KABANATA 12

1718 Words
KABANATA 12: NAGISING ako ng may humahaplos sa pisngi ko ag ng dumilat ako nakita ko si Zion na nakaupo sa kama ko. "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Ito oh" bigay niya sa akin ng isang bote. "Mainit na tubig, ilagay mo daw sa puson mo para kahit papaano maibsan ang sakit" "Thanks" kuha ko sa bote na may nabalot na towel. "Sinong naman ang nagsabi sa'yo?" "Yung manang nagtitinda sa labas, nabili ko na rin ang pinabibili mo. Anong gusto mong kainin?" "Kahit ano, bala kana sa kusina muna" ngiti ko. "Marunong ka bang magluto tulad ni Sean?" "Oo, pero hindi kasi sarap niya magluto. Pero mas masarap ako sa kanya" ngisi niya na ikina-ngiwi ko. "Magluto kana nga lang!" tuwa lang siya at lumabas ng kwarto. Napangiti na rin ako sa kalokohan na sinabi niya. 'Siraulo talaga!' "KAIN na tayo!" sabi ni Zion at napaupo sa kama ng makita ko ang dala niya. "Dito na tayo kumain para hindi kana tumayo" tinabi niya ang unan at nilagay ang tray sa kama ko. Nakadalawang labas uli siya dala naman ang inumin at iba pang kakainin namin. "Masarap ka naman pala magluto" sabi ng makakain ng luto niya. "Thanks, Ganda. Pinagbutihan ko yan para sa'yo. Masarap akong magluto pero tamad ako sa kusina" tumango lang ako at tahimik na kamkng kumakain. "Magluluto nga pala ako ng fries, gusto mo?." sabi niya habang nagliligpit ng pinagkainan namin. "May ice cream rin ako bili, tyka ung paborito mong m&m" ngiti niya. "Sabi ng kaibigan ko nagpapabili daw yung girlfriend niya ng ganun kapag may period" "Thank you, Zion. Pero hindi ako ganun. Lagi ako gutom kapag meron ako, pero kahit ano naman kinakain ko. But thank sa ice cream lalo na sa m&m na paborito ko" ngiti ko sa kanya. "I know. Sige, pahinga kana... tyka na lang tayo mag-grocery kapag magaling kana. Text me, kung gusto mong kumain ng ice cream, kung may kailangan ka o kung ano pa man. Nasa sofa lang ako" "Okey, thank you sa lahat, Zion. Sorry rin kanina sa ginawa ko sa'yo" "Wala yun. Sige na magpahinga kana" ngiti niya at lumabas ng kwarto ko. ILANG oras lang ang nakalipas medyo maayos na rin ang lagay ko pero masakit pa rin ang puson ko. Tumayo ako sa kama para lumabas at kumuha ng tubi dahil nauuhaw ako. Nang nasa labas na ako nakita ko si Zion na nakatingin sa akin at agad na tumayo. "Bakit ka tumayo?. Sabi ko itext mo nalang ako kapag may kailangan ka" sabi niya habang papalapit sa akin. "Ang O.A mo... Ayos na ako, kukuha lang ng tubig--Zion!" agad siya kasing pumunta sa kusina at kumuha ng tubig. "Malamig ba?" "Warm water, salamat" ngiti ko. Naglakad na akong papuntang sofa. "Aalis ka ba?" hindi pa rin kasi siya nagpapalit ng damit niya. Puro white t-shirt kasi siya kapag nasa bahay lang. "Hindi, hindi pa ako nakakapagbihis kasi baka may kailangan ka. Ito na" abot niya sa akin ng baso. "Baka masanay ako n'ya sa'yo masyado kang maalaga. Baka hindi mo na maligawan yung babaeng gusto mo" "Sa tingin mo, plus points ba 'to sa kanya?" upo niya sa tabi ko. "Oo naman no?. Ang caring mo kaya, babaero nga lang" "Kailan ako nangbabae?" "Lagi kang may kasama sa school, lalo na si Lucy" sabi niya. "Sila ang lumalapit sa akin. Tyka si Lucy kaibigan ko lang yun, classmate" "Hindi siya yung babaeng liligawan mo? Yung parehas kayo may priority pa?" "Wag kang magselos kay Lucy. Hindi ko siya gusto, isa lang ang babaeng gusto ko" titig niya sa akin at ngumiti. "Baliw!. Hindi ako nagseselos no?. Hmm!. Paano kung hindi ka gusto ng liligawan mo? Paano kung may gusto siyang iba?" "Okey lang sa akin na may gusto siyang iba, ay! hindi pala okey sa akin lalo na kung, hindi s'ya gusto ng gusto niya. Basta, s'ya na ang gusto ko simula ng makita ko siya. Alam kong para sa akin s'ya" "Ang confident mo ha?. Sino ba s'ya?" "Secret muna, kapag nagsabi ako sa kanya ikaw ang unang makakaalam. Kailangan ko lang ng lakas ng loob" "Ang dami mong ka hanginan sa buhay nangangailangan ka pa ba?. Paano kung may sagutin na s'ya edi olat kana!. Kung ano sa'yo sabihin mo na" "Wala pa naman nanliligaw sa kanya, may crush pero sa tingin ko naman hindi siya liligawan ng taong yun. Pero kapag niligawan siya ng taong yun, babalatan ko yun ng buhay." Tumawa na lang ako at napailing. "Paano kapag hindi ka sinagot?" "Hindi ako magtatanong hanggat hindi ako sigurado. Mahuhulog at mahuhulog siya sa akin" ngiti niya. "Paano kung nahulog s'ya sa'yo tapos biglang ayaw mo na pala sa kanya. Hindi kaya masaktan siya?. Nagkwento kasi samin ung classmate namin guy. Nag-effort daw siya dun sa girl tapos nagising na lang siya isang araw, na ayaw niya sa girl kasi pinaghihintay daw s'ya nito ng ilang buwan" "Hindi niya mahal yung babae, gusto niya lang ligawan 'yun. Kasi kung gusto mo ang isang tao, okey kana na hanggang tingin o kausapin mo lang siya. Kinikilig ka kasi kinausap ka niya o nag-usap kayo. Kinikilig ka kasi nakita mo siyang mapatingin sa'yo. Tapos ilang araw o buwan magsasawa kana sa kanya. Panghanga lang 'yun" "Para sa akin kapag mahal mo ang isang tao, tignan ka lang niya para kanang mababaliw sa sobrang saya, lalo pa kapag ngumiti siya sa'yo. Mas nakakataba pa ng puso yung sobrang nag-aalala siya sa'yo. Ang taong mahal mo kahit may taong gusto o mahal siya, maghihintay at maghihintay ka para sa kanya." "Mararamdaman mo naman yun, kapag alam mong siya ang para sa'yo o kahit sabihin sa'yo ng tadhana na hindi siya para sa'yo. Gagawa ka ng paraan para mapasayo siya at mahalin ka rin niya." "Paano kapag yung taong gusto mo, may mahal na iba at alam mong doon siya sasaya?" "Hahayaan ko siya sa taong mahal niya dahil alam doon siya masaya, kahit masakit sa akin. Babantayan ko siya hanggang sa makasigurado na ako na hindi siya sasaktan ng taong mahal niya" "Hindi ka maghahanap ng panibagong mamahalin?" "Hindi ko alam?. Kapag siguro may taong dumating na alam kong para sa akin. Pero siguradong mahihirapan pa rin ako na bumitaw sa kanya dahil alam kong mahal ko na s'ya." "So? may posibilidad na yung taong mahal mo hindi mo na magiging mahal kasi nga may na nahanap kana may "mas" sa kanya. Kaya wag mong sasabihin na maghihintay at maghihintay ka sa kanya. Kasi may posibilidad na mapalingon ka sa iba at maaari mo rin siyang magustuhan kaysa sa taong hinihintay mo." "Wag kang mag-alala pipikit ako kapag lumingon ako para hindi ako makahanap ng iba" ngiti niya. "Minsan akala natin 'yung taong nagpatibok sa puso natin siya na ang taong panghabang buhay natin. Pero yung t***k ng puso natin para sa kanya pwede rin palang mabago at mabaling sa iba. Kaya minsan nakakawalang gana ang magkagusto lalo na sa mga taong manhid" "Kapag nabaling ang t***k ng puso mo sa akin siguradong, mamahalin kita... Hindi ako manhid, pwede mo kong mahalin." payakap niya sa akin kaya binato ko siya ng unan sa mukha. "Siraulo! Kain tayo ng fries at ng ice cream. Kaya magluto kana" sabi kahit tumitibok ng mabilis ang puso ko. "Masusunod po, Madam" tayo niya. "Gusto nyo po bang manood ng tv?" hindi nawawala ang ngiti sa labi niya. "Yes, please. Paki-buksan" ngiti ko sa kanya at umayos ako ng upo. MASAYANG kasama si Zion at kung anu-ano ang binili niya sa akin kahit ilang araw na tapos ang dalaw ko. Kaya ng magyaya siyang mag-grocery agad ko rin siyang sinamahan, marami siyang nilista na kung anu-ano na hindi naman kailangan. Kaya yung iba pinagtatangal ko at wala naman siyang reklamo doon. "Zion!" napatingin kaming parehas sa babaeng tumawag sa kanya. Yumakap ito sa kanya at hinalikan pa siya sa pisngi. "Oh! Sorry, may girlfriend kana pala" tingin nito sa akin mula ulo hanggang paa na ikinataas ng kilay ko. "Friend niya lang ako. Pwede mo siyang halikan kahit saan, pero kung girlfriend niya ako at ginawa mo yan sa harapan. Siguro, tumatawag kana ng ambulansya ngayon" "Thanks?... dahil hindi ka niya magiging girlfriend." nang-aasar na ngiti niya at agad na bumaling kay Zion. "Pwede ba tayong magdinner date tomorrow?" "Sorry, hindi ako pwede." "Kasama mo nga pala ang friend mo lang. Sa susunod?" "Hindi na ako pwede, may girlfriend na ako, Niña. Magagalit siya sa akin" napatingin ako kay Zion. 'May girlfriend na s'ya?. at sino?' Hindi ko alam kung bakit may kumirot sa puso ko habang nakatingin sa kanya. "Okey, pero kung ayaw mo na o bigla kang nagsawa sa girlfriend mo. Tawagan mo na lang ako, pwede natin gawin kahit anong gusto mo" medyo pinalambing nitong ang boses sa huling sinabi nito na ikinatayo ng palahibo ko. "Bye, Zion" hahalik uli sana ito pero umiwas si Zion. Tumango lang si Zion at bago ito umalis tinaasan siya nito ng kilay. Alam kong nakita yun ni Zion at napangiwi lang ako. "Sorry" sabi niya. "Hindi siya taga-school diba?" "Oo, sa ibang University siya nag-aaral" tumango lang ako. "May girlfriend kana pala? Bakit hindi mo sinabi sa akin akala ko ba ako ang unang makakaalam?" "Sorry" "Okey, pero ipakilala mo ako sa kanya ha?" "Oo, kapag gusto niya--asdfghj." "Ano?" bigla kasing humina ang boses niya. "Tara na, mamili na tayo" parang walang ganang naglakad si Zion kaya nasa likod niya lang ako habang tulak niya yung cart. "Kailangan mo nang umiwas sa kanya, Maxine. Baka lumala pa yang nararamdaman mo sa kanya dahil sa pag-aalaga niya sa'yo ng ilang araw. Tigil mo na 'yan, masasaktan ka lang" Nang makauwi kami sa apartment nag-ayos ako ng pinamili namin at nagpunta sa kwarto ko. Si Zion na lang daw ang magluluto kaya pumasok na ako sa kwarto ko kahit nagtanong siya kung tutulungan niya ako. "Napapagod ako, ikaw na lang muna" tango lang ang sagot nito. Nag-vibrate ang cellphone ko. : Ruby; Ihanda mo na ang gamit mo, bakasyon tayo sa vacation house ng tita ni Alice. Bawal magsama ng boys. Napangiti ako at agad nang reply kay Ruby na sasama ako. ===Elainah M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD