Nagising ako sa pagpasok ni Mor kasama ang ilang mga babaeng nakauniporme ng pula at puti. May inihinda silang pagkain sa may mesa malapit sa may kama at binuksan nila ang malahiganteng kurtina at bintana kung kaya’t pumasok ang sinag ng araw at ang malamig na simoy ng hangin sa buong silid.
Ganoon nalang ba kasarap ang tulog ko at hindi man lang ako nagising ng madaling araw? Iginiya nila ako sa may mesa at hinayaang kumain.
“Kamusta ang tulog mo Mahal na Reyna?” Tanong ni Mor habang ako ay kumakain.
“Mahimbing, ngayon lamang ako nakatulog ng ganito kahimbing sa buong buhay ko.” Sagot ko sakanya at pinagmasdan ang buong Pedrimont sa nakabukas na bintana.
Mapapansin na halos puro puti ang mga kabahayan at mga tindahan sa buong siyudad. Maaliwalas at malinis. Tumatakbo ang mga bata at gumagamit ng mga mahika. Nagsisimula na ring rumami ang tao sa mga tindahan.
“Kailangan niyo pong pumunta sa throne room upang kausapin si Reyna Sabrina at Deity Naruu patungkol sa pagiging reyna.” Ani Mor ng matapos ako sa pagkain at iginiya niya ako sa may bathing chamber.
Napansin ko ang isang guwardiya na nakasuot ng purong itim na may gintong linya linya sa kanya uniporme. Kakaiba sa uniporme ng ibang guwardiyang nakita at nakasalamuha ko kahapon. Mayroon ring siyang armor sa ulo na kulay itim at may gintong buhok na nakadisenyo katulad ng sa dragon.
Ang espada niya ay kulay ginto na siya ring naiiba sa mga ibang guwardiya. Napansin siguro ni Mor ang aking tingin habang ako ay iginigiya sa bathing chamber.
“Siya ang iyong Imperial Guard Reyna Khione. Siya ang tinutukoy ko kagabi na sarili mong bodyguard. Lahat ng mga Reyna ay may sariling Imperial Guard at mapapansin mo sila sa kulay ng kanilang uniporme.”
“Ano ang tawag ko sakanya?” Kuriyos na tanong ko kay Mor habang inaalis ang paningin sa guwardiyang iyon. Hindi ko makita ang kanyang mga mata dahil na rin sa armor sa kanyang ulo ngunit ramdam ko ang kanyang paningin sa akin.
“Zeref ho ang kanyang ngalan Reyna Khione.” Sagot niya at sinimulan na nila akong hubaran ng akin damit at paliguan. Pagkatpos ay iginiya ulit nila ako sa kabilang gilid kung saan may malaking salamin at ipinaupo sa harap noon.
“Ano ang meron?” Wika ko. Wala akong alam sa buhay ng mga taong pinasok ko. Hindi ako sanay na may mga bagay na gumagawa ng dapat ay ako ang gumagawa. Hindi ko alam ngunit nakakaliit ang ganitong wala akong alam sa mga nangyayari.
“Aayusan ka namin Reyna Khione dahil ito ang utos ni Reyna Sabrina.” Sagot ni Mor habang namimili ng gown na isusuot ko. Hinayaan ko nalang silang gawin ang mga dapat nilang gawin at sinunod kung ano man ang sasabihin nila.
Pagkatpos ng ilang minuto ay nakadamit na ako ng puting gown na may mga bulaklak na disenyo sa may katawan nito. Nakaayos ang aking buhok pataas ngunit may natitira pa ring nakalaylay. Hindi ko makilala ang sarili ko sa ayos ko ngayon.
Pagkalabas ng kwarto ay sumunod sakin si Mor sa kaliwa at ang Imperial Guard sa kanan na nagngangalang Zeref ayon kay Mor. Ang mga babaeng nakauniporme ng puti at pula ay nakasunod sakin at nasa likod nila ang iba pang mga guwardiya.
Pagkarating sa throne room kung saan may dalawang trono sa pinakaharap at ito ay nakaangat ng ilang hakbang. Napansin ko ang malalaking bintana sa magkabilang gilid, mga candila na nakasabit sa dingding, ang simbolo ng kaharian na nakapinta sa sahig ng buong silid. At ang mataas na kisame.
Mayroon ding mga banner sa bawat gilid at makikita roon ang kulay ng mga pamilya ng 12 Orders at ang simbolo ng kaharian sa gitna ng bawat kulay nito.
Walang ibang tao kundi ang mga guwardiyang nakauniporme ng puti at ginto, ang Reyna Sabrina kasama ang kaniyang Imperial Guard, at si Deity Naruu.
Lumapit kami sakanila at nagbigay galang ang mga kasama ko. Ginaya ko rin sila dahil hindi ko alam kung ano ba ang mga dapat gawin sa korte. Pagangat ko ng aking tingin ay nakangiti na si Reyna Sabrina sa gawi ko.
“Leave us.” Dumagundong ang malakas na boses ni Deity Naruu. Nang makaalis ang lahat at ang natira nalang ay ako si Mor at ang Imperial Guard ko na si Zeref. Ay nagsalita na muli si Reyna Sabrina.
“Goodmorning Khione Iha. I have summoned you here to talk about the things you need to know. Hindi ka makokoronahan hangga’t hindi mo naaral ang mga dapat mong pagaralan.”
“Bibigyan ka naming ng tatlong buwan upang aralin ang lahat at magsisimula ka ngayong araw mismo. May mga klase kang kasama mo ang ibang Ladies in Waiting kung kaya’t alam kong maeenjoy mo ang mga ito.” Wika ni Deity Naruu.
Tinignan ko silang dalawa at tinanong ang bumabagabag sa isip simula kagabi.
“Pano ang pamilya ko? Ang trabaho ko? Paumanhin pero kailangan din ako ng mga mahal ko sa buhay.”
“Huwag kang magalala, papayagan ka naming bumisita pagkatapos ng isang buwan. Iyon ay kung magiging maayos ang pagaaral at pananatili mo rito sa palasyo.” Sagot ni Reyna Sabrina pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
“Mr. Zeref here will be your official Imperial Guard. And Morgarette will be your head of the bedchamber. Silang dalawa ang lagi mong makakasama kahit saan ka man magpunta.” Pagpapatuloy niya.
Tinignan ko ang dalawang tao sa magkabilang gilid ko at hindi ko mapagkakailang namimiss ko si Bree at si Hiro sa presensya nilang dalawa. Nginitian ako ni Mor at ginantihan ko naman iyon.
Tumingin ako ng may diterminasyon kay Reyna Sabrina at Deity Naruu, ngumiti naman si Reyna Sabrina sa kanyang Nakita. May ibinigay na piraso ng papel ang Imperial Guard ni Reyna Sabrina at mukhang iyon na ang iskedyul ko sa mga susunod na buwan.
Nagbigay galang kami at sinimulan ng baybayin ang daan patungo sa unang klase ko ngayong araw.
May mga nadaanan kaming mga hallway na puro litrato ng mga naunang reyna. Mayroon din naming puro rebulto lamang. Pagkaraan ng ilang minute ay pumasok kami sa isang silid. Pagkapasok ay napansin kong silid-aklatan iyon na hindi gaano kalakihan. May isang lalaking nakaharap sa isang mapa na nakasabit sa dingding. Kumikinang ang mapang iyon. Pagkaharap niya samin ay doon ka lamang napansin na may katandaan na ang kanyang itsura dahil na rin sa kulubot na balat at ang mga putting buhok.
Nagbigay galang ito at inanyayahan akong lumapit sa kanya. Tinignan ko si Mor at tumango lamang siya bago sila umalis ng silid ng Imperial Guard. Pagkalapit ko tsaka ko lamang napansin na gawa sa bato ang mapa. Nakaukit sa higanteng bato ang mga siyudad at kaharian sa mundo.
“Ikinagagalak kong makilala ang bagong reyna ng Auxthen. Ako po si Clifford ang tagabantay sa sagradong silid aklatan na ito.” Yumuko siya at tumango naman ako.
“Khione po Sir Clifford.”
“Cliff nalang Mahal na Reyna.”Wika niya at nagsimulang lumapit sa isa sa mga lamesa na naroon. May mga libro roon na nakasulat sa wikang ingles.
“Simulan na natin ang ating pagaaral, maupo ka Reyna Khione.” Wika ni Cliff at ngumiti.
“Ang mga Diyos ang unang nanirahan sa ating mundo. Pinaganda at pinayabong nila ito. Malalakas sila ngunit may tatlong pinakalamalakas sa lahat; Ang Diyos ng Langit, Diyos ng Dagat, at ang Diyos ng mga Patay. Sila ang hari ng mga hari at pare-pareho ang kanilang lakas.”
Sila ang Diyos ng lahat at alam iyon ng kahit sino sa Auxthen kaya nagtataka siya kung bakit iyon sinasabi ni Sir Clifford sakanya.
“Isang araw, may babaeng naging sanhi ng kadiliman sa buong mundo. Siya ang may hawak sa mga shadows na naging kalaban ng mga taong nilikha ng mga Diyos. Dahil dito, siya ay pinatapon siya sa Void upang matigil ang kasakiman niya. Ngunit hindi niya macontrol ang pagiging bloodthirsty ng mga shadows kahit pa man wala na siyang koneksyon sa mundo.”
Ito ang kwento ng kanilang mundo, sinasabi ito sa mga bata upang takutin sila sa pagtulog. Alam na alam niya ito dahil lagi itong kwinekwento sakanya ng kanyang ama.
“Iyan ang alam ng karamihan Reyna. Ang unang hakbang sa paggiging Reyna ay ang pagaaral sa iyong nakaraan.”
