Ara's POV
Nang makarating ako sa dorm ay nagbihis na ako at nahiga. Wala akong magawa busy pa si baby Thom. Hanggang 7 pa kasi yung klase niya. Naisip kong bumili ng kwek kwek kaya pupunta akong park. Andun yung pinakamasarap na kwek kwek eh.
Bumili na ako ng kwek kwek at umupo sa may swing. Gusto ko lang mag swing habang kumakain, bakit ba. Maya maya narinig ko nalang na may humihikbi sa tabi ko. Kanina pa ba siya jan? Di ko napansin eh. Busy ako sa pagkain.
Ara: Uhmmm miss? Panyo oh, tahan na.
Nakatingin lang ako sa kanya, inaantay ko kasing kunin niya yung panyo na binibigay ko sakanya. May kirot akong naramdaman ng makita ko kung sino yung umiiyak.
Si Mika.
Sadness was written all over her face. Akala ko napaka tough na tao neto ni Mika. Pero siguro, hindi sa lahat ng oras kaya ng isang taong maging malakas.
Ara: Alis na ako, baka gusto mong mapag-isa eh.
Tumayo na ako at naglakad palayo, nagulat ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likuran ko. I can feel her pain, hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit. Umiyak lang siya ng umiyak. Bibilhan ko nalang ng ice cream to mamaya pang pa lubag loob.
Nang matigil siya sa pag iyak ay naupo kami ulit sa swing. Nakikiramdam lang ako, ayoko naman pilitin siyang magsalita kasi woman o less word tong taong to. -__-
Mika: Anniversary sana namin ngayon.
Ara: What happened?
Mika: Pinaglaruan niya lang ako.
Ara: Akala ko malakas na yung sampal sa'yo eh at di mo na kinaya.
Tumingin siya ng masama sa akin. Huhu, sabi ko nga eh, mali yung sinabi ko.
Ara: Kidding aside, that guy doesn't deserve any of your tears.
Mika: Sinabi ko na yan sa sarili ko, pero ayaw makinig ng puso ko.
Ara: Mahal mo pa?
Mika: Hindi na.
Ara: Eh bat mo pa iniiyakan?
Mika: I just hate myself.
Ara: You shouldn't. Hindi mo naman kasalanan na niloko ka niya. Nagmahal ka lang.
Mika: Sana hindi ako nagpadala sa mga pambobola niya.
Ara: Wag mo na sisihin sarili mo, nagmahal ka lang naman eh. Ang mali ay yung ipilit mo yung sarili mo sa taong masaya sa piling ng iba.
Muli siyang umiyak. Halaa ka Ara, kung ano ano kasi sinasabi mo eh.
"Reyes!" sigaw mula sa kung saan. "At sino naman tong babaeng to?"
Tumingin si Mika sa kanya, ah so Mika Reyes pala ang name niya. Umiiyak pa din si Mika, pero walang emosyon yung mukha.
"Manloloko!"
Sinampal nung babae si Mika, nakakaloka naman tong si tangkad, iba't ibang mukha kasi yung sumasampal sa kanya eh. Nakuu po, napakababaero talaga. Akmang sasampalin ulit siya nung babae kaya't tumayo na ako at pinigilan siya.
Girl: And who do you think you are? Stop meddling! Hindi ka kasali rito.
Ara: Kaibigan ko siya, and I think sapat na rason na yun para pigilan ka.
Girl: Oh really? Kaibigan? Tell me Mika. Siya ba? Siya ba ang bago mong lolokohin?
Ara: Ano naman ngayon sayo? Tigilan mo na si Mika.
Isasampal pa sana niya ata ang kabilang kamay niya kay Mika, pero sakin dumapo yung palad niya, para sakin pala yun huhuhu. Ang sakit huhuhu. Nakita kong tumayo si Mika.
Mika: What the f**k are you doing?! Ako ang saktan mo! Wala siyang kinalaman dito!
Girl: Wala kang kwenta! Minahal kita Mika! Minahal kita! Binigay ko lahat ng kaya kong ibigay!
Mika: Guess what?! Love isn't fair!
Hinatak ako ni Mika, di pa nagsisink in sakin yung nangyari. Ang sakit pa din nung sampal sakin ni ate. Waaah ayan kasi Ara ang hilig mo makialam.
Mika: I'm sorry nadamay ka pa.
Ara: Kasalanan ko din naman. Hilig ko kasi makialam haha.
Mika: I'm sorry Ara.
Niyakap naman ako ni Mika. Ramdam ko nasasaktan pa din tong taong to. Hinatak ko na din siya. Hatakan kami haha. Dinala ko siya sa may pinakamalapit na 7'11.
Mika: Anong gagawin natin dito?
Ara: Bibili ng ice cream :)
Mika: Kailan pa naging yelo ang ice cream?
Ara: Ha? Anong yelo?
Mika: Mejo namumula pa kasi yung sampal sa'yo eh. Akala ko ilalagay mo jan sa pisngi mo.
Hinawakan naman niya ang pisngi ko. Medyo awkward.
Ara: Pumili ka na ng gusto mong flavor. Sagot ko na :) wag ka na mahiya ha. Para man lang gumaan pakiramdam mo
Nakakaloka si ate! Kinuha yung 2 in 1 na 1.5 gallons na ice cream. Iba talaga to si Mika, sulit na sulit ang libre pag siya ang ililibre mo hahaha. Binayaran ko na ang ice cream at umupo naman si Mika sa may sulok. Waaah. Pandate pa naman namin ni Thomas yun. :( Mika talaga nakooo.
Ara: Kain ka lang ha? Ubusin mo yan.
Mika: Oo naman, hati tayo.
Kakaiba talaga to. Ayun, naubos ang ice cream. Walang labis walang kulang. Paglabas namin ng 7'11 ay sumunod siya saakin.
Ara: Dito din ba way mo?
Mika: Nope.
Ara: Ah. Eh san ka pupunta?
Mika: Hahatid ka.
Ara: Eh. Wag na.
Mika: No.
Ara: Abala lang sayo yun.
Mika: No.
Ara: Malapit lang naman yung dorm ko dito eh. Di mo na ko kailangan ihatid.
Mika: No.
Ara: Ughh fine. Ang kulit mo po.
Mika: Ikaw din.
-_______________-
Hinatid na nga ako ni Mika sa aking dorm.
Ara: Pasok na ko ha? Wag mo na iyakan yun.
Tumang lang siya. Ang ayos niya kausap noh? Hindi ba napapanisan ng laway to?
Ara: Bye :) Ingat ka pauwi.
I gave her a warm smile. A smile na mararamdaman niyang everything will be alright. Pag akyat ko ay dumungaw pa ako sa may bintana. Andun pa siya nakatingin siya sa akin? Ang lupit naman nito. Pano niya naman nalaman dudungaw ako aber?
Ngumiti akong muli at ayun,
Ngumiti siya, may ghad.
Para namang natunaw yung puso ko. Sana naman lagi ko ng makita yung smile na yun.
Ara: Bagay sayo nakangiti. You should smile a lot. Goodnight :)