Jewel P.o.v. Ang cold ng mga reply ni Yeye sa mga chat at text ko. Nagtampo talaga siya. Haha. Naawa tuloy ako. "Ang salbahe mo pa nga," kumento naman nitong katabi ko na si Jes. Nakwento ko kasi sa kanya 'yong ginawa ko kay Yeye. Ang bad ko daw. "Ano na naman?" irap ko sa kanya pero natatawa ako. Napagod ako sa pre-preparation na ginawa ko for Yeye. But it's all set na. Pupuntahan na lang namin 'yon venue. Dalawang araw kong inasikaso 'to, ah. Puyat at pagod ang nilaan ko dito. Siguro naman mawawala ang tampo niya sa'kin. "Pinapasama mo muna ang loob no'ng tao," palag niya. Naawa daw siya si kay Yeye. Kung siya daw si Xiel, baka daw 'di na niya ako kinausap. May purpose naman kasi kung bakit. Hmp! cute nga eh. Paniguradong matutuwa si Yeye sa monthsary namin. Alam ko namang tampo

