Jewel P.o.v. i was really surprised when i saw Yeye. Akala ko namamalik mata ako ng makita ko siya kanina, bitbit no'ng mga gunggong kanina. May dugo at sugat siya sa kanang labi. Hindi ko alam kung may nanakit sa kanya. "Napano 'yan?" haplos ko dito. "Huh? wala 'to," iwas naman niya. Ayaw lang talaga niyan nag-aalala ako. Iniisip pa din niya ako kahit ganito na ang sitwasyon namin. I don't know if tama bang sabihin na masaya ako dahil nandito din siya kasama ako. Halos 'di ako natutulog no'ng ako lang nag-iisa dito. Ang hirap lang kasi wala din akong kagana-gana kumain. "Nagpakilala na ba sa'yo kung sino ang stalker mo?" usisa nito. "Hindi ko pa din siya nakikita pero 'yong babae niyang kasama, parang familiar eh." Duda kong saad. "Baka ngayon magpakilala na sa'yo ang gunggong

