Nang sa tingin niya ay okay na ang kanyang pakiramdam, minabuti niya na mag-banlaw na at magbihis wala na siyang balak kumain pa. Ang nais lamang niya ay matulog para kahit papaano ay makalimutan niya yung mga kagaspangan ng ugaling pinakita sa kanya ni Apollo kanina. At para hindi na rin siya mag-isip pa ng kung ano-ano, ang ginagawa nito ngayon at ang babaeng iyon. Kumuha lamang siya ng pantulog sa kanyang maleta tsaka mabilis na nagbihis, mabuti na lamang may blower doon sa loob kaya naman tinuyo niya agad ang kanyang buhok para wala na siyang problema pa. Manabuti niya na humiga na sa kama ng matuyo na ang kanyang buhok at kinuha lamang niya ang kanyang cellphone tinitingnan kong may message man lamang si Apollo pero wala talaga. Muli siyang napabuntong hininga at napatitig

