Xiel P.o.v. "Nak, baba ka saglit may bisita ka." Tawag ni Papa sa'kin. Nagtaka naman ako kung sino 'yon. Wala din naman akong ine-expect na bisita ngayon. Tsaka anong oras na din. Dali-dali ko naman akong bumaba para malaman kung sinong bwesita 'yan. Nagulat ako ng makita ko kung sino. Si Dianne. napasugod ata siya. "Oy, Yan. Napadalaw ka?" takang tanong ko. Minsan lang kasi siya pumunta dito at minsan importante pa. Ngumiti naman siya ng makita ako sabay yakap pa nga. Napatingin tuloy ako kela Mama at Papa na tahimik lang na nakikinig habang naka focus.aa t.v. Medyo nahiya kasi ako. Masyadong clingy si Yan ngayon. "Sorry ah? 'di na kita natawag or na-text na dadaan ako dito. May pinuntahan kasi akong classmate tapos malapit din dito kaya dumaan ako. May inabot naman siyang paper b

