CHAPTER 8

1424 Words
Gumising ako ng maaga upang makapagensayo sa private suite ko. Dahan dahan akong umalis sa kama at naghanap ng damit na pamalit sa nightgown na pinasuot sa akin ni Mor.    Hindi ko aakalaing napakaganda sa pakiramdam matulog ng nakanightgown ngunit hindi ko kailangang masanay dahil hindi pa naman ako nakokoronahan bilang reyna, marami pang pwedeng mangyari.   Pagkatapos magayos ay lumabas ako ng bedchamber ngunit nagulat ako dahil nakatayo roon si Zeref. Buti na lamang napigilan ko ang sarili kong sumigaw.   “Ano bang ginagawa mo diyan ng ganitong oras?” Pabulong na sigaw ko sakanya.   “Binabantayan ka po Mahal na Reyna.”   Hindi ko mawari kung nagulat din ba siya sa biglaang paglabas ko ng ganitong oras dahil normal lamang ang tono ng kanyang boses.   Aaminin kong nacucurious ako sa pagmumukha ni Zeref. Naiisip ko na medyo may katandaan na siya dahil sa pagkakaalam ko, mga magagaling at maraming karanasan ang mga naitatalagang Imperial Guard.   “Hindi ka ba natutulog?”   “May shifting po kami Mahal na Reyna, duty ko po ngayon. At madalas po ako ang nakaduty dito, ako po ang Imperial Guard niyo.”   “Matulog ka na muna, magaaral lang ako sa private suite ko.” Sabi ko sabay talikod sakanya. Dahil sa kanyang armor ay hindi ko makita ang kanyang mukha kung kayat parang kausap ko lamang ang mga display sa ibaba ng palasyo.   Nagmartsa ako papunta sa private at hindi na muling tumingin pa kay Zeref hanggang makapasok ako sa loob at maisara ang pinto. Sinigurado kong nakasarado ng maigi ang pinto upang hindi ako maistorbo at hindi nila malaman ang sikreto ko.   Napabuntong hininga ako pagkatapos maitulak at mailagay sa likod ng pinto ang isang malaking upuan.   Tumingin ako sa bintana ang napansin ang maliwanag na buwan. Napangiti ako, isa ito sa mga gusto ni ama kapag maaga kaming nagsasanay sa tuktok ng bundok.   Kamusta na kaya sila ina? Nagrerebelde pa kaya si Kiana o natuwa siya ng malamang ako ang napiling reyna?   Ano na kayang ginagawang makina ni Hiro ngayon? Gumagana naman kaya? Kamusta na kaya ang Lasette Bakeshop, Si Madam Si at Bree?   Napabuntong ako dahil sa mga naiisip ko. Malapit na, kailangan ko lamang makausad sa mga pinapagawa sa akin upang makita ko silang muli.   Lumayo ako sa bintana at pumunta sa gitnang parte ng silid. Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong makitang kahit anong armas ang nakasabit sa pader.   “I guess mahika muna ang aking hahasahin sa ngayon.” Bulong ko sabay buntong hininga.   Kakaiba ang aking mahika, nalaman iyon ng aking ama noong ako ay limang taong gulang pa lamang. Nakakakita ako ng mga aura at life force, hindi tulad sa mga mahika ng mga taga-Auxthen na may kinalaman sa mga elemento.   Pumikit ako at nagconcentrate, controlado ko na ang aking mahika ngunit dahil nasa isang mataong lugar ako, mas mahihirapan akong controlin ito.   Una kong naramdaman ang mga life force sa paligid ko, napakalamig sa pakiramdam. Naramdaman ko ang buhay ng mga halaman sa loob ng silid. Hindi sila kasing kapal ng life force ng isang tao ngunit matingkad ang itsura nila.   Sumunod kong naramdaman ang life force ng mga guwardiya sa labas ng kwarto. Napangiti ako ng mapansin kong nakatayo pa rin ang anim na guwardiya sa labas ng kwarto ko. Palaki ng palaki ang sakop ng aking mahika hanggang sa napakadaming life force ang unti unti kong nararamdaman.   Habang tumatagal ay sumasakit ang nararamdaman ko dahil sa padami ng padaming life force ang nasasagap ng kapangyarihan ko.   Iminulat ko ang aking mata at nakita ko ang mga linya na parang sinulid ang mga life force. Makulay ang mga ito, nakadepende sa kulay ng kanilang elemento.   Alam kong nagliwanag din ang aking mga mata dahil isa itong indikiasyon na ginagamit ko ang aking mahika.   Napangiti ako dahil sa makulay na mga linya na konektado sa akin. Napakadami at iba iba ang kapal at kinang ng mga ito.   Napansin ko ang isang kulay asul na may halong itim na sinulid na napakaliwanag at makapal. Nakatutok ito sa labas ng pintuan. Napakunot ang aking noo dahil isang makapangyarihang tao ang magmamay-ari ng ganoong klase ng life force.   Bigla na lamang gumalaw ang life force na parang hinihila ako nito sakanya. Napakalakas ng tulak nito kung kaya’t napilitan akong bitawan ang ibang mga life force sa siyudad.   Tagatak ang pawis ko habang nilalabanan ang paghila ng kulay asul na may halong itim na life force.   “Sino ba ito at napakalakas niya?” bulong ko sa sarili habang mag pinaigi ang konsentrasyon.   Hindi nagtagal ay binitawan ko na lahat ng hawak kong life force dahil na rin sa pagod ay napaupo ako sa sahig.   Hindi ko aakalaing makakakita ako ng ganoong katingkad na life force at higit sa lahat, ganoon kakapal.   Mukhang kailangan ko pang paghusayan ng maigi ang aking kapangyarihan dahil hindi na buro ang mga taong nakakasalamuha ko rito sa Pedrimont.   Kinuha ko ang libro tungkol sa pagcontrol ng mahika upang pagaralan ito. Dahil wala nga naman akong armas, hindi ako makakapagensayo ng maayos. Mas mabuti pang magaral na lamang muna ako dahil maaga pa naman.    Nang sumilip na ang araw sa may bintana ay tumayo na ako upang bumalik sa aking bedchamber. Ibinalik ko sa ayos ang librong kinuha ko at dumiretso sa pinto.   Hindi na ako nagulat ng makita ko si Zeref na nakatayo sa gilid ng pintuan at para bang alam niyang lalabas na ako sa oras na iyon dahil nakaharap na siya sa pinto.   “Nariyan na ba si Mor?” Tanong ko habang sinasara ang pinto ngunit si Zeref na ang tuluyang nagsara nito para sa akin.   “Ipapatawag ko nalang po Mahal na Reyna.” Sabay tungo niya at pinagbuksan ako  ng pinto sa bedchamber.   Inihiga ko muna ang aking katawan sa kama dahil napagod ako sa ginawa kong pagsasanay at pagaaral ng pagcontrol kahit kakasilip pa lamang ng sinag ng araw.   Hindi ko mawari kung paano ko malalaman kung sino ang taong iyon ng hindi nila malalaman ang kapangyarihan ko. Hindi ko maaring gamitin na lamang ang kapangyarihan ko dahil magliliwanag ang kulay abo kong mga mata.   Pagkalipas ng ilang sandal ay may kumatok sa pinto at tumayo na ako dahil alam kong si Mor na ito. Iginiya niya ako sa bathing chamber at muling ginawa ang ginagawa niya nitong mga nakaraang araw kasama ang tatlo pang ladies of the bedchamber.   “Ano ang gagawin ko ngayon Mor?”   Ang suot ko ngayon ay kulay asul na dress. Matingkad ang kulay nito at may disenyong mga seashell sa itaas na bahagi nito. Sinuotan din ako ni Mor ng headband sa ulo na kakulay ng tela ng aking damit.   “Parehong klase po kay Sir Clifford, Madam Selvia at Sir Prithious. Inimbitahan ka rin po ni Reyna Sabrina sa garden mamayang hapon upang magtsaa kasama ang ibang Ladies in Waiting.”   Ng mabanggit iyon ay napatingin ako sakanya. Hindi ko naisip na makakasalamuha ko na agad ang mga Ladies in Waiting. Kakasimula ko pa lamang sa mga lesson sa akin kung kaya’t nagulat talaga ako sa balitang ito.   “Ladies in Waiting? Ngunit kakasimula ko pa lamang ang aking pagaaral kahapon. Hindi pa ako makakasabay sa lahat ng kaya nilang gawin.” Kinakabahang tugon ko sakanya.   Napansin naman ito ni Mor at hinawakan ang aking balikat sabay ngumiti ng nakakaintindi.   “Mahal na Reyna, hindi mo kailangan ibahin ang sarili mo para sa kanila. Ang mga matututunan mo ay parte lamang ng mga kailangan mong gawin bilang isang reyna. Hindi ibig sabihin nito na kailangan mo ng baguhin ang tunay mong sarili.” Mahabang litanya niya na siyang tumatak sa akin.   Tama. Hindi ko kailangan baguhin ang aking sarili dahil lamang sa bagong mundong mayroon ako ngayon. Hindi rin dapat ako kabahan dahil maguusap lang naman ang gagawin kapag nagtsa-tsaa.   Ako pa rin si Khione Monterro, ang pinalaking matapang at malakas ng aking ama. Ngumiti ako ng matamis kay Mor dahil gumaan ang pakiramdam ko sa kanyang sinabi.   “At tsaka, magtsat-tsaa lamang kayo Mahal na Reyna. Hindi kayo maglalaban. Wala ka dapat ikabahala.” Dugtong pa niya at nginitian rin ako.   Namimiss ko si Hiro at Bree dahil alam kong ganito rin ang sasabihin nila sa akin kapag nalaman nila ang sitwasyon kong ito.   Maituturing ko na sigurong bagong kaibigan si Morgarette dahil siya lamang ang may kakayahan makipag-usap sa akin na parang isa akong kaibigan at hindi isang mababang babaeng nabigyan ng prebelihiyo upang maging reyna sa kaharian nila.   Lumabas kami ng kwarto upang simulan nanaman ang panibagong araw.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD