“And the power should come from within, a mixture of passion and confidence. Power is malleable.” Pagbabasa ko sa linya patungkol sa pagkokontrol ng mahika. Masasabi kong tama nga ang sinasabi ng libro.
Nagsimula ulit akong basahin ang susunod na linya ngunit bigla na lamang may kumatok sa aking pinto at pumasok si Mor.
“Mahal na Reyna, inaanyayahan po kayo ni Reyna Sabrina sa dining hall upang sabay maghapunan.”
“Kailangan ba naroon ako ngayong gabi?” Tanong niya habang patuloy sa pagbasa ng librong hawak niya. Balak niya talagang magbasa na lamang sa kanyang silid at matulog pagkatapos.
“Isa po itong utos kaya opo, kailangan po naroon ka” Sagot naman ni Mor.
Bumuntong hininga siya at tumayo. Ngumiti siya kay Mor at sumunod sa bathing chamber upang simulan ang paghahanda.
“Sino sa tingin mo ang mga dadalo sa dining hall Mor?”
Napaisip si Mor habang nilalagyan ng sabon at pinapabula ang bathtub.
“Madalas po si Reyna Sabrina at Deity Naruu lang ang nasa dining hall. Hindi po nais ni Reyna Sabrina na imbitahan lahat ng nasa korte tuwing kapunan.”
Napatango-tango siya habang inaalis ang kanyang mga damit. Kasama ulit nila ang tatlo pang bedchambers upang tulungan sa pagaayos si Khione.
Kulay puti na simple summer dress ang ipinasuot sakanya ni Mor. May mga bulaklak ito na kulay ginto. Ang sleeves nito ay mahaba na mesh ang tela. Nagmukha siyang dyosa, litaw ang pagkaputi ng kanyang balat.
Hindi niya kilala ang kanyang sarili sa salamin. Nagmukha siyang nobleborn dahil sa suot at ayos niya. Nahagip ng mata niya ang masayang ngiti sakanya ni Mor.
Pagkalabas ng kwarto ay nakalinya na ang anim na guwardiya, nasa harapan nila si Zeref, ang Imperial Guard. Sabay sabay na yumukod ang mga ito sakanya ng tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.
Pagkarating sa dining hall, napansin niy ang mahabang mesa na kayang umupo ang apatnapung katao. Mataas ang arched ceiling at mayroong napakalaking diamond chandelier sa pinakagitnang bahagi nito. Mayroon ding maliliit na chandelier sa ibang bahagi ng silid.
Kulay ginto ang mga muwebles at ang upuan at mesa ay gawa sa kahoy na pininturahan ng puti at ginto ang disenyong mga dragon.
Yumuko siya pagkakita niya kay Reyna Sabrina at Deity Naruu na siyang nakaupo sa pinakadulo ng mesa.
Ngumiti naman si Reyna Sabrina sakanya na siya namang ginantihan. Iginiya siya ni Mor sa upuan sa kanang bahagi ng reyna.
“How is your first day Queen Khione?” Tanong ni Reyna Sabrina. Umaasa siyang nakakaintindi na ng Ingles ang dalaga.
“Okay lang naman po. Napagod po ako sa weaponry class kay Sir Prithious.”
Pumasok ang mga katulong at inilapag ang mga pagkain sa lamesa. Natakam naman si Khione kaya’t dali dali siyang tumikhim dito at sinimulang kumain.
Muwebles lang ang maririnig sa dining hall pagkatapos nilang sinimulang kumain. Hindi matigil sa pagnguya at pagsubo si Khione dahil ngayon lamang siya nakatikim ng ganitong pagkain.
Tumawa ng bahagya si Reyna Sabrina sa inasal niya kung kaya’t napatigil siya sa pagsubo ng wala sa oras at uminom ng tubig.
Kumislap naman ang mga mata ni Deity Naruu sa gilid ni Reyn Sabrina nangangahulugang pati siya ay natatawa.
Tumikhim si Reyna Sabrina uoang pigilan muli ang pagtawa.
“Nabalitaan kong humingi ka ng libro kay Selvia Queen Khione. I’m happy to know you are willing to learn.” Wika ni Deity Naruu
“Gusto ko pong pagaralan ang mundong kinabibilangan ko ngayon. Hindi po ako makakausad kung hindi ako magaaral.”
Ngumiti si Reyna Sabrina sa sinabi niya at pinagpatuloy ang pagkain.
“The library is open for you dear Khione. Kumuha ka lamang ng mga librong gusto mong basahin”
Nagulat siya sa sinabi ni Reyna Sabrina at ngumiti ng napakalawak tsaka nagpasalamat. Hindi niya maikakailang na sobrang natuwa siya sa desisyong iyon ng reyna. Inisip niya na sumaglit sa silid-aklatan mamaya bago bumalik sa kaniyang kwarto.
Pagkatapos kainin ang mga inihanda ay tumagal pa sila roon na ipinagtaka naman ni Khione. Maya-maya’y lumabas muli ang mga katulong at inilapag ang dessert sa lamesa, isa itong chocolate lava cake.
Isa ito sa mga paborito niya kahit tatlong beses pa lamang niya itong natitikman. Hindi buro ang presyo nito sa bayan ng Cyore kybg kaya’t isang beses sa isang taon lamang siya nakakatikim nito.
Habang kumakain ay nagusap sila patungkol sa mga dapat gawin ni Khione bilang reyna.
“Learning is one thing dear, pero kailangan mo ring makisalamuha sa nga tao. Lalo na sa korte, magiging parte ka ng korte in three months’ time.”
“How about afternoon tea Sabrina? Para masanay naman si Khione sa mga pagsasalo.” Suhestiyon ni Deity Naruu.
Hindi niya alam kung paano niya maitatawid ang pakikisalamuha sa mga taong ayaw sakanya at ayaw sa mga katulad niya.
Naisip niyang humingi ng pabor tungkol sa pagsasanay sakanyang private suite ngunit napagtanto niyang baka mali lamang iyon. Napabuntong hininga siya sa kanyang sitwasyon. Kung hindi lamang siya ang napling reyna ay normal pa rin ang buhay niya at nakakapagsanay sa tuktok ng bundok.
Ito kaya ang nais ng kanyang ama? Ang maging reyna upang baguhin ang maling pamamalakad ng kanilang kaharian? Kung sana ay nandito lamang ang kanyang ama.
“Kaikailanganin ring naming tignan ang mga improvements mo so naisip naming bigyan ka ng monthly assessment. Magaganap ito kada pagtapos ng isang buwan.”
“Kailangan mong maging handa dear. Hindi lang pamilya mo ang kailangan mong protektahan sa mga shadows ngayon, kung hindi ang buong kaharian.”
Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango na lamang. Pumasok ang Imperial Guard ni Queen Sabrina at sinabing kailangan na niyang magpahinga.
“I wish we could do this every night dear. If you don’t mind of course.” Wika ni Queen Sabrina at tinanguan na lamang siya ni Khione dahil sila lamang ang mga taong kilala niya sa kanyang tinitirhan ngayon.
Pagkatapos ng hapunan ay sumaglit sila sa silid-aklatan ng Auxthen. Ang pinakamalaking library sa buong kaharian. Hindi maitago ni Khione ang kanyang galak pagkakita ng milyong mga libro.
“This is wonderful.” Naibigkas niya at bigla siyang kinabahan kung kaya’t napatingin siya sa kanyang kapaligiran kung mayroon ba siyang kasama roon.
