Ara's POV
It's Sunday today, gaya nga ng sabi ko kay Thomas, lalabas kami pag libre kami pareho and today is the day. Ngayon lang kami ulit makakapag date, yung huli ay nung sinagot ko siya.
Nagpabango na ko, baka sabihin ng baby ko eh amoy mandirigma ako. Tumunog ang cellphone ko. Malamang nanjan na ang baby ko.
From: Baby Thom
Hi baby. Your prince is waiting downstairs :)
Hindi na ako nagreply dahil wala akong load. Bumaba na ako, dahan dahan lang baka ma-wapoise ako pag nagtatakbo ako eh.
Thomas: You look pretty tonight baby :)
Ara: Ikaw din baby, ang pogi mo lalo tonight. Let's go?
Thomas: Siya nga pala Ara, friend ko si Jeron Teng :)
Jeron: Hi Ara :) lagi kang kinekwento sakin ni pareng Thomas. Inlove na inlove eh, by the way ako ang driver nyo ngayon. Wag ka mag-alala, nasuhulan na ako ni Thomas. Hahaha.
Ara: Loko ka talaga baby, naistorbo mo pa ata si Jeron.
Thomas: Nako baby, siya nag volunteer para daw may free food siya. Gagala din daw siya maghahanap ng forever niya haha.
Ara: Hahaha. Ay nakoo Jeron, sa pogi mong yan wala ka pang girlfriend?
Thomas: Pano naman kasi, isa't kalahating tanga si pareng Jeron.
Jeron: Pre.
Nag-iba ang itsura ni Jeron. Baka kung saan pa mauwi ang usapang to. Dahil may pagkachismosa ako, tatanungin ko nalang si baby about kay Jeron mamaya. Haha.
Ara: Oh ano? Dito nalang tayo?
Jeron: Pasok na ho kayo ng kotse mahal na prinsipe at prinsesa.
Thomas: Salamat pare, wag ka kaskasero mag drive ha? Mamahalin ko pa tong prinsesa ko.
Jeron: Korni mo pare. Para kang bading.
Thomas: Nagmahal lang pare :)
Ara: Ang daldal niyo. Let's gooooo.
Nagdrive na si Jeron. Dahil ito daw ang first official date namin eh dinala niya ako a MOA, Buffet101. Ang lupit naman talaga netong boyfriend ko, tiyak busog nanaman siya.
Binigyan namin ni Thomas si Jeron ng pang gala niya. Nakakahiya naman eh, driver na driver kasi ang dating niya. Nasa backseat kami ni Thomas naglalandian tapos siya pasulyap sulyap samin. Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata niya. Baka namimiss niya na yung feeling ng may nagmamahal.
Thomas: Baby! Kain lang ng kain ha. Gusto ko naman magkalaman ka ng konti. Ang payat payat mo oh.
Ara: Tigilan mo ako Torres ha. Ang sabihin mo ikaw talaga may gusting lumamon. Hahaha.
Thomas: Haha, oo na baby. Ikaw naman hindi mabiro eh. Pero seryoso, kain ka ng madami para sulit :)
Ara: Okay baby, ikaw konti lang kainin mo, taba mo na eh. Wala na yung abs mo oh. Takaw takaw mo kasi.
Thomas: Abs ko lang ba habol mo baby?
Ara: Uyy hindi ah!
Thomas: Joke lang baby kain ka na po. Subuan pa kita, say ahhhh.
Ara: Ahhhhhh.
Bastos talaga to si Torres, isusubo ko na yung kutsara eh nilihis pa. Nagpout nalang tuloy ako.
Thomas: Baby wag ka magpapout please.
Ara: Ha? Bakit naman?
Thomas: Natetempt ako ikiss ka.
Namula naman ako bigla sa sinabi ni Thomas. Well dahil siya ang first boyfriend ko, wala pa akong first kiss.
Thomas: Joke lang baby! Ikaw naman oh, kain ka na po.
Ara: Let's eat na! yey!
Kumain na kami at ayun sulit na sulit yung binayad ni Thomas. Nakailang balik ba naman siya eh. Haha, ang cute talaga ng baby ko.
Ara: By, sakay tayo sa parang Vikings :(
Thomas: Hala baby, busog pa tayo eh, baka sumuka lang tayo? Next time nalang?
Ara: Please?
With matching puppy eyes pa para tumalab. hahaha.
Thomas: Aww baby wag ka ganyan. Ang dami ko kasing kinain eh, baka umikot tiyan ko. Next time promise :)
Ara: Eh MOA Eye baby?
Thomas: Next time na din baby :)
Ara: Okay.
Tinawagan na ni Thomas si Jeron, at umuwi na kami. Hinatid na nila ako sa dorm at pinagbuksan naman ako ni Thomas ng pinto.
Thomas: Don't be sad na baby, next time, I promise you sasakay tayo dun okay? Smile na.
Ara: okay.
I hugged him tight.
Thomas: Goodnight my princess :)
Ara: Goodnight Baby.
Kiniss ko na siya sa cheeks niya.
Pumasok na ko, at bumisina na din sila. Nagtext naman din si Thomas ng makarating sa bahay nila. Wala pa si Carol, siguro nakanila kambal. Bukas ko na din chichikahin si Thomas about kay Jeron.
*****
Dahil Monday ngayon, magkaklase kami ni baby Thom. In fact, anjan na siya sa baba naghihintay kaya dumungaw na ako sa bintana.
Ara: Baby wait lang! Sorry late ako nagising.
Thomas: Okay lang baby, napaaga lang talaga ako :)
Ara: Okay bilisan ko nalang kumilos. Wait po!
Nagmadali na ako, nakakahiya naman sa baby ko kung pag iintay ko siya ng matagal, sungit naman kasi ng may-ari ng bahay na to. Kahit sa waiting area bawal ang lalaki. After ko mag-ayos ay bumaba na ako at sinalubong ng yakap si baby Thom.
Thomas: Good morning princess, ganda ata ng gising mo ah?
Ara: Classmate kasi tayo kaya masaya ako haha.
Hinalikan ko siya sa pisnge at tumakbo.
Thomas: Baby hintayin mo ko, wag ka tumakbo sige ka mag-aamoy pawis ka. Di ka na amoy baby.
Ara: Habulin mo ko baby Thom. Haha.
Thomas: Ako pa talaga hinamon mo ng takbuhan baby ha? Maghanda ka na, pag ikaw naabutan ko libre mo lunch natin. Partida na after 5 seconds saka lang ako tatakbo.
Ara: Okay baby! Ihanda mo na panglunch natin! Hahaha!
Tumakbo ako ng mabilis, hindi niya ata alam na ako pinakamabilis tumakbo sa pamilya namin haha. Nasa gate na ako ng school at nakita ko siya na hinihingal na. Hahaha, ako pa hahamunin mo ah.
Ara: Oh ano? Libre mo lunch ha! Hahaha.
Thomas: Grabe ka baby, ninja ka ba?
Ara: Oo. Ninja-n sa puso mo :P
Thomas: Baby last mo nayan ha, ang corny ng joke mo eh.
Ara: Ay ganun ha? 3 ulam at 2 rice yung akin mamaya.
Thomas: Hahaha, ang takaw mo baby. Halika na.
Nagpunta na kami sa room. 30 minutes na ang nakalipas mukhang absent ang prof namin. Napagpasyahan namin ni Thomas na umalis na.
Pumunta na kami ni Thomas sa cafeteria, dahil nga talo siya sa takbuhan, 3 ang ulam ko hahaha, at akin lang ito. Yabang niya pa sakin kanina ah haha.
Thomas: Di na ulit kita hahamunin, grabe ka. Lugi ako sayo.
Ara: Ikaw naman naghamon, di naman po ako. Kain ka na baby! Kwentuhan mo na din ako.
Thomas: Anong gusto mong malaman baby? Anim ang abs ko, may triceps ako.
Ara: Hangin mo baby -__-
Thomas: Eh tungkol ba saan baby?
Ara: About kay Jeron.
Thomas: At bakit ka interesado kay Jeron ha? Baby kakakilala mo palang sa kanya ipagpapalit mo na agad ako :(
Ara: Ang arte mo baby. Haha, hindi kita ipagpapalit noh. About lang dun sa past relationship niya. I saw sadness in his eyes sa bawat tingin niya satin kahapon eh. Parang namimiss niya yung ex niya siguro? Basta something na ganun.
Thomas: Owww, okay. Wag mo kalimutan mag take down ng notes baby. Haha joke. Hindi ko pa kasi close si Jeron noon baby eh, may common friend lang kami kaya kami nagkakilala noon. Ang alam ko may girlfriend siya noon dito, pag nagkekwento siya sa tropa ang saya saya niya pa and I think he really liked that girl. Pero dahil nga isa't kalahati siyang tanga, nakalimutan niya na may totoong girlfriend siya.
Ara: What? Pano? Pwede niya ba makalimutan na may girlfriend siya?
Thomas: Nasa ibang bahagi kasi ng mundo yung girlfriend niyang totoo. Ang gulo naman basta si girlfriend1 yung nauna at si girlfriend2 yung pangalawa.
Ara: I'm all ears baby.
Thomas: Ayun nga, dahil busy si gf1, wala na siyang time kay Jeron. 2 months din atang ganun so etong si Jeron, nagliwaliw nalang. Hindi niya alam kung ano estado nila nung girl. Nameet niya ngayon si gf2. Ang alam ko taga La Salle din ung girl. Eventually kaka hang-out nila ater a month ayun, nafall daw siya at niligawan niya si girl. 2 months din daw niya niligawan eh.
Ara: Tapos?
Nakakaintriga eh, bakit ba haha
Thomas: Atat lang baby? Hahaha. Eto na nga, wag mo kasi akong i-interrupt. Naging sila ni gf2. Sa pagkakaalam ko 4 months din sila ni gf2.
Ara: Wow, 4 months lang? Pero ganun siya kaaffected? Ilang taon na ba nung nangyari yun?
Thomas: Mga 2 taon na din. Tibay noh? Ewan ko ba kung bakit hindi makamove on si pareng Jeron. Eto na nga baby, wag ka nga makulit. Quite ka lang. Nung 4th monthsary nila, nagprepare si Jeron ng simpleng dinner sa dorm niya. Nagdidinner na daw sila ni gf2 nang may kumatok sa pinto. Syempre dahil hindi lang naman si Jeron ang nagdodorm doon ay pinagbuksan niya. Laking gulat niya daw ng makita si gf1. Ayun lang yung alam ko.
Ara: Ayun lang? Para ngang alam mo na lahat baby eh.
Thomas: Haay nako baby, ang bully mo po.
Ara: Eh bakit hindi mo alam name nung girl?
Thomas: I met Jeron just 1 week before nung break up nila nung girl. Ayaw na din niya pag usapan kaya hindi na din ako nagtatanong. Hanggang ngayon nga nainom pa din siya minsan at nauwi ng lasing.
Ara: Maybe he really loved that girl.
Thomas: Oo baby. Kaya tara na hatid na kita sa next class mo.
Hinatid na ako ni Thomas sa room and umupo na ako sa tabi ni Ms. Sungit. Infairness ang aga niya ngayon ha.
As usual tahimik pa din siya.