KABANATA 24: NANG dumilat ako agad kong nasapo ang ulo ko dahil sa sobrang sakit at hindi ko maintindihan ang pakiramdam ng katawan ko. Sobrang sama!. "Gising kana pala, inumin mo 'to" abot niya sa akin ng baso at isang gamot na hindi ko alam kung ano. "Para yan sakit ng ulo mo" kinuha ko ang inabot niya at agad kong ininom. Binalik ko sa kanya ang baso at tinignan niya ako. "Kukuhain ko lang ang almusal mo" "Wala akong gandang kumain" higa ko uli sa kama ko at niyakap ang unan ko. Narinig ko na lang siyang lumabas sa kwarto ko kaya napabuntong hininga na lang ako at pumikit. Pero hindi ako mapakali sa higaan ko dahil nalaladkitan ako sa katawan ko at hindi ko gusto ang amoy ko. "Maxine..." rinig kong tawag niya sa akin kaya dumilat ako at lumingon sa kanya. "Kumain ka muna" "Ayoko, ba

