Umiiyak ako habang tumatayo galing sa pagkakasubsob ko sa may fountain sa harap ng gazebo. Pagkatayo ko ay tsaka lamang ako napansin ng mga tao sa may gazebo at lahat sila ay nagulat.
Tinignan ko sila isa-isa at ang iba ay parang naawa sa itsura ko habang ang iba naman ay natatawa. Napansin kong tumatakbo palapit sa akin si Mor at Zeref ngunit tumakbo na ako sa kabilang direksyon.
Takbo lamang ako ng takbo ng hindi tinitignan ang dinaan ko ngunit alam kong malayo na ang aking natakbo dahil hindi ko na marinig ang mga yapak nina Zeref at Mor na sumusunod sa akin kanina.
Mayroon akong nakitang arko na gawa sa halaman at pumasok ako doon. Napansin kong nagiba ang ihip ng hangin ngunit hindi ako tumigil. Pagkatapos ng ilang saglit ay napansin kong nasa harap ako ng isang waterfalls.
Napaupo ako dahil sa pagod at patuloy na humikbi sa damuhan.
Ano ba itong pinasok ko? Hindi ko naman pinili ito ngunit bakit ganito?Anong kasalanan ba ang nagawa ko noong unang buhay ko at grabe ang parusang piangdadaanan ko ngayon?
Humikbi ako ng humikbi at ng maibuhos ko na lahat ng sakit at sama ng loob ko ay tsaka pa lamang ako tumigil. Siguro kailangan ko nalang makiusap kay Queen Sabrina at Deity Naruu na pabalikin ako sa Cyore at pumili na lamang ng bagong reyna sa mga Ladies in Waiting.
Nasa ganoon akong sitwasyon ng bigla ko nalang marinig ang mga yapak kung kayat napaangat ang aking tingin.
Namangha ako sa ganda ng tanawin na hindi ko napansin kanina dahil sa mga luhang dumadausdos sa mukha ko. Napakalamig ng hangin at napakapayapa ng lugar.
Nasa may hardin pa ba ako ng diamond castle? Bakit parang hindi ko man lang alam na may ganitong parte pala dito.
Tumayo ako at lumapit sa paanan ng waterfalls, malinaw ang tubig at kita ang mga isdang lumalangoy dito. May parte na malalim dahil kulay asul lamang ang makikita.
Inalis ko ang aking sapatos at nagtampisaw sa mababaw na parte at nagulat ako sa lamig ng tubig kung kaya’t napasigaw ako.
Maya maya ay narinig ko nanaman ang yapak ng mga paa, nakalimutan kong narinig ko ito kanina ngunit dahil sa ganda ng lugar ay nakalimutan ko ito. Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar upang hanapin kung sino man iyon.
“Mor? Ikaw ba iyan? Zeref? Nandito ako sa may waterfalls”
Ngunit walang sumagot sa binigkas ko. Nagsimula akong kabahan dahil baka mga shadows na pala ang mga ito. Sila ay mga alagad ng demonyo at madalas silang naghahasik ng lagim dito sa ibabaw ng mundo. Isa sa mga mortal na kaaway namin ang mga shadows dahil sa bagsik at kasakiman nila.
Unti unti akong umalis sa may tubig at dahan dahang lumapit sa isang puno malapit sa may sapatos ko. Pagkarating doon ay narinig ko na ng mas malakas ang mga yapak kung kaya’t dali dali akong umikot sa may puno at doon ko nakita ang isang fox.
Nagulat pa ito kung kaya’t napatalon ito at gumawa ng malakas na ingay.
“Shhh shhhh, I’m a friend.” pagpapakalma ko sa kabayong kulay puti at may halong krema ang kanyang mga balahibo. Napakalaki niya at napakaganda.
Napangiti ako at unti unti na itong kumalma at inilapit ko ang aking kamay upang hawakan siya. Natawa ako ng inilapit niya ang kanyang ilong sa aking kamay.
