KABANATA 23: NAKAUPO ako habang hinihintay si Zion na lumabas sa kwarto niya para magsabay kaming kumain. Nakita ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya kaya tumayo ako sa kinauupuan ko. "Zion, kain na tayo!" sabi ng lumabas siya pero natigilan ako ng makita kong may headset sa tenga niya. Napabuntong hininga ako at naglakad ako palapit sa kanya. "Zion..." kalabit ko sa kanya. "Yes?" "Kain na tayo" ngiti ko at tumingin naman siya sa may lamesa. "Sorry, Maxine... hindi ako makakasabay sa'yo may pupuntahan kasi ako" "Gabi na ha?" nakibit balikat lang siya at kinuha ang susi niya malapit sa tv. "Anong oras ka uuwi?" "Gabi na, wag mo na akong hintayin... Siguraduhin mong nakasara ang buong bahay. Aalis na ako" nagtuloy-tuloy na siyang maglakad palabas ng bahay. Bumalik na lang uli ako sa

