Chapter 1
Tulala si Sophia ng ibaba nya ang kanyang cellphone. Bakit ngayon pa tanong nya sa isipan? Kung kelan nawalan sya ng trabaho saka pa na ospital ang tatay nya. Anong gagawin ko? Magulong tanong nya sa isipan. Kailangan kong makahanap agad ng trabaho para makapagpadala ng pera sa probinsya.
Kinabukasan maaga palang ay gumayak na sya upang maghanap ng bagong mapapasukan. Ngunit hindi ata umaayon ang tadhana sa kanya. Lahat ng puntahan nya kung hindi sya tatawagan na lang ay walang bakante.
Nagpasya nas yang umuwi dahil hapon na rin naman at pagod na rin sya. Pagdating nya sa inuupahang bahay ay nakita nya si Zoila ang baklang kaibigan nya na kasama sa inuupahang apartment.
"O girl saan kagaling? Parang binagsakan ka ng langit at lupa sa itsura mo sa sobrang haggard mo" ang bati saka nya ni Zoila.
Napabuntunghininga na lamang sya sabay upo sa tabi ng kaibigan at kuha sa kinakain na tinapay nito.
"Natanggal kasi ako sa trabaho kahapon anito" ang masaklap tumawag ang nanay ko na sa ospital daw ang tatay ko. Saan ako kukuha ngayon ng pera na ipapadala sa kanila?" Maiyak iyak nyang sabi.
"Meron ka bang alam n pwede kong pasukan Zoila?" Tanong nya sa kaibigan.
"Wala eh! Tugon ni Zoila kay Sophia.
"Kahit ano okay lang sakin." desperadong sabi nya. Kailangan nya talaga ng mapapasukan. Biglang nag isip si Zoila???
"Meron kaso okay lang ba syo?
"Sige ano yun?" tanong ni Sophia. "Dance" ani Zoila.
Isa kasing floor manager si Zoila sa isang sikat at mamahaling club sa Maynila
"Dance?"Pag aalangan sabi nya. "Magsasayaw lang ba?" Ang tanong nya sa kaibigan. Kasi ang alam nya ay kapag nagtrabaho sa mga club ay kailangan nyang magtable or worst e sumama sa labas sa mga custome.
“Kung yun lang ang gusto mo pwede naman.” Kaso maliit lang ang mauuwi mong pera. hindi katulad ng pag nagpatable ka.” Ang sabi ng kaibigan. Nag isip sya sa sinabi ng kaibigan. “Sige ipasok mo ko pero magsasayaw lang ako meron lang muna akong maipadalang pera sa probinsya pansamantala lang. Pero bukas na lang ako mag uumpisa.” Sabi nya sa kaibigan.
Kinabukasan kabadong kabado sya ng sumama sya sa kaibigan. Maaga pa lang ay nagpunta na sila sa club upang nakapag practice sya ng sayaw.
Hindi naman siguro ako mahihirapan sabi nya sa isip.
Dahil marunong naman sya sumayaw. Noon kasing nag aaral pa sya ay dance sya sa kanilang paaralan. Ngunit ng makita nya ang pagsayaw ng ibang dance na parang nang aakit at pa sexy ay parang gusto na nyang mag back-out.
Pero na isip nya ang tatay nyang nasa ospital. Kanina lang ay tumawag ulit ang kanyang nanay at nagtatanong kung meron na syang perang ipapadala. Isang malalim na buntonghinga ang kanyang pinakawalan.
"Haaaaay! kaya ko to para kay tatay. Ang sabi nya sa kanyang isipan.
Gabi na at eto na ang oras ng pagpasok ng mga customer sa bar. Nasa dressing room sya at tinitigan ang kanyang itsura sa malaking salamin. Gusto nyang maiyak dahil sa kanyang suot na halos wala ng takip ang kanyang katawan. Nasa ganoon pag iisip sya ng biglang pumasok si Zoila.
"Girl okay ka lang ba?" Tanong nito. Tumango lang siya.
"Pwede kapa naman mag back out." Sabi nito sa kanya.
“ Hindi okay lang ako kailangan kong gawin talaga to" sabi nya kay Zoila.
Lumapit ito sa kanya at niyakap sya. O sige isuot mo tong maskara para hindi ka nila makilala habang nagsasayaw ka yan na lang talaga ang kaya kung itulong s yo girl" anito.
“Salamat” sabi naman nya.
“Get ready girl ikaw na susunod” sabi ng isang bakla na nag aasikaso sa mga nagsasayaw. Isinuot ko na ang maskarang binigay ni Zoila. Tanging bibig at mata ko lang ang nakikita.
Nang tawagin ako sa stage ay halos hindi ako makahakbang papunta sa gitna ng stage. Nag umpisa na ang tugtog ngunit hindi pa rin ako nagsasayaw para akong isang tuod na naninigas dahil sa nakita kong mga lalaki na nanonood sa akin. Nang bigla nalang merong isang sumigaw na lasing na lalaki.
"Ano bayan tatayo na lang ba yan dyan sa gitna!??”
Dun ay biglang natauhan si Sophia at bumalik sa katinuan at inisip ang kanyang ama.
At unti unti na akong sumayaw at gumiling kasabay ng tugtug. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari pero ang naririnig ko nalang ang kanilang palakpakan at mga sigawan na parang aliw na aliw sa aking pagsasayaw.
Nang matapos akong magsayaway dali dali akong pumunta sa backstage. At nakita ko si Zoila na naghihintay sa akin sa me hagdanan at inalalayan nya ako sa pagbaba. Halos nanginginig ang buo kong katawan habang bumaba ng stage.
Girl! Ang galing mo!” tuwang tuwang na salubong sa akin.
Napakunot noo ako dahil hindi kona alam ang mga ginawa ko sa stage.Pumasok na kami sa dressing room ng may biglang pumasok at may binulong kay Zoila.
"Girl labas muna ako meron daw gustong kumausap sakin balik ako."
Tumango na lang ako at pagkatapos ay hinubad na ang maskara at wig na suot ko. Naisipan ko na rin na magpalit ng damit dahil hindi talaga ako mapakali sa aking kasoutan. Maya maya ay pumasok na ulit si Zoila.
“Girl” tawag nito sakin. Bigla akong napatingin sa kanya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Meron gustong itable ka.
"Di ba sabi ko magsasayaw lang ako." Sabi ko dito.
Tumango lang si Zoila.
"Kaya nga sinabi ko na hindi ka nagpapatable.
"Eto nga pala mga tip mo kanina habang nagsasayaw ka at yung sweldo mo." abot
nya sa akin.
"Salamat." sabi ko.