Xiel P.o.v. Kanina pa ko naghihintay ng chat niya kaso wala pa din. Busy siguro? kaso grabe naman. First day ng klase na naman. Ito yong pinaka ayaw ko sa lahat. Maaga pa naman gigising sa umaga. Yong ang haba ng bakasyon tapos puyatera dito puyatera do'n. Nakakaurap. "Dre, tara lunch time." Yaya ni Pat sa'kin with matching pag akbay pa, eh. Hinawi ko nga 'yong kamay niya. Itong wala ako sa mood. 'Wag siyang loloko-loko. "Ang sungit naman nito, para akbay lang, eh. Dati nagki-kiss pa tayo," kunwa'y tampo pa niya. Mabilis dumapo ang kamay ko sa noo niya. "Kiss mo mukha mo! mamaya may makarinig sa'yo maniwala pa." Palag ko. Abnormal talaga. Napatawa naman siya ng malakas, tinakpan ko na agad bibig niya. Eskadalosa, eh. Napalingon pa nga sa amin mga estudyante. Kahit kailan talaga 'to s

