Ara's POV
Tapos na ang exam week, hindi kami masyado nagkita ni Thomas dahil busy kami parehas sa pagrereview, bawal kasi ang boys sa loob ng dorm kaya hindi kami makapgreview ng magkasama. Pero kahit ganun pa man, hindi siya nakakalimot na kausapin ako. Lagi niya akong tinetext to keep me updated sa mga ginagawa niya.
Ngayon nakaschedule ang grad pic ko, papunta na ako sa pictorial venue.
Malapit na ako sa venue ng makita ko ang isang taong nakahood. Dahil matangkad siya, naisip ko na agad na si Mika yun, kaya't kinalibit ko siya.
Ara: Hi, ngayon din ba grad pic mo?
Mika: Oo.
Ara: Tara pasok na tayo.
Nauna akong nagregister kaya't una akong inayusan. After ko maayusan ay pumila na ako para mapicturan. Tapos na ako sa casual, business attire at toga, pwede na akong lumabas.
Palabas na sana ako ng maalala ko si Mika, ano kayang itsura niya? Ngayon ko lang kasi makikita yung mukha niya.
Umupo muna ako at hinintay ko na din siya, wala lang, gusto ko lang siya antayin. Lumabas na si Mika at natulala naman ako, ang ganda niya. Grabe baka kung una siyang nakilala ni Thomas eh siya yung niligawan :( Papalapit na siya sa akin, di ako makagalaw.
Nakakamesmerize yung mata niya, yumuko siya at inilapit ang mukha sa akin, luh anong gagawin neto?
Mika: Isara mo yan, baka pasukan ng langaw.
At nag smirk nanaman ang lola nyo. Ang bully mo po pero ughh, ate crush na kita.
Ara: Ang ganda mo po.
Mika: Alam ko.
Eh? Alam niya ang alin?
Ara: Ha? Alam ang alin?
Mika: Na maganda ako. Kakasabi mo lang.
Ay lintek. Nasabi ko pala ng malakas yun. Nakakahiya. Pero ang cold niya pa rin hanggang ngayon. Nilibre ko na nga siya ang cold pa din huhu :(
Ara: Uhmm Mika, wala ka bang klase? Sabay na tayo kumain.
Mika: Okay.
As usual tahimik si Mika, nakarating na kami sa cafeteria at naghanap muna kami ng mauupuan.
Mika: Umupo ka na jan. Libre ko na.
Ay ang ganda mo po ate para ilibre ako haha.
Ara: Ay Mika, wag na. Ako na bahala sa food ko.
Mika: No.
Ara: Nakakahiya naman kasi, kaya ako na lang.
Mika: No.
Ara: Pero ano kasi...
Mika: No.
Hindi na ako pumalag natakot ako sa death glare niya. Huhuhu. Lord next time nga po eh ipaalala niyo sa akin na wag na sumama sa taong to. Nakakatakot eh huhu.
Ara: Sige na nga. Yung Tinola na lang akin.
Mika: Okay.
Huhu, why are you doing this to me Mika, ayaw mo ba na kinukulit kita? Sabihin mo lang. Madali naman ako kausap eh.
Umorder na si Mika, pagkalapag niya ng food naming ay ang awkward nanaman naming dalawa. Gustohin ko man siyang chikahin eh baka bigwasan na ako neto sa sobrang daldal ko.
Tapos na kami kumain, hindi ako nabusog kasi natatakot pa din ako hahaha.
Ara: Uhmm Mika salamat.
Mika: Okay.
Ara: Mauna na ko ha? May klase pa ako eh. Thank you ulit.
Mika: Okay.
Ara: Next time ulit ha?
I smiled at her, may mali ba sa sinabi ko? Natahimik kasi siya eh, ayaw niya ba? Bawiin ko na lang kaya? Tama yun na lang nga. Mahal ko pa naman buhay ko eh, ayaw ko mabigwasan. Huhu
Mika: Okay.
What? Okay daw? Friends na ba kami? Sana naman friends na kami lagi ko pa naman siya nakakasalubong ngayon.
Ara: Sige una na ako babye :)
Tumalikod na ako sakanya at naglakad na papunta sa klase ko. Nag dismiss ng maaga si ma'am dahil may meeting pa daw sila. Imbes na 4 ang uwian namin ay naging 2 pm. Umuwi na ako, matutulog ako baka sakaling tumangkad pa.
Nagising ako ng mga bandang alas siete, may tumatawag kasi sa phone ko.
Baby Thom
Agad agad ko namang sinagot ang phone ko.
Thomas: Hi baby, how was your day?
Ara: Okay naman, madali lang yung exams kaya sisiw lang. hehe
Thomas: Maigi naman baby. Ngayon pala schedule mo for grad pic noh?
Ara: Yes, it went well po hehe, saying hindi mo nakita nag dyosa mong girlfriend.
Thomas: Ang lamig baby, biglang humangin ng malakas. Akala ko liliparin na ako.
Ara: Ang bad mo po sa akin.
Thomas: Joke lang baby, maganda ka naman kahit di ayusan eh. I miss you baby ko. Dungaw ka naman sa bintana oh.
Dali dali akong dumungaw at nakita ko si Thomas na may dalang food ata? Pinatay ko na ang tawag at bumaba. Sinalubong ko siya ng yakap, namiss ko tong boyfriend ko.
Thomas: I miss you baby :)
Ara: I miss you too. Sorry ang busy ko ha.
Thomas: Ano ka ba, okay lang yun baby. Kaya nga nabawi oh, ako din kasi naging busy.
Ara: Labas na lang tayo pag libre na tayo :)
Thomas: Oo naman baby. Sabihan mo lang ako kung kalian ka free, ako na gagawa ng paraan.
Ara: Napakaunderstanding naman ng boyfriend ko.
Thomas: Nga pala baby, chocolates for you :)
Ara: Waaah! Salamat baby, maraming salamat sa cloud 9! 5? I love you very much? Hahaha.
Thomas: Opo baby. Haha. I love you very much Arababy. I need to go na din. May kailangan pa kong tapusin na paperworks.
Ara: Okay ingat sa pag dadrive baby, I love you. Text me when you get home.
Thomas: Opo :) pasok ka na.
Pumasok na ako sa dorm at muling nag babye kay Thomas. Narinig ko naman ang busina nya kaya alam ko umalis na siya. Maya maya pa ay nagtext na siya na nakauwi na siya.
Nagkwentuhan naman kami ni Carol ng kung ano ano dahil hindi pa ako makatulog, sakto naman may ginagawa siya at kailangan niya ng pampagising. Tinulungan ko na din siya sa ginagawa niya. Nang matapos kami ay natulog na din kaming dalawa.