Ara's POV
Wala kaming pasok today at bukas dahil may seminar daw ang professors ng school. Sana lagi nalang silang may seminar. Haha chos. Dahil na din walang pasok, baka naman free si Thomas.
To: Baby Thom
Goodmorning baby! Are you free today? :)
Naligo na ako, para if ever libre siya ay wala na akong problema. After ko maligo ay wala pa din siyang text. :( Si Carol nalang bubulabugin ko hahaha.
Ara: Carol Carol.
Niyugyog ko na siya para magising talaga haha.
Carol: mmmmm
Ara: Carol gising ka na, wala akong magawa eh.
Carol: mmmm.
Nagtalukbong nalang siya ng unan. Istorbohin ko nalang sila ate kim at kambal kaya? Hahaha
To: Cienney, Cams, Wafs, Ate Cyd
Punta kayo ngayon sa dorm please? Ang boring eh. :) Bring foods!
From: Wafs
Sige Wafs! Daanan ko lang muna si Cyd :)
To: Wafs
Okay ate! See you!
From: Cams
Ara, pwede ba namin isama ni kambal yung roommate namin? Wala kasi siyang kasama dito, baka mabaliw eh.
To: Cams
Grabe ka. Haha, alam niya bang binubully mo siya? XD
From: Cams
Kung alam mo lang Ara, reyna ata ng mga bully to. Hahaha
To: Cams
Hahaha. Sige na isama mo na. The more the merrier naman ang motto natin. Hahaha.
From: Cams
Okay! Liligo na kami! See you in a bit!
To: Baby Thom
Hey baby, I miss you! Kain ka na ng breakfast pag gising mo po :*
Ano na kaya nangyari sa boyfriend ko, kagabi pa hindi nagtetext eh. Wala naman siyang nabanggit na lakad niya, baka may paperwork lang
Naunang dumating sila Wafs at Ate Cyd. Sumunod naman sila Kambal. Teka, asan yung kasama nila?
Ara: Akala ko ba kasama niyo yung roommate nyo?
Cienne: May binili lang siya. Actually, ilalapag ko lang tong dala ko at bababa na muna ako para puntahan siya.
Ara: Ah sige. Cams padeliver nalang tayo ng ulam para mamayang lunch?
Cyd: Wag na Ara, ipagluluto ko nalang kayo :)
Ara: Talaga ate? Dapat masarap yan ha.
Cams: Ate Cyd, gusto ko may sabaw tapos merong prito.
Cyd: Ay sosyal ka Cams. Haha, mamalengke muna tayo. Baby, pahiram muna ng car mo.
Kim: Sure, ingat kayo ha. Eto susi oh.
Cams: bye guys balik din kami agad.
Ang tagal naman ni Cienne, at dahil tulog pa din si Carol kumuha si ate Kim ng pentel at drinawing ang mukha ni Carol. Haha, tibay neto matulog ah. May kumatok sa pinto, baka sila Cienne na yun.
Ara: Ang tagal niyo na....man Ci....enne
Nagulat ako sa kasama ni Cienne, kahit nakayuko siya alam ko na siya yun.
Cienne: Nga pala, Ara si Mika, Mika si Ara.
Napabalikwas ng tingin si Mika, marahil ay nagulat din siya. Small world talaga. Nakajacket parin siya pero di siya nag hood.
Ara: Oyy ikaw pala roommate nila. Cienne, kaklase ko siya dun sa naiwan kong subject :)
Cienne: Wala na palang problema eh! Magkakilala na pala kayo. Tara Mika, pasok na tayo.
May binulong si Mika kay Cienne at sinamaan siya ng tingin. Wow, di ba siya takot kay Mika? Pumasok na silang dalawa at naupo.
Cienne: Mika, si Kim at yung natutulog si Carol, yung napunta sa dorm natin. Kim si Mika nga pala.
Kim: Nice to meet you Mika :)
Tumango naman si Mika. Shy type talaga siguro to. Maya maya ay dumating na sila ate Cyd, si ate Cyd ay nagluto na dinaganan naman ni Cams si Carol para magising.
All except Carol and Mika: WAHAHAHHAHAAH!
Carol: Ano problema nyo?
Cams: Ang panget mo love. HAHAHAHA.
Si Camille lang ang tumawa. Napatigil naman siya ng mag sink in sa utak niya yung sinabi niya.
Cienne: Kelan pa kambal?! Bakit hindi ka nagsasabi sakin?!
Cams: Ano kasi kambal....
Cienne: Ano?!
Cams: last week lang kambal.
Cienne: Itigil niyo yang kalokohan na yan. Hangga't maaga pa.
Walang umiimik sa amin. Ang awkward. Napatingin naman ako kay Carol, pero bakit ganun? Parang may mali. Si Camille ayun mangiyak ngiyak na.
Cams: Pero kambal, mahal ko si Carol.
Carol: BWAHAHAHAHAHA!
Luh, nabuang na si Carol. Ano naman nakakatawa dun?
Carol: Nako love, wag ka magpapaniwala jan sa kambal mo, nagpaalam naman ako sa kanya eh. At alam niya naman, nandun kaya siya nung sinagot mo ako, nagtatago lang yan. Ewan ko ba sayo bat hindi ka nagkekwento sa kambal mo.
Cienne: Kung nakita mo lang mukha mo kambal HAHAHAHA.
Kim: Ang bully ni Cienne, pati kapatid eh binubully hahaha.
Cams: Ang bad mo kambal huhu.
Cienne: Oyy Cyd, sunog na ata si Kim. Ay yung sinaing mo pala!
All except Kim and Mika: HAHAHAHAHA!
Ara: Ang hard nun Cienne. HAHAHA.
Cyd: Wag niyo awayin baby ko. Hahaha, kahit sunog yan mahal ko yan.
Ara: Ayiee cheesey. Magluto ka na muna jan ate. Laro muna tayo guys.
Cams: Nang alin?
Cienne: Card games nalang. Lucky 9! 2 cards lang, pag sa tingin niyo ok na kayo sa card niyo, wag na kayo bumunot pero kung nabababaan pa kayo eh bunot lang kayo pero isa lang. ang 10,J,Q,K 0 points 0-9 lang pag 11 ka, 1 lang yun. Okay na ba? Mika sumali ka, wag kang KJ.
Mika: Okay.
Cams: bilog na tayo.
Ang sitting arrangement nila ay parang ganto:
Cienne- Kim
Cams Ara
Carol – Mika
Kim: Paano pag siya pinakamababa?
Ara: Papahiran ng polbo ng may pinakamataas na card, pero isang daliri lang pwede ipang pahid.
Cienne: Okay bunutan na tayo.
Cams – 9, A, 9
Carol – 2,J,K
Kim – 4,4
Cienne – 10,10,Q
Mika: 8,3,7
Ara: 2,5
Cams: Wahahaha! Bokya ka kambal.
Pinahidan naman ni Cams si Cienne ng parang bigote pero half palang dahil konti konti lang dapat ang lagay. Nagpatuloy ang game namin, si Cienne ang halos mapulbohan na ang mukha sunod si Carol tapos Cams at ate Kim. Kami ni Mika wala pa.
Cienne: Ang daya niyong dalawa, kayo nalang wala.
Cams: Palibhasa yung sayo mukha ka ng white lady. HAHAHA.
Kim: At dahil jan, kayong dalawa nalang maglaban, kung sino mababa sa inyo may parusa. Hahaha.
Ara: Hala ate Kim ang daya naman eh! Dapat si Cienne, siya madaming pulbo eh.
Mika: Okay.
Ano ba to si Mika, walang pakisama huhu. Ang unfair kaya. Bumunot na ako.
J at 2 omg
Bumunot ako ng isa pa. 6! Yes! 8 na yung card ko ok na to.
Ara: Talo ka na Mika! Hahaha 8 yung akin.
Pinakita naman niya ang card niya at boom pahiya ako. :(
8,3,8 – 9 yung sa kanya huhuhu.
Cienne: Nice one Mika! Ano na parusa jan?
Mika: Ewan.
Cams: Pizza!
Cyd: Ang bully niyo ha. Bullies kain na.
Kim: Opo inay.
All except Mika: HAHAHAHAHA!
Kumain na kami at dahil talo ako, ako ang naghugas ng pinggan, tapos ililibre ko pa si g pizza. Ang daya naman eh. Pagkatapos ko maghugas nagulat ako kay Mika. Kanina pa ba siya jan nakaupo? Nakatingin lang siya sakin. Bigla naman...
Ngumiti siya.
Eh??
Ngumiti siya
Hala. Nabuang na ako. Nginitian ko nalang din siya para hindi awkward. Pumunta na kami sa may mini sala at nagkwentuhan. Daming nilang kalokohan nakakatuwa. I checked my phone. May isang text baka si baby na to.
From: Mommy
I miss you baby girl.
To: Mommy
Miss you too mom!
Akala ko si Thomas na. 2 pm na hindi pa din siya nagtetext. Tinuloy nalang namin ang kwentuhan.