dahil mas magaling sa akin ang mga nobleborn pagdating sa bagay na ito.
Sunod naman ay ang etiquette at ang history na siyang pahirapan sa pagaaral. Paminsan minsan ay pinapapasok ko si Mor upang turuaan ako sa ilang bagay. Nagdadala rin ng mga pagkain ang mga ladies of the bedchamber ko dahil hindi talaga ako lumabas sa kuwartong ito.
Hindi ko na namamalayan ang oras dahil nakatutok ako sa pagaaral. Pagkatapos kong aralin ang etiquette at history ay dumako naman ako weaponry and magic.
Naalala ko nanaman ang malakas na hila ng kapangyarihan noong kalian. Kailangan ko na talagang husayan sa pagkokontrol ng aking mahika dahil hindi maaring malaman ng kahit sino ang tungkol dito.
Sinubukan kong muli na ipakalat ang aking kapangyarihan sa loob ng kwarto. Tulad ng dati ay naramdaman ko ang mga life force sa loob ng kuwarto. Ang mga halaman sa bawat sulok, kulay berde ito na manipis. Nakadepende sa uri ng element ang kulay ng mga life force na nakikita ko.
Kaya kong patigilin ang daloy ng life force ng mga may buhay ngunit kailangan ko ng matinding konsentrasyon kapag tao na ang kailangan kong kontrolin. Dahil nga sa magisa ko bna lamang na nagsasanay sa tuktok ng bundok ay hindi ko na masyadong napalawak ang kaalaman ko sa aking kapangyarihan.
Unti unti kong hinigpitan ang hawak ko sa tali ng life force ng isang halaman sa may bintana. Katamtaman lamang ang laki nito at hindi naman ganoon kakapal ang kanyang tali. Habang hinihigpitan ko ay napansin kong unti unting nawawalan ng kulay ang mga dahoon ng halaman sinyales na hindi na sapat ang life force na dumadaloy patungo sakanya.
Binitawan ko ang hawak ko sa life force ng halaman at linawakan ang sakop ng aking kapangyarihan. Napansin ko ang mga life force sa labas ay mayroong mga grey at iba’t ibang kulay. Ang mga grey na kulay ng life force ay para sa mga taong konti o walang kapangyarihan. Nagmumukha itong kupas dahil sa kulay nito.
Ang mga taong may kapangyarihan naman ay may kulay base sa kanilang element. Ang tingkad at kapal naman ng isang life force ang nagsasabi na malakas at makapangyarihan ang taong iyon.
Hindi ko na muling nakita ang kulay itim at makapal na life force katulad na lamang ng nakita noong nakaraang araw. Iniisip ko tuloy kung totoo bai yon o namalikmata lamang ako. Hindi ko na iyon muling inisip at nagpatuloy na lamang sa paneensayo.
Mas pinalawak ko pa ang aking sakop upang makita ko kung hanggang saan ang aking control sa aking kapangyarihan.
Maya maya lamang ay napaupo na ako dahil sa pagod at gutom, at doon ko lamang narinig ang mga katok ni Mor sa pintuan.
Huminga ako ng malalim at tumayoo upang umupo sa upuan malapit sa akin. Hinayaan ko munang umayos ang aking pakiramdam bago ako muling tumayo at binuksan ang pintuan.
“Ano iyon Mor?”
“Nakahanda na po ang umagahan Mahal na Reyna” nakayukong sabi niya.
Doon ko lamang napansin na umaga na pala. Kung ganoon ay magdamag na akong nagaaral at nageensayo ng aking mahika kung kaya’t ganoon na lamang ang aking panghihina.
Tumango na lamang ako sakanya at lumabas sa kuwarto upang kumain ng umagahan.
Nginitian naman ako ni Mor dahil nakita niyang lumabas na ako sa silid na iyon.
“Hindi mo kailangang pakinggan ang opinion ng iba patungkol sa iyo Mahal na Reyna. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho ng pinagdadaanan kung kaya’t mas mabuti na lamang na huwag niyo na silang bigyan ng pansin at magpokus na lamang kayo sa mga dapat niyong gawin bilang Reyna ng Auxthen.”
Tama siya, hindi ko kailangan pakinggan ang opinion ng iba dahil hindi naman nila alam ang mga bagay na kailangan kong pagdaanan bago makarating dito. Iba iba ang pananaw ng mga tao kung kaya’t hindi dapat tayo nagbabase agad sa kung ano ang alam ng isa lamang.
Ngumiti ako sa kanya at sinundan siya patungo sa messa at kumain ng agahan. Kailangan ko na lamang magpokus sa mga dapat kong gawin dahil makikita na rin sa wakas ang pamilya ko.