CHAPTER 4

2424 Words
“Long live new Queen of Auxthen.” Wika ni Deity Naruu. Sinabayan ito ng iba hanggang sa lahat ay pare-pareho na ang sinasabi. Lahat nakatingin sa amin ni Deity Naruu, sakin. “Hindi, baka nagkakamali ka lang Deity Naruu.” Wika ko sa dragon na nasa harap ko katabi ng mahiwagang bula. “No, my dear. It is your destiny to be a queen. Wala akong magagawa sa desisyon ng mga diyos.” Malumanay na sagot niya kahit ang mukha niya ay matapang. Gulong gulo ako, hindi maari. Ako? Reyna ng kaharian ko? Ni hindi nga ako maalam sa mga bagay bagay ng mga nobleborns tapos ako ang mapipili? Naglolokohan ba tayo? Tumingin ako kay Bree at Hiro na nasa likod ko na. Nakanganga sila pareho at makikita rin sa kanilang mukha ang pagkalito. Parang sinasabi rin ng mga mata nila na hindi sila makapaniwala. Nagsimulang lumapit sa amin ang mga guwardiya upang kunin ako. Ngunit nagpumiglas ako. “Saan niyo ako dadalhin? Bitawan niyo ako.” Sabi ko sa guwardiyang humawak sa kanang kamay ko. “Don’t touch her young man. She’s the new queen. Respect her.” Wika ni Deity Naruu. Binitawan ako ng guwardiya at biglang yumuko upang magbigay galang sa akin. Ganoon rin ang ginawa ng ibang mga guwardiya.  Mas lalo akong nagulat sa respetong ibinibigay nila isang mababang katulad ko. Hindi kami kailaman tinignan o binigyan pansin ng mga guwardiya dahil ang mga nobleborn lang ang priority nila. Ngayon lang din ako nakatanggap ng pansin sa lahat ng taong mas mataas sakin hindin kabilang si Bree at Madam Si. Hindi ako sanay sa tingin at atensyong binibigay nila sakin. Tumingin akong muli kay Deity Naruu at parang nakikiusap ang mga mata niyang sumunod ako sakanya. Para bang nakangiti siya dahil sa kislap ng kanyang mga mata. Tinignan kong muli si Bree at Hiro at sabay pa silang sumagot sagot. Tumango si Bree at umiling naman si Hiro. Kaya’t humarap ako kay Deity Naruu upang makipagusap muli. “Hindi ho ako nararapat bilang maging reyna. Hindi po ako nakapagaral kung kaya’t wala akong alam jan. Ulitin niyo nalang po ang pagpili ng bagong reyna.” “Kahit ulitin namin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin my child. You are destined to be the queen. The 100th queen of the Queendom of Auxthen.” “Halika na mahal na Reyna, kailangan na po nating pumunta sa palasyo. Isa po sa patakaram bilang reyna ang tumira at manatili sa palasyo.” Wika nung guwardiya na humawak sa akin kanina. “Bring her, we should not be exposed here for too long.” Utos ni Reyna Sabrina na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa kinaroroonan namin. Hinawakan niya ang kamay ko at bigla nalang kaming umangat sa lupa sakay sa kanyang mahikang parang tsunami na nakalutang. Napasinghap ako at tumingin sa buong paligid. Makikita sa mukha ng labindalawang Ladies in Waiting na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala sa naging desisyon ng mga diyos. Inaasahang isa sakanila ang magiging reyna kung kaya’t hindi na ako magtataka sa pagkamuhi at pagkainis na nababasa ko sa ilan sa mga mata nila. Tumingin akong muli sa kinaroroonan ko kanina at ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha ng dalawang taong malapit sa akin. Hindi ko inalis ang aking paningin sakanila at ganoon rin sila saakin hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Ipinihit ko ang aking tingin sa reyna na hanggang ngayon ay nakahawak sa kamay ko at maaliwalas ang mukha niya. Masaya ba siya na ako ang napili at hindi ang kamaganak