Lulan muli ng helicopter sina Honey at Apollo. Pero hindi katulad noong unang patungo sila sa Palawan, kinakabahan man siya noon pero pakiramdam niya ay magiging okey ang lahat tsaka excited siya noon. Kahit na may kaba at takot noon dahil nga sa malaking pagkakamali ng kanyang Ate, iba pa rin iyong pakiramdam. Parang ngayon, totoong takot na ang kanyang nararamdaman. Takot tungkol sa hindi nila pagkakaunawaan kanina ni Apollo. Simula ng dumating ang sasakyang magsusundo sa kanila sa Sabang hanggang sa makarating na sila sa hotel at muling sumakay sa helicopter hindi pa rin sila nag-uusap. Ang totoo hindi rin siya makapagpasya kung saan ba siya titira. Nais niyang sa bahay ng kanyang lola pero baka magalit si Apollo at baka hindi pa sila tulungan sa factory ng kanyang Lola. Ila

