“Bakit hindi mo ipinaala agad?”
Nagpapanic na sabi ko kay Mor dahil hindi ko manlamang naisip na ngayong araw na pala agad iyon. Bakit ba kasi Nawala iyon sa isip ko?
“E Mahal na Reyna, makakasama niyo naman po kami ni Zeref doon dahil kailangan niyo po ng kaaagapay. Huwag na po kayong masyadong kabahan, mababait po ang ibang mga Ladies in Waiting at tsaka nandoon naman po si Queen Sabrina.”
Mahabang litanya ni Mor ngunit hindi tio nakatulong sa kaba ko. Sana mas pinagbuti ko pa ang pagaaral sa etiquette kanina dahil ayaw ko naming mapahiya sa harap ng mga babaeng halos kasing edad ko lamang.
Nagsimula na kami ni Mor na maglakad pabalik sa kwarto upang magayos at maging presentable sa harap ni Queen Sabrina at ng mga anak ng 12 Orders. Sumabay sa amin si Zeref ngunit nagpahuli lamang siya ng ilang hakbang.
“Mor, hindi ko ata kayang makasalamuha ang mga anak ng 12 Orders.”
“Mahal na Reyna, ikaw ang susunod na reyna kaya sa gusto man nila o hindi wala na silang magagawa doon. At isa pa, nandoon si Reyna Sabrina at Deity Naruu, hindi nila kayang saktan ka sa harapan nila.”
“So, kaya nga nilang manakit?” nagugulat na tanong ko. Kung sabagay, nagaral nga naman sila ng Weaponry and Magic kay Sir Prithious edi malamang sa malamang may alam din sila sa pakikipaglaban at baka magaling din sila dahil magmula bata ay nagsimula na silang magtraining.
Nginitian lamang ako ni Mor at aaminin kong hindi maganda sa pakiramdam ang ngiti niyang iyon.
Pagkarating ay kwarto ay tinawag ni Mor ang tatlo pang ladies of the bedchamber upang tumulong sa pagaayos at paghahanda ko. Nakaupo lamang ako sa may bathtub na may mga bula at bulaklak.
Dahil kakatapos lamang ng aking pagsasanay sa armas ay minabuti ko munang maligo muli bago makipagkita sa mga Ladies in Waiting. Kailangan kong ipakita na isa rin ako sa kanila, na ako ang susunod na reyna.
Ang napiling damit ni Mor ay ang kulay pink na chiffon dress. Mukha itong damit ng iysang diyosa dahil may mga disenyo itong paru-paro sa may balikat nito. Kulay pink din ang sapatos na ipinasuot sa akin ngunit ngayon ay mayroon itong taking na mahigit dalawang pulgada ang taas.
Tinirintas nila ang kalahating buhok ko at ang kalahati naman ay nakalugay lamang kung kaya’t kitang kita ang pagkaalon ng malaginto kong buhok. Nilagyan din ni Mor ng tali ang ulo ko at mayroon itong isang disenyo ng pakpak ng isang paru-paro.
NIlagyan ng konting kulay ang mukha ko na siyang kumumpleto sa ayos ko para sa afternoon tea naming ngayong hapon. Napangiti ako at medyo gumaan ang aking pakiramdam ng masilayan ko ang aking itsura. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ako kayos tignan kapag naayusan o gawa lamang ito ng kamay ni Mor at ng mga ladies of the bedchamber.
“Ang ganda mo Mahal na Reyna.” Wika ni Mor pagkaalis ng mga ladies of the bedchamber. Nagpasalamat ako sakanya at lumabas na ng kwarto upang magtungo sa garden.
Pagkarating ay namagha ako sa ganda ng garden. Mayroon itong gazebo sa may gitnang bahagi, nakapaligid naman sa gazebo ang mga bulaklak. May rosas na iba’t ibang kulay, daisies, daffodils, lavender at marami pang iba. Ang bango rin ng amoy dito dahil na rin sa dami ng mga bulaklak.
May stone path papunta sa gazebo na siyang nilakaran namin. Pagkarating sa mismong gazebo ay nagulat ako sa lawak nito, mukha kasi itong maliit sa pwesto namin kanina.
May mga mesa at upuan ng nakaayos sa buong gazebo. Mayroon ding mga tumutugtog sa gilid na bahagi na akala mo isang malaking pagsasalo ang gagawin ngayong hapon.
Sa harap ng gazebo makikita ang isang fountain at may dragon sa gitna non. Ang diyos ng mga bulaklak. Kinokonsiderang diyos ang mga dragon dahil sila ay mga alaga ng mga taong diyos namin.
Isa isa ng dumating ang mga Ladies in Waiting kung kaya’t wala akong nagawa kung hindi ang tumayo lamang sa gilid at pagmasdan silang magusap-usap. Pagkaraan ng ilang sandal ay dumating na si Queen Sabrina kasama ni Deity Naruu at ang Imperial Guard nito.
Yumuko kami bilang paggalang dahil sila ang dalwang taong may pinakamataas na posisyon sa buong kaharian. Pagkatapos ay umupo na ang mga Ladies in Waiting sa posisyong sila lamang ang nakakaalam.
Nilapitan ako ni Queen Sabrina at iginiya sa isang lamesa kasama naming ang iba pa.
“You look wonderful dear, I’m glad na nakakasabay ka na sa mga gawain dito sa palasyo.” Wika ni Reyna Sabrina habang naglalakad kami papunta sa aming lamesa.
“Maraming salamat po Reyna Sabrina. Tinutulungan naman po ako palagi ni Mor kaya naging madali lang po sakin halos lahat.”
Pagkaupo ay siya namang pagserve ng mga tauhin ng tsa-a para samin. Hindi ko kilala ang mga kasama ko sa mesa bukod kay Reyna Sabrina kung kaya’t tahimik lamang akong nakayuko.
Napansin ko ang pagtitig nila sa akin, maging sa ibang mesa ay nakatingin mesa namin. Ganoon ba kalaking kasalanan ang sumabay sa kanila sa tsa-a?
“Hi, my name is Sofiel Clyborne, Queen Sabrina’s 3rd cousin. Nice to meet you Khione.” Wika ng isang babaeng may itim at maalon na buhok na abot hanggang siko. Kulay asul din ang kanyang mata na siyang nagdedeklarang isa siyang Clyborne, mga mertron o water user.
Nagulat ako sa kanyang pakikitungo dahil bukod kay Mor at Zeref ay siya palang sa buong palasyo at Pedrimont ang taong hindi galit sa akin. Ngunit baka lamang dahil sa kamag-anak siya ni Reyna Sabrina ay kailangan niyang ingatan ang kanyang pangalan.
Nginitian ko siya dahil nahihiya akong magsalita, napansin ko ang pagirap ng mata at pagbungisngis ng dalawa pang babaeng kasama namin sa mesa.
“Sila nga pala si Denara at Amirrey. Kasama ko silang lumaki dito sa palasyo.” Natutuwang kwento pa ni Lady Sofiel.
“It’s Lady Denara and Lady Amirrey for you lowborn girl.” Wika ng babaeng may kulay pulang damit at tsokolateng kulay ng buhok. Na siyang sinang-ayunan naman ng isa.
“Stop that girls, please, let us enjoy the afternoon.” Sabat naman ni Queen Sabrina upang mapatahimik ang dalawa. Hindi ko kabisado ang labindalawang pinakalamas na pamilya sa aming kaharian ngunit pamilyar ako sa kanila.
“So, what do you girls up to today?” tanong ni Reyna Sabrina pagkatapos ng mahabang katahimikan.
“I’m learning painting these days Your Majesty. It is quiet relaxing and fun; you should try that too. Of course, if you have time.” Sabi ng isang babaeng nakaupo sa mesa, hindi ko mawari kung siya ay si Lady Denara o si Lady Amirrey.
“Wonderful dear! How about you Sofiel?”
“Oh, I’m into fencing these days, I wanted to beat my brother, so I spent the hours practicing.”
“I guess we should speak other language since someone does not understand English here.” Sabi nung babaeng inutusan akong tawaging siyang Lady. Hindi niya alam na naiintindihan ko sila ngunit hinayaan ko nalang ito. Tumawa naman iyon isa pang babae.
“I know right Denara, lowborns does not even know how to write so how will she even understand royal documents and records?”
“She does not deserve to be a queen. It should have been me or anyone among us, but her? Seriously? Our queendom would fall from her hands.”
“Girls please! This is for Khione to learn how to socialize and not how to debate with you girls. Khione iha, don’t mind them.”
Nginitian ako ni Reyna Sabrina at ni Lady Sofiel ngunit masakit pa rin ang sinabi nila. Hindi ko magawang ituloy ang pagtsatsa-a dahil sa mga narinig ko at patuloy naman sa pagpaparinig ang mga ito.
Pagkatapos ng ilang sandal ay tumayo muna ako at nagpunta sa may fountain upang magpahangin. Hindi ko kaya ang bigat ng pakiramdam kapag kaharap ko ang mga taong iyon.
Habang nagpapahangin ay may narinig akong yapak papunta sa kinaroroonan ko. Pagharap ko ay nakita ko ang babaeng galit nag alit sa akin, si Lady Denara. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung kaya’t yumuko na lamang ako at gumilid upang makadaan siya ngunit hindi siya gumalaw sa pwesto niya.
“Hindi porket kinakampihan ka ni Queen Sabrina ay kakampihan ka na lahat ng tao sa Auxthen. Tandaan mo, babalik ka rin sa pinanggalingan mo.” Mahinang sabi niya samin, sinisiguro niyang kaming dalawa lamang ang makakarinig nito.
“Kung ako ang papipiliin ay mas gusto ko pang bumalik na lamang sa dati kong buhay kung saan kasama ko ang pamilya ko. Hindi ko ito ginusto Lady Denara, pareho lamang tayong walang magawa.”
“Hahahaha, hindi mo ako mauuto sa pagiging inosente mo. Alam kong gusto mo na rin ang bagong buhay mo. Masaya ba? Ang magkaroon ng pera at pagsilbihan ka? Malamang oo dahil hindi mo naman ito naranasan sa dati mong buhay. Remember girl, you’ll be back from that mud village because that is where you belong. Hindi namin kailangan ng bagong reyna lalong lalo na kung ikaw ito at isang lowborn.”
Tinulak niya ako sa may fountain at ngumiti bago niya ako iniwan at bumalik sa mesa namin kanina.