Jewel P.o.v. I'm so tired doing projects. Hays! hindi ko talaga ramdam ang bakasyon. Madami akong hinabol para pagpasukin ulit wala ng problema. Humiga muna ako sa sofa. Sumasakit na kasi ang kamay ko kakasulat. Kinuha ko 'yong phone ko. Tatawagan ko si Yeye. Sabi niya kasi bibisita siya ngayon kaso dadaan muna kela Dianne. Ayoko man magselos pero may kaunti, eh. Matagal ko na kasi talaga 'yon pinagseselosan. Ewan ko.ba! dapat hindi na nga, eh kasi kami na ni Yeye tska alam ko namang aware si Dianne do'n. Hindi siguro sanay na nakikita siya na may kasamang ibang babae na nagpapatawa sa kanya. Gusto ko ako lang. Inaalis ko na nga 'yon sa sistema ko. Ayokong pag awayan namin ni Yeye ang mga bagay na ganyan. Tinawagan ko na siya. Dapat kasi kanina pa siya dito. Mag dadalawang oras na,

