Habang nakaupo sa gilid ng kama ni Apollo may napansin siyang ilang mga photo frame na nakalagay sa cabinet na sadyang display-an ng kung ano-anong magagandang figurines sa baba. Sa bawat pagitan kasi niyon ay may mga nakalagay na nagagandahang mga figurines. Pero sa ibabaw naman niyon ay may dalawang flower vase sa bawat gilid at sa bandang gitna ay may apat na photo frame na nandoon pero nagtataka siya kung bakit nakataob ang mga iyon. Kung sadyang inilagay iyon doon hindi ba dapat at nakatayo ang mga ito para makita ang mga picture o baka naman sinadyang itaob talaga iyon para hindi niya makita. Pero imposible naman dahil sigurado siyang picture lamang iyon ni Apollo at ng pamilya nito. Na-curious siya sa mga picture, baka merong picture doon si Apollo ng maliit pa. Gusto niya