“Pero paano kung makawala si Pandora sa Void at maghasik muli ng lagim sa mundo?”
“Remember, hindi Diyos si Pandora Reyna Khione, and she will never be. Siya lang ang nagpakawala sa kasamaan kung kaya’t siya ang sinusunod ng mga ito. Ngunit hindi siya makakalabas sa kulungan niya dahil binabantayan ito ng mga Diyos.”
“Bakit hindi nalang nila pinatay si Pandora?” Kuryos na tanong ni Khione.
“Torture is what the God’s are good at Queen Khione and vengeance is sweet to their taste.” Sabay ngiti ni Clifford sakanya.
“That is all Queen Khione, ipagpapatuloy natin ito bukas.”
Nagpasalamat si Khione kay Clifford upang tumuloy sa sunod niyang klase. Paglabas ng silid aklatan, naroon sa labas ang aking Imperial Guard ngunit hindi ko mahagilap si Mor.
“May kailangan pa pong asikasuhin si Mor Mahal na Reyna. Ako nga po pala si Zeref, ang Imperial Guard niyo.” Sabay yuko niya upang magbigay galang. Nagulat ako sa lalim ng kanyang boses ngunit tumango din ako at ngumiti.
“Saan pala ang susunod na klase ko?”
“Sundan niyo po ako Mahal na Reyna.”
“Khione nalang Zeref.” Wika ko dahil hindi pa rin ako sanay sa pagbibigay galang nila sa akin at sa posisyon ko ngayon. Wala siyang narinig na tugon ngunit nagsimula na silang maglakbay patungo sa susunod na klase ko ngayong araw.
Pagtapos ng ilang liko at ilang hallways na nadaanan namin ay tumigil kami sa dalawang pinto na may bilog at dyamentang disensyo. Binuksan ni Zeref ang pinto at nagpatiuna sa paglalakad.
Napakalaking kwarto ang pinasukan naming. Sa isang bahagi ang mga upuan at mesa, may malalaking bintana kung saan pumapasok ang sinag ng araw at ang hangin. Mayroon ding mataas na kisame at sa gitnang bahagi ay walang kahit anong kagamitan.
Lumapit kami ni Zeref sa babaeng nakaupo sa isang bahagi ng kwarto at ng makita kami ay tumayo ito at nagbigay galang. Mukha siyang istrikto at masungit, hindi na ako nagtataka dahil hindi naman ako nababagay sa mundong ito.
Iniwan ako ni Zeref upang makapagsimula na kami.
“I don’t know you, but you certainly don’t belong to any of us.” Ngumiti siya, naintindihan ko ang kanyang sinabi ngunit ngumiti na lamang ako. Kailangan kong magtagal dito upang makita ko pa ang pamilya ko.
“Ako po si Khione.” Wika ko na lamang sakanya. Mas maganda na hindi niya alam na ako ay nakakintindi ng ingles.
“Reyna Khione, ang pagaaralan natin ngayon ay etiquette. Isa sa mga mahahalagang bagay na dapat matutunan ng mga Reyna. Ang mga ladies in Waiting ay napagaralan na ito simula pagkabata.” Matalim ang tingin niya na para bang kasalanan ko na hindi ako pinanganak sa pamilya ng 12 Orders.
“Disiplina ay kaagapay ng pagiging elegante. Hindi ipinapakita ng mga reyna ang kahinaan nila. “Wika niya habang umiikot at tintignan ako mula ulo hanggang paa.
“Simulan natin sa paglalakad. Please, Queen Khione demonstrate. Ipakita mo ang paraan ng paglalakad ng isang reyna.” Nakalahad ang kamay niya sa may espasyo na walang kagamitan at ngumit ng may pagmamayabang.
Inisip ko ang paraan ng paglalakad ni Reyna Sabrina at ginaya ito. Kailangan kong ipakita sakanila na kaya ko. Kahit mababa ang tingin nila sa akin ay kapareho pa rin nila akong tao.
Naglakad ako ng may kumpiyansa at hindi ngumingiti. Tumigil ako ng medyo makalayo na ako at muling humarap sa kanya.
Napansing kong mas gumaan ang ngiti niya kaysa kanina kung kaya’t ngumiti rin ako.
“Not bad Queen Khione. I must say, you are indeed one of a kind. My name’s Selvia, Your Majesty.” Sabay yuko ni Madam Selvia sa akin na siya naming ginantihan ko ng tango at ngumiti.
“Salamat po Madam Selvia.”
“Kailangan na nating simulan dahil mayroon ka pang isang klase pagkatapos nito.”
Nagsimula kaming pagaralan ang paglalakad, pagkontrol sa emosyon sa mukha, at marami pang iba. Hindi ko kalianman naisip na mapagaaralan ko ang mga bagay na ito. Kailangan ko na atang tanggapin ang pagbabagong ito sa buhay ko.