CHAPTER 6

1679 Words
“You need to look fierce and void of emotion Queen, hindi nila pwedeng makita na mahina ang Reyna nila.” Wika ni Madam Selvia sakanya habang siya ay nakaharap sa salamin at ginagawa ang utos ni niya. Maya-maya pa ay pimikit siya at minasahe ang kanyang ulo dahil sa biglang pagkirot nito. Napansin naman ito ni Madam Selvia at pinaupo siya sa upuan at binigyan ng tubig. “Ipagpatuloy nalang natin ito bukas Mahal na Reyna, kailangan niyo pong magpahinga.” “Meron ka bang libro patungkol dito at sa pagsasalita ng wikang Ingles?” Pagbabasag ko sa katahimikan pagkatapos ng ilang sandali. Tumango si Madam Selvia at sinabing maghintay sakanyang pagbalik at kukunin niya lamang ang mga kailangan niyang kunin. Kailangan kong pagbutihin ang pagaaral dahil bukas o sa makaliwa makakasalamuha ko na ang mga Ladies in Waiting at ayaw kong mapahiya sa harap nila. Hindi man ako nabibilang sa mundo nila ngunit sisikapin ko pa ring gawin lahat upang makita at makasama muli ang mga mahal ko sa buhay. Pagtapos ng ilang sandal ay bumalik na si Madam Selvia hawak ang tatlong libro at ipinatong ito sa lamesa sa harapan niya. “Ito na po Mahal na Reyna, sana makatulong ito sayo. Mauuna na po ako sainyo at magkita nalang ulit tayo bukas.” Yumuko siya sabay umalis. Kinuha ni Khione ang mga libro at sinimulang buklatin upang tignan. Unang libro na nabuklat niya ay ang “English for beginners”, natuwa siya dahil makakapagaral siya ng walang takot habang nandito sa palasyo. Binitbit niya ang mga libro at lumabas upang hanapin si Zeref at Mor. “Mor pakilagay nga ito sa kwarto ko at pakuha na rin ako ng isang notebook at panulat.” Wika ko ng mapansing kong kasama na ulit ni Zeref si Mor. Ngumiti si Mor at kinuha sakin ang mga dala ko at yumuko. Hinintay ko siyang makaalis bago humarap kay Zeref at sinabing dalhin ako sa susunod na pupuntahan. Hindi kami naguusap ni Zeref habang palabas ng palasyo, nagtaka ako dahil wala akong alam sa susunod na klase ko kung kaya’t tumigil ako upang tanungin siya. “Weaponry and Magic” Maikling tugon niya lamang sa tanong at muling nagsimulang maglakad. Kinabahan ako dahil marunong akong gumamit ng armas at may control ako sa aking kapangyarihan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nalaman nilang may alam ako sa mga ito. Pagkalabas ay pinagtitinginan sila ng mga guwardiya at mga tao. May mga napatigil pa upang pagmasdan si Khione at bumubulong bulong. Makikita sa mga mukha nila na hindi sila natutuwa sa balitang siya ang susunod na Reyna. Binilisan niya na lamang ang kanyang paglalakad upang maiwasan ang atensyon ng mga ito. Yumuko rin siya dahil hindi niya kayang tiisin ang tingin sakanya ng mga tao. Pagkatapos ng ilang saglit ay narating na nila ang isang pribadong kwarto na parte ng training grounds ng mga guwardiya. Hindi niya aakalaing mapupunta siya rito. Kumpleto ang kagamitan at lahat ay gawa sa bakal, hindi tulad ng sa sikretong training grounds niya sa itaas ng bundok na lahat ay gawa sa kahoy at nakatali lamang sa mga puno. Lumapit si Zeref sa isang malaki at matandang lalaki na nakatayo sa gitna ng kwarto at yumuko. Ginaya ni Khione ang ginawa ni Zeref na siyang ikinangisi ng lalaki. “Hindi mo kailangang gawin iyan.” Mapapansin sa tono ng kanyang pananalita na natuwa siya sa ginawang pagyuko ni Khione sakanya. Nainis naman si Khione ngunit hindi niya na lamang ito ipinakita. “Ako nga pala si Prithious, at ako ang magsasanay sayo upang maging gamay mo ang armas dahil alam ko naming wala kang kapangyarihan” Sabay tawa niya na siyang kinakunot ni Khione ng noo. “Kailangan mo munang magbihis Mahal na Reyna.” Tumawag siya ng katulong at iginiya sa isang pinto sa loob ng kwarto. Isa itong bathroom ngunit pang-isahang tao lamang. Baka para ito sa mga reyna na kailangang magsanay dahil mukhang mamahalin ang mga dekorasyong nakasabit sa loob ng kwarto. Pumasok si Mor sa pintong pinasukan niya at tinulungan siya nitong magayos. “Sino si Prithious?” Tanong ni Khione kay Mor dahil sa kuryosidad. Napatigil naman sa pagpili ng damit nasusuotin ni Khione si Mor at humarap sa Reyna. “Siya po ang Head Trainer ng mga guwardiya. Dati po siyang Heneral sa panahon ni Queen Emily at piniling maging guro sa weaponry pagkatpos ng kanyang termino.” Si Queen Emily ay ang reyna bago si Queen Sabrina. Sa pagkakaalam ko, ang reynang iyon ang mahilig makipaglaban at lagging nagtratraining kasama ang mga guwardiya sa training grounds. “Kinakatakutan po siya dahil hindi siya maawain at sa pagiging istrikto at masungit niya sa pagtuturo. Siya po ang nagturo kay Reyna Sabrina at mga Ladies in Waiting ngayon.” pagpapatuloy  niya pagkatapos pumili ng damit. “Isa siyang Dallarosa, Reyna Khione. Magiingat ka sakaniya.” Tugon pa niya habang inaayos ang sapatos na nararapat sa pagsasasanay. Nagbihis si Khione habang iniisip ang mga binanggit ni Mor sakanya. Hindi maganda ang kanyang pakiramdam kay Prithious. Bumalik na siya suot ang isang pants na medyo masikip at isang blusa na kulay puti. Sigurado siyang makakagalaw siya ng maayos sa suot na ito ngunit naisip niyang huwag nalang ipaalam sa iba na siya ay marunong sa paggamit ng armas at mayroon siyang kapangyarihan. “Hmm, maari na tayong magsimula. Uumpisahan natin sa kutsilyo.” Wika si Prithious at lumapit sa pader kung saan nakasabit ang mga armas sa ibat-ibang laki at haba. “Pumili ka” Utos niya at walang nagawa si Khione kung hindi ang lumapit. Namangha siya sa ganda ng mga armas na nandito. Hinawakan niya ang mga ito at masasabi niyang napakahusay ang pagkakagawa ng mga ito. Ninamnam niya ang oras sa pagtingin at paginspeksyon ng mga armas na siyang ikinatawa ni Prithious. “Hindi yan nangangain Mahal na Reyna.” May pangiinsultong wika niya, mukhang mali ang naisip niyang ideya sa emosyong ipinakita niya. Nahagip ng mata niya ang kutsilyong kulay puti na may mga dyamante sa hilt nito katabi ang isang palaso at pana na kapareho ng kulay at disenyo. Namangha siya at sinimulang kuhanin ito ngunit tinapik ni Prithious ang kanyang kamay. “Kung ako sayo Mahal na Reyna, pumili ka nalang ng iba, iyong nararapat hawakan ng kamay mo.” Sabay ngiti ng may pangiinsulto sakanya kaya walang nagawa si Khione kung hindi ang piliin ang nasa pinakadulo. Simpleng kutsilyo lamang ito at sobrang bigat. Hindi maganda sa pakikipaglaban ngunit wala na siyang magagawa kung hindi ang magpatuloy upang matapos na ito. Iginiya siya ni Prithious sa gitnang bahagi ng kwarto kung saan malawak ang espasyo. Nasa gilid si Mor at Zeref upang manood ng training niya na ikinagaan kahit papaano ng kanyang dibdib. Hindi niya mapagkakailang natatakot siya kay Prithious dahil sa mga ipinakita nito sakanya. “Kailangan mong masanay sa pakikipaglaban dahil ito ang isa sa tungkulin ng mga reyna. Ikaw ang maghahatid ng kapayapaan at tagumpay sa Auxthen.” “Simulan natin sa stance Mahal na Reyna. Kaliwang paa sa unahan, sa kanang kamay ang kutsilyo. Ang iyong bigat ay nasa kaliwang paa mo at dapat handa kang sumugod paharap ano mang oras.” Tumayo siya sa stance na itinuro ng kanyang ama, hindi niya ipapakitang marunong siyang gumamit ng armas ngunit ipapakita niyang kaya niya at mabilis siyang matuto. Ngumiti sakanya si Prithious at mukhang namangha sa kanyang ginawa. Tinuruan siya nito kung pano sumangga gamit ang kutsilyo at kung paano umatake. “Kailangan hindi makita ng iyong kalaban ang atake mo at kailangan mong mahanap ang opening sa mga atake niya bago ka umatake. Hindi puro atake Mahal na Reyna. Kailangan mong magisip ng istratehiya sa utak mo.” Wika nito habang patuloy na dinedemonstrate ang tamang paghakbang at pagatras. Wala siyang ginawa kung hindi ang lamyahan at ipakitang hindi siya ganon kaintresado sa pakikipaglaban upang hindi maghinala ang mga ito. Pagtapos ang ilang oras na pagatras abante, at pagwasiwas ng kutsilyo sa dummy ay sa wakas natapos na rin ang sesyon nil ani Prithious. Ipinakita niyang pagod na pagod siya kahit ang totoo ay hindi man lang siya nangawit sa kanilang ginawa. Iniisip ni Khione kung papaano at kung saan siya mageensayo muli ng walang nakakaalam kung ngayon ay laging nakabantay sakanya si Zeref. “Kailangan mong patibayin ang iyong resistensya Mahal na Reyna. Hindi pwedeng lulumpo lumpo ka sa harap ng digmaan.” Nakangiting wika ni Prithious sakanya. Hindi niya na lamang pinansin ang pangiinsulto at yumuko upang umalis. Dumiretso silang tatlo sa kanyang silid at nagpahinga. “May galit ata saiyo si Prithious Mahal na Reyna” Wika ni Mor sakanya habang sinasalinan niya ito ng tubig sa baso. “Galit naman lahat ng tao sa akin Mor. Ikaw ba naman maging Reyna ng biglaan kahit galing ka sa mababa diba.” Ngumiwi si Mor at hindi na lamang nagsalita. Napansin ni Khione ang mga librong binigay sakanya ni Madam Selvia sakanyang lamesa at kinuha ito. “Mor, ano ang laman noong private suite?” “Lamesa at mga upuan po Mahal na Reyna, doon niyo po pwedeng kausapin ang mga bibisita sainyo.” Ngumiti si Khione sa kanyang naisip at tumayo. Pagkapasok sa private suite niya ay natuwa siya sa lawak ng espasyo nito. Dito nalang siya mageensayo habang nandito siya sa palasyo. Kailangan niya na lamang ng armas upang makapagensayo rin siya nito at hindi lamang ang kanyang mahika. “Mor pakikuha ako ng libro patungkol sa mga kailangan kong aralin at pakilagay dito. Magmula ngayon dito na ako magaaral” Nakangiting anunsyo niya kay Mor na siyang ngumiti rin pabalik sakanya. Iniayos niya ang mga librong nakuha niya mula kay Madam Selvia at lumapit kay Zeref. “Zeref gusto ko ng lalagyanan ng mga libro dito sa private suite, kung maaari sana.” Sabi niya kay Zeref na nasa labas lamang ng pinto. Tumango ang binata at inutusan ang ibang guwardiya sa labas ng kanyang kwarto. Sinimulan ng magaral ni Khione ng mga dapat niyang aralin sa bagong mundo na kanyang kinagagalawan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD