Chapter 55 Monthsary

2232 Words

Jewel P.o.v. "Kanina pa tayo dito sa mall, hindi ka pa din nakaka pili ng ibibigay kay Xiel." Reklamo ni Jes. Kanina pa kasi kami paikot-ikot dito. Wala akong maisip na pwedeng ibigay. Ito talaga ang nagpapahirap sa'kin lagi. Gusto ko kasi laging the best 'yong ibibigay ko kay Yeye. Alam ko naman ma-appreciate niya lahat ng manggagaling sa'kin. Ako lang talaga 'yong maarte. "Ano ba kasing maganda ibigay?" naiinis na tanong ko. Sumasakit na din kasi 'yong paa ko. Ginabi na talaga kami dito. "'Di ba alam mo naman mga hilig niya? ba't nahihirapan ka pa?" taas kilay nitong kumento. Tinaasan ko din siya ng kilay. Akala niya, ah. "Nabigay ko na 'yong gusto niya before," Napa-smirk naman siya. "Talaga nabigay mo na ang gusto ni Xiel?" malisyosang turan niya. Nanlaki naman 'yong mata ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD