Jewel P.o.v. Nandito na kami sa lobby ng hospital. Hinahanap sila Tita. Lalong bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Naamoy ko na naman ang hospital. Ayoko talaga ang amoy dito.Nakita ko na sila Tita nakaupo sa may labas ng emergency room. Halatang hindi sila mapakali. Nando'n din ang Kuya ni Xiel na palakad-lakad. Ano bang nangyayari? "Tita." Bati ko at yumakap sa kanya. Gumanti din namann siya ng yakap . Si Tito din nilapitan ko at nag mano. Nginitian naman niya ako. Parang nakikita ko talaga ang guy version ni Yeye sa kanya. Ang gwapo! Binati din nila si Ate. Actually mas close sila Tita kay Ate. "Nasa loob pa din ba si Yeye, Tita?" tanong ni Ate Pau. "Oo, eh. Hindi pa ata tapos. Grabe kasi 'yong pagbe-bleed niya kanina." Naiiyak na naman si Tita kaya nilapitan siya agad ni Tito par