niya? Ngunit bakit? Anong meron sa akin at ako ang napili ng mga diyos? Napansin ni Reyna Sabrina ang pagtitig ko kung kayat humarap siya sakin at ngumiti. Nakakaginhawa ang kanyang ngiti at sobrang ganda niya. Itim na itim ang kanyang buhok at ang mga mata niya’y kulay asul, kakulay ng nyebe. Napakaganda. “Mamaya na tayo magusap pagkarating natin sa palasyo. Hindi tayo maaring magtagal sa labas ng palasyo dahil magdidilim na.” Ani Reyna Sabrina at wala akong ginawa kung hindi ang tumango. Nakakahipnotismo ang kanyang ganda lalo na sa malapitan. Humarap ako sa daang tinatahak namin at napansin kong nakapasok na kami sa malaking pader ng palasyo. Maraming mga halaman sa harapang bahagi nito, naglalakihang mga puno at naggagandahang mga bulalaklak. Sa kanang bahagi makikita ang mga tirahan ng mga hayop ganoon na rin ang isang malawak na mukhang training grounds ng mga guwardiya. Sa kaliwa naman makikita ang isang tore na gawa sa puting bato. Makikita ang mga babae at lalaking may roba ng kahel at puti na pumapasok at lumalabas sa tore. Naturalists base na rin sa kulay ng roba na suot nila. Sa harapan ng tore ay mga halamang gamot at mga puno na sa tingin ko ay ginagamit ng mga naturalists sa paggagamot. Pagkapasok sa sa palasyo ay napanganga nalang ako sa ganda ng disenyo nito. Puro ginto at dyamante ang materyal na makikita sa lahat ng sulok ng palasyo. Mataas ang kisame at malawak ang espasyo, sa unahan ay makikita ang dalawang engrandeng hagdan na pakurba.  Sa pagitan ng dalawang hagdan nakaukit ang simbolo ng kaharihan ng Auxthen. Bilog na may gintong dragon sa loob, at sa itaas ng dragon ay ang dyamanteng kulay ginto rin. May malaking chandelier din sa taas ng kisame na sa tingin ko ay may isang daang piraso ng malahiganteng kandila. Mayroon ding carpet na kulay pula sa sahig. May daan patungo sa kaliwa at kanan pagkapasok palang sa malahiganteng punto na gawa sa kahoy at metal na may mga dragon at dyamanteng disenyo na nakaukit. Dumiretso kami ng Reyna ikalawang palapag, sakay pa rin ng kanyang tsunami cart at hawak niya pa rin ang aking kamay. Hindi ko matandaan ang mga daan patungo sa tinatahak namin dahil hindi ko maialis ang aking paningin sa mga mwebles at disenyo ng buong lugar. Hindi ako makapaniwala na nakapasok ako ng palasyo at mas lalo na ngayong katabi ko pa ang reyna. Napakaimposible para sa aming mabababa ang oportunidad na ito. Madalang makapasok sa palasyo ang mga katulad ko, kung meron man sa mababang posisyon lamang at sa palagay ko’y hindi rin pwede ang maglibot sa palasyong ito dahil wala akong makitang ibang tao. Maya maya pa pumasok kami sa dalawang malaking pinto na kulay puti at dahan dahan rin kaming bumaba ng Reyna Sabrina mula sa kanyang tsunami cart. Pagkapasok sa kwarto ay may mga sofa sa gitnang bahagi ng kwarto, mayroon ding piano at gitara sa isang bahagi. Malaki ang bintana sa dulong bahagi at may roon pang dalawang pintuan sa kanan at isa naman sa kaliwa. “Ito ang magiging kwarto mo iha, Im sorry may I know your name?” Bumaling ako sa Reyna ng bigla itong magsalita pagkaraan ng ilang segundo. “Khione po Reyna Sabrina, Khione Montero.” Sagot ko sa kanyang tanong. “Khione iha, as I was saying, ito na ang magiging kwarto mo. Nandito tayo ngayon sa Queens’ Wing at katapat ng kwarto mo ang aking kwarto. Maiwan muna kita dito at maya maya lamang ay dadating na si Morgarette, ang magiging kaagapay mo sa lahat habang Reyna ka ng Auxthen.” Mahinhin at malumanay na sabi ni Reyna Sabrina. Tumango lang ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang tanggapin ang nangyaring pagbabago sa buhay ko. Nilibot ko ang silid na yon habang naghihintay sa taong binanggit ni Reyna Sabrina kanina lamang. Pinaghalong puti, krema at ginto ang kulay ng buong silid. May fireplace sa may kaliwang bahagi malapit sa nagiisang pinto roon. May tapiserya rin sa kabilang bahagi ng fireplace, kasinlaki ito ng bintana. Pinagmasdan ko ang nakalagay sa telang iyon. May dragon, napakalaking dragon kasama ang isang lalaking may hawak ng espada. Nakatayo sila sa taas ng talampas habang may taong nasusunog sa ibaba. Mayroon ding mas maliit na tapiserya, kapareha ng sa malaki ngunit ibang anggulo naman ito. Nakaturok ang kutsilyo sa puso ng higanteng lalaki. Habang handa naman na siyang lamunin ng apoy na nagmula sa dragon. Mukhang ganoon ang kwento ng telang ito.  Napatalon ako ng bumukas ang pintuan at pumasok ang babaeng payat, singkit ang mata at may itim na diretso at mahabang buhok. Bigla siyang yumuko na ikinagulat ko at ginawa ang kanyang ginawa. “Mahal na reyna, hindi niyo po kailangan magbigay galang sa akin.” Wika ng babae “Pasensya na, hindi lamang ako sanay na may yumuyuko sa harapan ko.” Sagot ko naman pabalik sakanya. “Ako nga pala si Khione, Ki nalang itawag mo sa akin.” “Ako po si Morgarette, Mahal na reyna. Mor nalang po. Ako ho ang head lady of the bedchamber niyo, asahan niyo po ako lagi sa inyong tabi. At hindi ho kita pwedeng tawaging Ki, reyna ka na po ngayon.” Naiilang na sagot niya ngunit ngumiti rin naman na siyang ginantihan ko. “Ito po ang receiving chamber niyo Reyna Khione.” Habang nakaturo ang kanyang kamay sa kwarto na aming kinalalagyanan. “Ang dalawa pong pintuan na yan ay ang bathing chamber at ang bedroom niyo. Dito naman po sa kabila ang private suite niyo. Halika na po Mahal na reyna, ipapahanda ko na po ang pagligo niyo.” Iminuwestra niya ang Isa sa dalawang pintuan sa kanang bahagi ng silid at binuksan ang pinto. May isang isang malaking bathtub sa gitna ng silid at nasa kabilang gilid ang shower. Nasa kanang bahagi ang espasyo para makapagbihis ng damit at mayroon ding malaking salamin na umabot hanggang kisame. Puti at ginto pa rin ang karamihan ngunit pula naman ang kulay ng mga kagamitan. “Napakaganda.” Hindi ko namalayang nasabi ko habang ininilibot ang aking paningin. “Dito po Reyna Khione.” Ani Mor. Lumapit ako sa kanya at maya maya ay may pumasok pang tatlong babaeng nakauniporme ng pula at puti. Mga katulong at sinumulan nilang lumapit sa gawi ko. Hinawakan ng isang babae ang tali sa likod ng aking bestida at sinimulang alisin ito. “Ako na” Wika ko at sinimulang alisin ang aking damit hanggang sa panloob na lamang ang naiiwan. Sumulyap ako kay Mor at mukhang nakuha niya naman ang nais kong mangyari. Inanyayahan niya akong umupo sa bathtub ng makaalis ang mga babae kanina. “Salamat Mor. Ngunit kaya ko na.” Pagpapatigil ko sa pagsuklay niya sa aking buhok. “Ang ganda po ng buhok niyo Mahal na reyna Khione.” Sabay ngiti niya sakin. Gumaan ang pakiramdam ko sa ngiting iyon at nagsimulang magtanong dahil sa gulong-gulo na ako. “Mor, hindi ka ba galit na ako ng napili ni Deity Naruu bilang bagong reyna?” “Bakit ko naman po kwekwestiyunin ang desisyon ng isang diyos Mahal na Reyna, naniniwala po akong lahat ng ito ay nakatadhana na bago pa tayo ipanganak. Ito ang dapat na mangyari kaya dapat lamang na sundin natin ang takbo nito.” “Ilang taon ka na Mor?” “Labingwalong taong gulang pa lamang ho Reyna Khione. Guwardiya po ang aking ama at noong namatay siya ay ang aking ina naman ang pinasok bilang tagalinis ng palasyo.” “Dito ka na tumira at lumaki? Sa palasyo?” Tanong ko dahil sa kuryosidad. “Opo. Nasilayan ko rin po ang paglaki ng mga Ladies in Waiting. Madalas po sina Lady Denara, Lady Amirrey at Lady Sofiel sa palasyo.” Nakangiting sagot niya sakin. Hindi ko kilala ang mga nabanggit niyang pangalan kung kaya’t tinanong ko ito. “Si Lady Denara po ang nagiisang anak at tagapagmana ng mga Kane. Mahilig po siyang makipaglaban at lagi siyang nageensayo kasama ang mga guwardiya sa training grounds. Si Lady Amirrey naman po ang nagiisang babaeng anak ng mga Feyrer. Madalas rin po ang kaniyang mga kapatid na lalaki sa training grounds at halos sabay sabay sila nageensayo nila Lady Denara at Lady Sofiel. Ang huli naman po ang unang pamangkin ni Reyna Sabrina, galing sa bloodline ng Clyborne.” Magkakasamang lumaki ang karamihan sa Ladies in Waiting at hindi na ako magtataka kung ganoon na lamang kalaki ang galit nila sa akin. “Wala bang anak si Reyna Sabrina?” Hindi ko na natigilang isatinig ang aking tanong at mukhang nagulat naman si Mor dahil doon. Nginitian niya lamang ako at umalis upang kumuha ng bagong tela. Tinapos ko na ang pagligo at lumipat sa kwarto na itinuro ni Mor kanina lamang. Pagkapasok ay makikita mo kaagad ang napakalaking kama sa gitnang bahagi ng kwarto. Mayroon itong takip sa itaas na nakakabit sa kisame at may kurtina sa apat na poste ng kama. Sa kanang bahagi ay maroon malaking bintana at may balkonahe. Mayroon ding mga lamesa at upuan at mga tapestry na tulad ng sa receiving area. “Naihanda na rin po ang iyong makakain Reyna Khione.” Iminuwestra ni Mor ang upuan sa tapat ng malaking bintana at pagkaupo ay tsaka ko lamang nakita ang mesang puno ng pagkain. Biglang tumunog ang aking sikmura at nahagip ng mata ko si Mor na ngumiti. Hindi ko alam kung masasanay ba ako sa ganitong klase ng pamumuhay. Madalas tinapay lamang na galing sa bakeshop ni Madam Si ang kinakain ko at tuwing gabi lamang kami nakakakain ng tamang pagkain. “Salamat.” Wika ko at sinimulang kainin ang mga nakahandang pagkain para sa akin. Hindi na nakakapagtaka ang lasa dahil itsura pa lamang ay mukhang masarap na, at hindi nga ako nabigo. “Darating na po mamaya ang mga guwardiya na magbabantay sa iyo Mahal na Reyna.” “Guwardiya? Sa loob ng kwarto?” Gulat na tanong ko habang kumakain. “Opo Reyna Khione. Ang Imperial Guard po ang sarili niyong bodyguard na siyang makakasama niyo kahit saan kayo magpunta.” Nabilaukan ako dahil sa sinabi niya. Kailangan ko ng guwardiya? Sa loob ng kwarto? Mukhang napansin naman ni Morgarette ang aking mukha at siyang bahagyang natawa. “Sa labas lamang po ng pintuan ng bedroom chamber magbabantay ang Imperial Guard Mahal na Reyna.” Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niyang iyon. “Kailangan niyo na pong matulog Mahal na Reyna dahil maaga pa po kayo bukas. Marami po kayong gagawin bukas ayon na rin kay Reyna Sabrina.” Ngumiti sakin si Mor at iginiya ako sa may kama. Pagkahiga ko ay siya naming pagalis ni Mor ang pag pasok ng mga guwardiya sa receiving chamber.  Hindi ko kailanman naisip ganito ang magiging kalabasan ng pagdadasal ko sa mga bituwin. Ipinikit ko ang aking mga mata at nanalangin na sana malagpasan ko ang lahat ng pagbusok na ito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD