Xiel P.o.v. "Meron na kaming trace kung sino ang kumidnap kay Jewel. Nakita sa Cctv ang pangyayari." Paliwang pa nito. Nabuhayan kami ng loob. Hindi na muna kasi kami tumuloy ni Jackie para puntahan 'yong building na sinasabi no'ng kasambahay nila Raul. Iniisip namin na baka delikado. Kailangan muna namin sabihin sa mga pulis ang balak naming hakbang. "Nakita po ba kung sino ang kumuha sa kanya?" curious kong tanong. "Dalawang tao ang lumalabas na magkasabwat," sambulat pa nito. Nagulat naman ako sa narinig ko. Ano? dalawa? so hindi lang pala iisa ang stalker niya. Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Actually, dalawang oras lang tulog ko. Pagising-gising pa yon na nagbabakasakaling pag mulat ko nasa tabi ko na si Wel. Ang kaso wala, eh. Bigla na lang tutulo ang luha ko. Para na ako