Nakita niyang malayo naman ang distansiya sakanya ni Mor at Zeref kung kaya’t nakahinga siya ng maluwag. Alam niyang perpekto ang kanyang pagbigkas ng Ingles at nasisiguro siyang mapapagalitan siya kapag may nakarinig sa kanya kung nagkataon.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa silid-aklatan at namangha siya dahil may mga grimoire pa siyang nakita. Ang floor to ceiling na mga bookshelves ay gawa sa kahoy na may kulay gintong dragon na disenyo. Lumilipad angg ibang mga grimoire habang ang iba naman ay may mga usok na lumalabas sa mga pahina nito.
Unti unti siyang lumapit sa mga shelves at naiwan naman sa may malapit sa pinto sina Mor at Zeref upang bigyan siya ng oras.
Lumapit siya sa English section upang kumuha ng dictionary book na mapagaaralan, kailangan niya pang hasain ang kanyang lengguwaheng Ingles. May mga libro ring siyang nakita patungkol sa pagbabake kaya’t kinuha niya rin ito at inilapag sa malapit na mesa upang simulang basahin.
Nangongolekta ng libro na dadalhin niya sa kanyang silid si Khione ng maramdamang niyang may nagtatawag sa kanyang pwersa. Napaangat ang kanyang tingin mula sa mga shelf at napagtanto niyang hinihila siya nito papunta sa kabilang bahagi ng library.
Sinundan niya ito at hindi namalayang nasa pinakadulong bahagi na siya kung saan ang mga libro ay may kalumaan at maalikabok na ang mga bookshelves.
“Ano meron dito?” tanong niya sa pwersang nanghihila sa kanya. Nagbabakasakali siyang may tutugon sa kanyang sagot. Inilibot niya ang kanyang paningin sa mga librong naroon at namangha dahil ang mga librong iyon ay hindi nakasulat sa modernong alpabeto.
Mayroong itinuro ang kanyang ama patungkol sa lengguwahe ng kanilang kaharian noong nagsisimula pa lamang ito ngunit hindi ganoon kalawak ang kaalaman ng kanyang ama kaya’t hindi niya rin Mabasa ang ibang mga nakasulat sa libro.
Inisa isa niyang tignan ang mga libro, nagbabakasaling may mahanap siyang sagot kung bakit mayroon siyang naramdamang pwersa na humihila sakanya.
Maya maya pay napansin niyang umilaw ang isang bahagi ng isang bookshelf sa kanyang kanan. Nilapitan niya ito upang suriin at hind inga siya nagkamaling nagliliwanag ito.
Namangha siya sa kagandahan ng libro. Kulay krema ito at medyo sunog na ang gilid gilid. Mayroong gintong dyamante na may bulaklak sa loob nito. Makalipas ang ilang saglit ay Nawala na ang ilaw at sinubukan niyang buksan ang libro.
Pagkabukas ay wala siyang nakitang kahit anong sulat. Hinintay niya ito dahil may ganoong klase ng grimoire kung saan kailangan pang hintaying ng ilang Segundo bago lumabas ang mga salita.
Pagkalipas ng dalawang minute ay wala pa ring lumabas na ilaw at naisipan na nalang niyang kunin ang libro at dalhin ito sa mesa. Kumuha pa siya ng ibang libro patungkol sa pagcontrol ng kapangyarihan at weaponry tsaka niya napagpasyahang bumalik na sa kanyang silid.
Inilapag niya sa mesa ang kanyang mga nakuhang libro at sinimulang basahin ang unang librong nakuha niya.
Pagkatapos ay tsaka niya lamang naalala ang mahiwagang libro kung kaya’t kinuha niya itong muli at sinubukang buksan upang basahin. Tulad kanina ay wala pa ring nangyari sa libro.
Itinago niya ito sa pinakadulong drawer sa may mesa at tsaka umalis sa silid upang magtungo sa kanyang bedchamber. Kailangan niya pang gumising ng maaga kinabukasan upang magtraining.
Sana kayanin ko ang mundong ito ama, sana nandito ka sa tabi ko upang gabayan ako sabihin kung ano ang mga dapat kong gawin. Isip ni Khione hanggang sa siya ay makatulog.