Xiel P.o.v. "Anong oras ang flight ni Papa?" excited na tanong ko. Hindi kasi ako mapakali, eh. Ayaw nga nila akong isama sa airport. Dapat daw nagpapahinga ako dito sa bahay. S'yempre gusto kong sumama para salubungin si Papa. Kaya ko naman kasi. "Mamaya lang alas singko ng hapon. Nagmamadali ka masyado. May taxi ba sa labas?" sarkastikong tanong ni Mama. Lakas din talaga mang-asar eh. Alas dose pa lang kasi ng tanghali. Naghahanda pa lang si Mama para sa pag-uwi ni Papa. Naglilinis naman si Kuya. Nagpapa-good shot ang mokong. Takot 'yan kay Papa, eh. Behave 'yan kapag nandito si Fudrakels. Sesermonan na naman siya kapag nalaman na iba't ibang babae ang dinadala niya dito. Kaya todo sermon sa kanya 'yon for sure. Buti pa ako mabait at behave lang. Papakilala ko si Wel sa kanya. Bata

