“Chin up and shoulders down Your Grace.”
“Tummy in and glide. That’s it Your Grace. Then wave, perfect”
Kanina pa kami nagaaral ni Madam Selvia at aaminin kong nangangalay na ang balikat ko sa mga pinapagawa niya. Kanina ay pinapili niya ako ng mga damit na dapat gamitin sa mga espesyal na okasyon at hindi ko iyon maperpekto.
“Now choose the proper spoon to use for an ice cream your grace.”
“Ice cream?” naguguluhang tanong ko dahil ngayon ko lamang ito narinig.
“Sorbetes Mahal na Reyna”tugon ni Madam Selvia at inirapan ako ng mata. “You should get a vocabulary book Your Highness, para hindi ka na rin maiwan sa mga usapan kapag nagkataon.”
“Gagawin ko iyan Madam Selvia.”
“Again, Your Highness, lift your pinky finger. Now straight your shoulders and arch your back.”
“Cross your legs Your Highness, hindi pupwede na maupo ka ng ganyan sa harap ng maraming tao. We are learning etiquette here.”
Hindi ko malaman kung ano ang mali sa ginagawa ko dahil sinusundan ko lamang naman ang sinasabi niya. Kahit nangangalay ay pursigido akong magaral dahil gusto ko ng mabisita ang pamilya ko sa Cyore.
Binuhat ko ang tasa gamit ang hintuturo at hinlalaki ko ng hindi yumuyuko. Nakataas din ang hinliliit ko ayon sa utos ni Madam Selvia, at humigop sa tsa-a.
“Kailangan mo pa itong hasain Mahal na Reyna, darating ang araw na makakasalamuha mo ang iba’t ibang mga Hari at Reyna sa ating mundo at hindi maganda kung mapapansin nilang hindi ka marunong sa mga ganito.”
At kailangan ko rin mapanatiling ligtas ang pamilya ko, isip isip ko. Hindi ko hahayang mapahamak sila habang ako ay ligtas sa palasyong ito. Ngunit, ligtas ng aba ako kung lahat ng taong nakakasalamuha ko ay kinaiinisan o kinagagalitan ako?
Paulit ulit naming ginawa ang mga iyon hanggang sa masanay ang utak at ang katawan ko. Hindi ko na namalayan ang oras dahil tutok at seryoso din ako sa pagaaral ng etiquette.
“Next would be the facial expression Your Grace. Dapat mafeel nilang ikaw ay regal at magnificent sa unang tingin pa lamang. Now look infront and…..”
Naputol ang sinasabi ni Madam Selvia ng bigla na lamang may kumatok sa pintuan at pumasok sa pinto si Zeref.
“I’m sorry to interrupt Madam Selvia, but Sir Prithious is expecting Her Highness now.” Saad ni Zeref. Hinanap ng mata ko si Mor ngunit naisip kong baka nauna na siya sa training room upang ipaghanda ang damit na gagamitin ko sa Weaponry and Magic subject na siyang susunod dito.
“Ugh! Very well Imperial Guard Zeref. Your Highness, ipagpatuloy na lamang natin ito bukas.” Wika ni Madam Selvia at yumuko bago umalis.
Bumuntong hininga ako at umupo ng komportable sa upuan. Ipinagbuhos ako ni Zeref ng tubig sa tasa at inihanda ito sakin. Nagpasalamat ako at uminom mula dito. Hindi ko namalayan ang pagod dahil kahit papano ay natutuwa naman akong mabigyan ng pagkakataon upang magaral.
“We need to go Your Highness.” Simpleng pagbabasag ng katahimikan ni Zeref. Tumango ako at tumayo upang masimulan na naming ang paglalakbay papunta sa training room kung saan gaganapin ang Weaponry and Magic class ko.
Pagkarating ay nahagip agad ng mata ko si Morn a naghahanda na ng damit, nginitian niya ako at binalik ko naman ito. Pagkatapos ay lumabas na ako sa bathroom at napansin kong nakatayo na sa gitnang parte ng kwarto si Sir Prithious.
“Now we’ll learn how to use the katana. Kailangan maalam ka sa iba’t ibang uri ng armas Mahal na Reyna. Mas magiging epektibo ito tuwing gyera. Now, here is your katana.”
Ihinagis niya sakin ang kulay itim na katana. Wala itong kahit anong disenyo at mabigat lamang ito. Hindi ko alam kung lahat ba ng Ladies in Waiting ay ganito rin ang mga armas na ginamit o para lamang talaga sa akin ang mga ganitong klaseng armas.
Bumuntong hininga na lamang ako dahil wala naman na akong magagawa kung hindi at gawin ang gusto nilang ipagawa sa akin. Kailangan ko rin naming matutunan ang mga ito dahil ang espada at pana lamang ang kayang kong gamitin dahil ito lamang ang armas na meron kami sa bahay.
“Hawakan mo ang katana gamit ang dalawang kamay at itaas mo ito sa iyong ulo then swing it downward.”
Ginaya ko siya sa kanyang demonstration at dahil nga may kabigatan ang armas ay nangalay ako sa pagbubuhat nito. Mukhang magkakaroon ako ng sakit sa kalamnan dahil kanina pa ako nangangalay sa mga ipinapagawa nila ni Madam Selvia.
“Then sideward, put the katana to your right and move your left foot forward. Then swing it to the side. That’s it, mukhang may ibubuga ka Mahal na Reyna, hahaha.”
Hindi ko na lamang pinansin ang pangiinsultong ginawa at nagpokus sa mga posisyon ng aking mga paa at kamay upang magawa ko ng tama ang mg aito. Isa sa mga gusto kong pagaralan ay ang pagsasanay ng armas, siguro dahil isa ito sa mga bagay na palagi naming ginagawa ng yumao kong ama. Pero dahil dito ay nailalabas ko lahat ng inis at galit ko gamit ang pagwasiwas ng aking mga kamay.
“Now move faster Your Highness. Kailangan mabilis ang mga atake mo, yung tipong hindi makikita ng mga kalaban ang paparating na atake ngunit dapat kalkulado ito. Hindi lamang basta puro tira, kailangan mong magisip din, well kung mayroon ka nga bang isip hahahaha.”
Hindi ko mawari kung alin sa sinabi niya ang nakakatuwa kaya hindi ko na lamang pinansin ito kahit gustong gusto ko na siyang sugurin. Bakit ba binabase ang dignidad ng isang tao dahil lamang sa estado ng buhay na mayroon ito? Parepareho lamang naman kami na ipinanganak dito ng mga nanay namin kung kaya’t anong pinagkaiba ko sakanila?
Dahil sa inis ay hindi ko namalayang mas binilisan ko na pala ang aking mga kilos. Ang mga kilos na tanging sa tuktok ng kagubatan ko lamang nailalabas ng walang halong pagaalinlangan at takot.
Napansin kong nagulat si Sir Prithious sa ginawa ko kung kaya’t sinimulan niya akong atakihin gamit ang katanang hawak niya.
“Magaling Mahal na Reyna. Mabilis ka palang matuto, alam mo bang natutuwa ako sa mga estudyanteng mabibilis matuto?”
Patuloy kami sa pagatake sa isa’t isa ngunit nililimitahan ko pa rin ang mga kilos ko dahil kailangan ko pang makasigurado na hindi nila malalaman na may alam ako pagdating sa paghawak ng mga armas at sa pakikipaglaban.
Itinaas ko ang katana at ipinatama ito sa may balikat niya at umatras upang isaksak ito sa may tiyan niya, ngunit inaasahan ko ng magaling si Sir Prithious ay madali niya lamang itong naiwasan at sinubukan niya naman akong saksakin sa paa ngunit nakatalon ako agad upang iwasan ito.
Tumakbo ako sakanya at umikot upang maitama ko ang talim ng katana sakanyang pisnge ngunit nakayuko siya bago ko pa man mailapit ang aking armas sa kanyang mukha. Nakita ko sa gilid ng mata ko na sasakin niya dapat ako sa may tagiliran ngunit gumilid ako at sinubukang atakihin siya sa kanyang tagiliran.
Paulit ulit lamang ang pagatake at pagiwas na ginagawa namin. Kasabay ng pagatake ay ang pagtawa ni Sir Prithious na parang natutuwa at nangiinsulto dahil hindi ko man lang siya magawang sugatan.
Tumagilid ako at iwinasiwas ang katana pataas. Umikot siya at umatake sa may likuran ko kung kaya’t nahulog ko ang armas. Hinihingal akong napaupo sa semento ng training room dahil sa pagod.
“I’m quite impressed Your Higness, hindi ko aakalaing may potensyal ka sa pakikipaglaban. Hanggang bukas Mahal na reyna.”
Nakangiting umalis si Sir Prithious sa kwarto at siya naming lumapit si Mors a akin upang bigyan ako ng tubig.
“Grabe Mahal na Reyna, kayang kaya mo na makipaglaban” natutuwang sabi ni Mor at mukhang excited pa siya sa nakita niya.
Ngumiti ako at inubos ang tubig at saka tumayo. “Nako Mor, nagaral ako kaninang madaling araw kung kaya’t kahit papano ay may alam na ako sa mga dapat kong gawin. Natutuwa lang ako dahil nagbubunga ang pagaaral ko.”
“Nako ang galling niyo na Mahal na Reyna, kung nakita niyo lamang ang mga kaganapan kanina, diba Zeref?”
Doon ko lamang napansin si Zeref na nakatayo malapit sa pintuan. Tumango lamang ito na siyang ikinasimangot ni Mor.
“Minsan talaga hindi ko alam kung tao pa ba yang si Zeref o hindi na” mahinang bulong niya ngunit nairnig ko kung kaya’t tumawa na lamang ako sa kanyang tugon.
“Saan tayo ngayon Mor?” nakangiting wika ko sakanya.
Ngumiti naman siya pabalik at sinamahan ako magbihis sa bathroom ng training room.
“Kailangan niyo pong magbihis dahil ngayon niyo po makakasama ang mga Ladies in Waiting sa garden kasama si Queen Sabrina”
Nawala ang ngiti ko at nagsimula akong pagpawisan ng malamig.
“Anoo?”