“Ano bang nangyayari sa iyong lalaki ka? Seryoso ka, dis oras na ng gabi pero magbyahe pa rin tayo pabalik sa hotel?!” Naguguluhang tanong ni Honey kay Apollo. Biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya, tila ba bigla biglang nawalan siya ng halaga dito at kahit na ang mga sinasabi niya ay para bang hindi nito maunawaan. Matapos lamang maka-receive ng tawag na iyon pero heto at parang wala na ito sa sarili. Kung maaari lamang siguro na liparin na nila ang pabalik ng manila ay ginawa na nito. Pero kailangan pa rin kasi nilang bumalik sa hotel para sa mga gamit nila. “Kung ayaw mo pang sumama sa akin magpaiwan ka na lang dito, mauuna na lamang siguro ako sa Manila maaari mo namang gugulin pa ang 4 days na natitira nating bakasyon.” Malamig ang tono ng boses na wika nito. Panay ang t