“Hello, anong pangalan mo?” pagkausap ko dito, ngunit alam ko namang hindi siya magsasalita.
“My name is Neon. A legendary fox”. Wika niya sa isipan ko at napasigaw ako dahil sa gulat.
“Nakakapagsalita ka?” hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaturo pa sakanya.
“Well, obviously.” sabay irap niya ng mata. Wow may attitude tong fox na ito.
“Dito ka ba nakatira sa garden ng palasyo?”
“Wala ka na sa mismong garden ng palasyo. Nandito ka sa White Forest, kung paano ka nakapunta dito ay hindi ko masasagot.”
“Teka teka, anong White Forest? Saan ito banda? Wala akong maalalang lugar sa Auxthen na nagngangalang White Forest” gulong gulo na tanong ko. Hindi ko pa man napuntahan lahat ng bayan sa buong Auxthen ngunit sigurado akong walang White Forest sa mga iyon.
Wala ring nabanggit na White Forest sa mga librong nabasa ko. At isa pa, nakakapagsalita siya. Sa pagkakaalam ko, dapat bonded lang kayo upang marinig mo ang hayop na iyon ngunit hindi ko naman kilala itong si Neon at ngayon ko lamang siya nakita.
“Isa itong magical forest na gawa ng mga diyos. Dito naninirahan ang mga legendary animals katulad ko. Batid kong isa kang reyna, dahil mga piling tao lamang ang pwedeng pumasok sa kagubatang ito.”
“Hindi ako reyna, at hindi ako magiging reyna.” Napabuntong hiningang sagot ko. Kung ngayon pa lamang ay hindi na nila ako matanggap, ano pa kaya kapag ako na ang naging reyna? Baka magaway away lamang ang mga tao sa kaharian namin.
“Hindi pa, pero ang destiny na mismo ang nagdesisyong magiging reyna ka.”nakangiting tugon niya.
“Pero bakit mo ako nakakausap? Lahat ba ng mga hayop dito nakakausap ako?”
“Isa kaming legendary animals, matagal na kaming nabubuhay kung kaya’t kaya naming makipagusap sainyo kahit hindi kami nakikipagbond.”
Nagsimula siyang humakbang papunta sa may waterfalls at sinundan ko naman siya. Nakakamangha talaga ang ganda ng kanyang balahibo.
“Nabuksan mo ang gate ng White Forest kaya nasisiguro kong mataas ang posisyon mo sa kaharian mo. You are a Lady? Or a Princess perhaps?”
“I am a lowborn who was chosen to be the next queen.”
Hindi makapaniwalang napatingin siya sakin, sinisigurong tama ang kanyang narinig at tumango lamang ako.
“Hindi ko naman ito gusto. Ngunit sabi ni Deity Naruu, wala daw silang magagawa dahil ako daw ang pinili. Ngayon, kinaiinisan ako lahat ng tao sa buong kaharian.”
“They didn’t expect you, no one did. Ayaw ng mga tao ang hindi nila ineexpect.” makahulugang sabi niya at tumigil sa mga gilid ng bato malapit sa may tubig.
“But you are destined Khione. Nakasalalay sa mga kamay mo ang kinabukasan ng mundo.” Makahulugang sabi niya ng hindi tumitingin sakin.
“Teka, buong mundo? Paano naman napunta sa m ga kamay ko ang buong mundo? At paano mo nalaman ang pangalan ko? Sa pagkakaalam ko hindi ko naman ito nabanggit sa iyo.”
“Malalaman mo rin sa tamang panahon. Sa ngayon, kailangan mo ng bumalik sa kaharian niyo dahil hinahanap ka na ng mga tao.”
Nagsimula na siyang maglakad papunta sa direksyon kung saan ko siya nahanap kung kaya’t hinabol ko siya.
“Teka, sandali lang.”
Tumigil siya at humarap sa akin, napansing kong kulay abo ang kanyang mga mata. Kakulay ng buwan at ito ay kumikinang. Napakaganda talaga ng hayop na ito.
“Paano ako makakabalik doon at makakabalik pa ba ako rito?”
“You will Princess, lalabas ang gate ng White Forest sa hardin ng diamond castle at makakabalik ka naman sa kaharian mo kapag sinundan mo ang mga bula. Hanggang sa muli.”
Pinanood ko siyang umalis at ng hindi ko na siya matanaw ay binalikan ko ang aking sapatos at nagsimula na ring maglakbay.
Sinundan ko ang mga bula tulad ng sinabi niya hanggang sa mapansin ko na ang arko na puro halaman. Napansin kong madilim na rin kabilang parte ng arko na sa tingin ko ay ang kaharian.
Pinagmasdan ko pang muli ang kapaligiran ng White Forest, sa tingin ko ay isa na ito sa mga paborito kong lugar sa buong Auxthen, kung sa Auxthen man ang White Forest.
Bumuntong hininga ako at lumabas mula arko. Naramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao ko pagkalabas sa arko, sinyales na nasa ibang lugar na ako.
Nagiba rin ang daloy ng hangin. Pagkatalikod ko upang tignan ang arko ay wala na ito at tanging mga bulaklak na lamang ng garden ang makikita sa paligid.
Madilim na rin at hindi ko alam kung alin ang daang tatahakin ko pabalik sa aking silid o kaya ang silid ni Queen Sabrina upang makipagusap.
Wala akong ginawa kung hindi ang maglakad ng maglakad hanggang sa mapunta ako sa parte ng palasyo kung saan medyo tanda ko ang daan patungo sa kwarto ko.
Pagkarating doon ay nagkakagulo sila Mor at hindi ko naman mahanap si Zeref.
“Mahal na Reyna.” Tumatakbong lumapit sa akin si Mor ng makita niya ako. Napatingin na rin ang iba sa gawi ko. Nagulat ako sa biglang pagyakap sa akin ni Mor ngunit hindi ko na lamang siya sinita.
“Saan po ba kayo nanggaling? Kanina pa po naming kayo hinahanap. May nangyari ba Mahal na Reyna?” nagaalalang tanong niya habang sinisipat ako.
Natawa naman ako sa ginawa niya at sinabing okay lamang ako.
“Kailangan kong magbihis ng presentableng damit Mor, makikipagusap ako sa Reyna.”
“Pero Mahal na Reyna, kailangan niyo pa png magpahinga. Baka napagod kayo o kaya naman ay nasaktan ng hindi niyo nalalaman.”
“Ayos lang ako Mor, please. Kailangan kong makausap ang Reyna.”
Napansin niya ang desperasyon sa boses ko kung kaya’t inutusan niya na ang mga ladies of the bedchamber na ayusin ang bathtub. Lumabas na rin ang ibang mga gwardiya upang magbantay sa labas ng aking kwarto.
Maya maya lamang ay pumasok si Zeref sa loob ng kwarto at dali dali itong lumapit sa akin upang sipatin ako.
“I’m fine Zeref, nasa garden lamang ako maghapon.”
“Hindi ka naming makita sa garden Mahal na Reyna, ilang beses na naming nalibot ang hardin ngunit wala ka roon.”
May pagkainip sa kanyang tono at wala na akong nagawa kung hindi ang ngitian na lamang siya dahil mas gusto kong ako lamang ang makaalam sa White Forest sa ngayon.
Iginiya na ako ni Mor sa bath chamber upang maligo at magbihis. Kailangan kong makausap ang Reyna upang makumbinsi siyang umuwi na lamang ako. Tama si Lady Denara, hindi ako nababagay sa mundong ito. Wala akong karapatan sa mga bagay na meron ako ngayon.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nagdasal sa kung sino mang diyos ang nakikinig sa akin ngayon, na gabayan ako.