Simula nga ng mangyari ang tagpong iyon ay iniwasan na ng dalaga ang boss. Maaga siyang umaalis ng bahay upang pumasok ng opisina para kung sakaling sunduin sya nito ay wala na sya sa bahay. Ganoon din kapag uwian ay hindi na sya nagpapaalam dito at umuuwi na sya pag tungtong ng alas sinco. Iniiwasan din nya itong sabayan sa lunch break kapag nagpaorder ito ng para sa kanilang dalawa ay pang isang tao lang ang kanyang inoorder dahil alam naman na para sa kanya ang isa ihahanda lang nya ito at pupunta na siya kasabay ang ibang empleyado sa canteen upang doon mananghalian.
Naisip ng dalaga na magbakasyon muna at umuwi sa kanilang probinsya upang makapag isip-isip at makasagap naman ng sariwang hangin matagal tagal na rin syang hindi umuuwi sa kanila at gusto rin nyang makita ang kanyang tatay. Dahil simula ng maoperahan ito ay hindi man lang nya ito nadalaw sa ospital. Gumawa sya ng leave upang magpaalam sa boss na magbabakasyon muna sya ng mga ilang araw. Iiwanan na lang nya ito sa mesa ng boss dahil wala ngayon ang boss sa opisina. Lumabas ito kasama nanaman ang asawa nito malamang ay hindi na ito bumalik sa opisina dahil kapag ito ang kasama ay hindi na ito bumabalik. Umuwi rin sya ng maaga upang mamili ng pasalubong sa kanyang pamilya.
Bumalik si Terrence sa opisina upang makausap sana ang sekretarya ngunit ng makabalik na siya ay wala na ito sa kanyang pwesto. Nakita naman nya ang iniwanang leave form nito sa kanyang mesa. Alam nyang iniiwasan sya ng dalaga dahil ilang beses nya itong sinundo sa tinitirahan ngunit nakaalis na raw ito. At kapag kasama naman nya ito sa mga meeting sa labas ay dumidistansya ito sa kanya minsang nagtangka syang hawakan ito sa kamay ng nakasakay sila sa kanyang kotse ay iniiwas nito ang kamay. Nababahala sya sa ikinikilos ng dalaga at ayaw nya ang kanyang nararamdaman sa tuwing umiiwas ito nalulungkot sya.
Maaga palang ay naghanda na ang dalaga para sa kanyang pag-alis ayaw kasi nyang gabihin sa pag-uwi. Nakayos na rin ang kanyang dadalahing mga pasalubong at isang maliit na bag na lalagyan ng kanyang mga damit. Konti lang naman ang kanyang dadalhin dahil hindi naman sya magtatagal dahil kailangan din nyang makabalik dahil sa kanyang trabaho. Nagpaalam na rin sya sa kaibigang si Zoila gusto sanang sumama nito sa kanya pero dahil sa trabaho ay hindi ito pwedeng sumama.
Nagulat pa ang dalaga ng makita ang boss sa tapat ng kanilang tinitirahang apartment. Nakasuot lamang ito ng v-neck na t-shirt at naka khaki na cargo short. Noong una ay nasisip nyang baka susunduin sya nito para sa pagpasok dahil hindi na nito nakita ang leave form na iniwan nya sa mesa nito. Ngunit ng makita nya ang suot nito ay nagtaka sya. Hindi rin ang kotseng madalas nitong sakyan ang dala-dala nito sa tingin nya ay sasakyang pang biyahe ng malayuan.
“Saan kaya ang punta nito.” Tanong nya sa kanyang isipan.”
Lumapit sya sa boss upang tanungin nya ito kung bakit nandun ang boss sa bahay nila.
“Sir, bakit po kayo nandito? Hindi po ako papasok ngayon, may iniwan po akong leave form sa mesa nyo.” Pagtatanong nya sa boss.
“I know, i read it yesterday,” simpleng sagot nito sa dalaga.
“E bakit nga po kayo nandito?” paguulit niyang tanong dahil hindi nito sinagot ang tanong nya kanina.
“Well, I'll go with you. Hindi ba pwede?” Sabi ng boss.
“Sir, hindi po ba marami kayong meeting ngayon? At maliit lang po ang bahay naming sa probinsya wala po kayong komportableng matutulugan sa amin.” Pangangatwiran nito sa boss.
“ I cancelled all my meetings at kung inaalala mo ang tutulugan ko kahit sa ilalim ng puno pwede ako o kung ayaw mo talaga maghohotel ako malapit sa inyo.” Nakatawang sabi nito.
Kinuha nito ang lahat ng daladalahan nya at inilagay sa likuran ng sasakyan nito. Nakita pa niya ang isang bag doon. Halatang sasama talaga ito sa kanya.
Wala na syang nagawa kung hindi isama ito sa pag-uwi sa probinsya kahit na ayaw nya. Kaya pa naman sya magbabakasyon ay para maiwasan ito kahit na ilang araw lang ngunit sumama pa ito.
Tahimik lang silang dalawa habang nasa biyahe. Hindi rin nagtaka ang dalaga kung bakit hindi nito tinanong kung saan ang kanilang probinsiya malamang ay tinignan nito ang kanyang resume na binigay noong nag apply sya ng trabaho dito. Napapansin nya ang paminsan minsan nitong pag sulyap sa kanya lalo na kapag humihinto ang kanilang sasakyan. Habang nasa sasakyan ay may kinakausap ito.
“Mark I’am on leave take over and I have some matters to fix. I’am with Sophia”
Napakunot ang dalaga dahil sa sinabi ng boss.
Ano naman kaya ang aayusin nito? Bakit sumama sa akin meron naman palang gagawin. Pagtatakang tanong sa sarili.
Nilibang na lang nya ang sarili habang nasa biyahe, tumingin na lang sya sa mga dinadaan nila at kung minsan ay naglalaro na lang sya sa kanyang cellphone hanggang sa makatulog sya dahil na marahil sa maaga syang nagising at hindi pagtulog sa tamang oras ng nagdaang araw dahil nga sa pag-iisip.
Nagising na lang ang dalaga dahil sa mahihinang pagtapik sa kanyang balikat at pagtawag sa kanyang pangalan.
“Sophia, Babe, babe. Kumain na muna tayo malayo layo pa ang biyahe natin.”
Walang nagwa ang dalaga kung hindi bumaba sa sasakyan dahil nakahinto na rin ito sa harap ng isang restaurant at naguguton na rin naman sya dahil hindi naman kasi sya nakapag-almusal meron syang baon sandwich ngunit hindi rin nya ito nakain dahil nahihiya sya sa boss.
“table for 2” sabi ng boss sa sumalubong na waiter sa kanila.
Itinuro naman ng waiter kung saan merong bakanteng upuan para sa kanilang dalawa. Pumipili na ang kanyang boss ng pagkain oorderin ng merong lumapit sa kanilang isang lalaki.
“Bro! what are you doing here?” tanong nito sa boss at sabay tapik sa balikat nito. Nakatingin din ito sa kanya.
“taking our lunch. Why are you here?” tanong din ng boss
“I have a meeting with investor balak kong palakihan ‘tong restaurant ko at maglagay na rin ng ibang branch sa Manila.” Mahabang paliwanag nito.
“and who’s this beutiful lady with you?”
Nakita pa ng dalaga ang pagtiimbaga ng boss dahil sa pagtatanong ng lalaki.
“She’s my secretary” walang emosyon na pagpapakilala nito at hindi rin binigay ang kanyang pangalan.
“Bussiness trip bro?” tanong ulit nito
“No, we are going to her family.”
“Ohh! Okay! Sige una nako nandiyan na ang mga investor na ka meeting ko, sagot ko na ang lunch nyo and good luck bro.” Nakangiting sabi nito sa kanyang boss at umalis na ito.