KABANATA 11

1669 Words
KABANATA 11: LUMABAS na ako nang kwarto para mag-init ng tubig at nagluto ng umagahan para makainom si Zion ng gamot niya. Hindi ko na ko na rin nadatnan si Sean, at nakita ko na lang sa may refregirator ang note niya na umalis na siya. Meron pang siyang iniwan na number kaya agad rin akong nagtext sa kanya ng mag-ingat siya. Narinig kong may bumukas na pinto at alam kong si Zion yun. "Si Sean?" tanong agad nito. "Umalis na s'ya" turo ko sa may refregirator dahil nandoon pa rin ang note ni Sean. "Bakit nag-iwan pa s'ya ng number?" bulong niya pero narinig ko. "Nag-text ka sa kanya?" "Oo" tipid na sagot ko. "Sumagot?" tumango lang ako. "Anong text mo?" "Sabi ko. "Thank you, Sean. Ingat. love you'" "Ano?!. Bakit may 'love you' pa?" lumingon ako sa kanya at tinignan siya ng masama. "Bakit ka kasi nang-love you?" "Pwede mag-joke?. Syempre, hindi ako nang- love you, no?. Yun yung text ko sa kanya pwera yung 'love you'. Mag almusal na nga tayo, para makainom kana ng gamot" dala ko sa lamesa ng niluto ko. "Iniwan sa akin ni Sean yung budget mo sa grocery, kaya magsulat kana kung anong ipamimili mo. Para kapag medyo humilom na yang sugat mo, sasamahan kitang mamili." "Sige" ngiti niya. DALAWANG linggo na ang nakalipas, naging maayos na ang lagay ni Zion at nakakapasok na rin siya sa kompanya kung saan siya nag-on the job training. Araw-araw niya rin akong sinusundo sa school para sabay kaming makauwi. Katulad ngayon na hinihintay ko siya sa kubo dahil nagpa-meeting ang kanilang OJT Coordinator. "Ganda!" tawag sa akin ni Zion habang kumakaway pa. Ngumiti ako at tumayo sa pagkakaupo ko para lumabas ng kubo. "Uwi na tayo" sabi niya. Nakita ko si Shawn na nakakulay pulang t-shirt at may kasama siyang babae na madalas ko rin nakikita sa school na nakaksama niya. Maikli ang buhok at may maliit na magandang mukha, hanggang balikat lang ito ni Shawn. Nagtatawanan pa sila na halatang close na close silang dalawa. "May crush ka ba kay Shawn?" tanong ni Zion. Kinabahan ako ng tumingin ako sa kanya at napalunok pa ako. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Maganda kasi yung boses n'ya... Yun lang yun, tara na nga!" nauna ako kay Zion pero sumabay siya sa akin sa paglalakad. "Boses lang talaga ang crush mo sa kanya ha?" sabi niya pa kaya tiniganan ko siya ng masama. "Tahimik!" ngumisi lang siya at inakbayan ako na agad ko namang siniko. "Hindi tayo bati!" "Si Britney yung kasama niya, mabait yun... Magkaibigan sila pero mukhang nakakaigihan silang dalawa... gusto mo bang makilala pa si Shawn. Balita ko may nag iinvite sa kanila sa isang bar. Gusto mong pumunta tayo, para naman suportahan mo ang crush mo" "Ewan ko sa'yo! Dyan kana nga!" nauna na ako maglakad at hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin. Nang makarating kami sa terminal agad akong sumakay sa jeep na isa na lang ang kulang. Sobra kasi akong naiinis sa kanya, nakakabwisit!. ILANG oras na akong nakauwi at wala pa ring Zion na umuuwi. Kaya tinext ko na siya pero hindi pa rin ito nagte-text kaya nagpaload na ako para makatawag sa kanya pero un-attended siya kaya kinakabahan na ako. Tinawagan ko na rin sila Ruby at Alice para itanong kung nasa school pa ba si Zion, pero sinabi ng mga 'to na huli nila daw nakita si Zion na ko. Kung anu-ano nang pumasok sa isip ko na mga masasamang nangyari sa kanya. "Zion, ano ba nasaan kana?..." "Hello! Ganda!" nakangiting si Zion habang nakatayo sa may pinto. "Saan ka pumunta? Alam mo bang kanina pa ako sa'yo?!. Bwisit ka, Zion!" inis akong naglakad sa kwarto ko. Pinigilan niya ako, niyakap niya ang bewang ko at pinatong niyang baba niya sa balikat ko. "Sorry". Hindi ko alam kung bakit bigla akong napahikbi at tuloy-tuloy ang luha sa pisngi ko. Siguro dahil sa kaba at takot na may nangyari na naman sa kanyang masama. "I'm sorry, Ganda" "Bakit hindi ka nagrereply?" "Hindi ako nakapag-charge, kaya na namatay ang phone ko. Bumili lang ako nang pagkain natin para makabawi ako sa'yo kasi nainis na naman kita. Sorry na..." tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at naglakad papunta sa harapan ko. "Sorry napag-alala kita, at sorry rin sa kakulitan ko kanina" ngiti niya at tumango lang ako. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na yakapin siya. "Lagi kang mag-iingay, Zion. Ayoko nang makita kang may mga sugat sa mukha mo, please lang..."hiwalay ko sa kanya at tumango-tango lang siya sa akin. "Pasok lang ako sa kwarto ko" "Maxine..." katok niya sa pinto. "Magpapahinga muna ako, Zion. Mamaya nalang tayo mag-usap" sabi ko at narinig ko naman ang paglayo ng yabag niya. NAKARINIG ako ng katok kaya bangon ako sa kama ko para buksan ang pinto. "Kain na tayo" sabi niya. Tumango naman ako at nauna na siyang maglakad papunta sa lamesa. Nakahanda na ang lahat ng pagkain at napatingin ako sa kanya dahil isang fastfood ang nakahain sa lamesa. "Pang bawi sa'yo... Sorry at pinag-alala kita, Ganda" Huminga ako ng malalim at umiling. "Wala na yun, kalimutan mo na lang. Basta wag mo na uli ako pag-aalahanin. Habang magkasama tayo sa iisang bubong syempre mag-aalala ako sa'yo kapag hindi ka pa nakakauwi, kaibigan mo ako, Zion. Mag-aalala ako sa'yo at ayoko nang mangyari ang nangyari sa'yo noong nakakaraan buwan." "Wag kang mag-alala, araw araw na kitang i-uupdate sa buhay ko. Kapag nakapasok na ako, pauwi, nagkaroon ng nililigawan, nagka-girlfriend--" "Ano ako, nanay mo?!." inis na tingin ko sa kanya. "Joke lang, hindi ako magkaka-girlfriend. Hindi pa s'ya pwede eh!" ngisi niya at umupo upuan na kaharap ko. "Kain na tayo, girl friend ko" ngiti niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay. "Babaeng kaibigan, wag mag-assume" "Wag mo akong tawagin ng ganyan, baka iba ang pagkakaintindi ng mga tao at hindi mo maligawan yung babae gusto mo" sabi ko at tumayo uli para maghigas ng kamay sa lababo. "Kain ba tayo" sabi ko ng makabalik sa hapag. Tapos na kaming kumain kaya nanuod naman kami habang magkatabi kami sa sofa. Napapalingon ako kay Zion dahil nararamdaman ko na patingin-tingin siya sa akin. Sakto naman napatingin siya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Problema mo?" Umiling siya. "Wala" tingin niya uli sa tv pero tinignan ko lang siya dahil alam kong titingin uli siya sa akin at tama nga ako. "Bakit ka nakatingin, Ganda?" "Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa akin, para kang sira" tayo at bumulong siya pero di ko matindihan. "Ewan ko sa'yo. Matutulog na ako, ikaw na magpatay ng tv. Good night!" "Good night. Sweet dreams." ngiti niya habang nakatingin sa akin. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko. NAGISING ako ng maaga at agad akong lumabas ng kwarto ko at naupo sa sofa. Pumikit muna ako at agad rin napadilat ng may marinig akong ingay. "Zion!" sigaw ko at napatakip ng mukha ko gamit ang unan na nasa gilid ko. "Ano yun?" may pagtatakang tanong nito. "Ganda, naka-topless ako hindi ako nakahubot-hubad. O.A!" sabi nito at tumawa pa. Tinignan ko siya ng masama at tumayo ako para bumalik sa kwarto ko. "O.A pala ha?" ngiwi ko. Kumuha ako ng papel, ballpen, at tape. Busy ako! Walang kakatok! -Maxine Lumabas dala ang gamit para maligo ako. "Samahan mo akong mag-grocery, Ganda" sabi niya. Pero hindi ko siya pinansin at naglakad na lang ako papunta sa banyo. "Maxine!" sinara ko lang ang pinto na kunwari walang akong narinig. Nang lumabas ako nakaupo si Zion sa sofa at bihis na bihis na ito. Lumingon siya sa akin at naglakad lang ako tuloy-tuloy papunta sa kwarto ko kahit tinawag niya ang pangalan ko. Nang makapasok ako, nilagay ko muna ang mga maruruming damit ko sa basket at kinuha ang sinulat ko kanina. Hindi na ako nagulat ng nasa harap ng pinto si Zion dahil nakita ko na sumunod siya sa akin kanina. "Busy ako, walang kakatok. Gand--" agad kong sinara ang pinto pagkatapos kong maidikit ang sinulat ko. "Maxine!" katok niya sa labas pero hindi ko pinansin. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang akong naiinis kay Zion. Nagsuklay ako at pinatuyo ko muna ang buhok ko. Nagbasa ako ng konte at humilata sa kama, hindi ko alam kung bakit tamad na tamad ako sa araw na 'to. Medyo masama rin ang gising st hindi pa rin ako nag-aalmusal pero mas pinili kong mahiga at matulog na lang uli. Baka kulang lang ako sa tulog. Nang maalimpungatan ako, bigla na lang sumakit ang puson ko. Ang isa sa pinaka araw na ayaw kong nangyayari sa tuwing buwan. Ang unang araw ko. Tumayo ako at agad na binuksan ang pinto ng kwarto ko at nagtuloy-tuloy sa banyo. Pagkalabas ko sa banyo kita ko ang pag-aalala ni Zion. "May sakit ka ba? Sabihin mo sa akin, baby, saan ang masakit?" nakatingin lang ako sa kanya dahil ang lambing ng pagkakasabi niya. "Ganda..." "Masakit ang puson ko, meron ako ngayon" sabi ko at agad naglakad papunta sa kwarto ko. Agad kong ininda ang kirot ng puson ko kaya napahinto ako. "N-Nag grocery kana ba?" "Hindi pa, ayaw mo kong samahan eh!" "Tss! Wala na akong stanitary napkin, pwede mo ba akong ibili?. Please?" "S-Sige, saan nakakabili no'n?" "Meron sa tindahan sa labas, doon kana lang bumili... Tatlong piraso, sabihin mo yung may pakpak. Salamat" ngiti ko sa kanya at tumango naman siya. Akala ko aalis na siya pero inalalayan niya muna ako makahiga sa kama ko. "Thanks, Zion" "Text mo lang ako 'pag may kailangan ka pa, full charge na ako. Sandali lang ako" sabi niya at lumabas ng kwarto ko. Napangiti na lang ako dahil sobrang caring niya. ===Elainah M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD