Xiel P.o.v. "Bye, Yeye." Paalam ni Jewel. Pauwi na kasi siya sa kanila. Nalulungkot na naman nga ako. Ganito naman ang pakiramdan lagi kapag maghihiwalay kami ng landas. Hindi ko alam kung kailan kami magkikita. Basta ang alam ko mahirap sa kanya malayo. "Ba't sad face'yan. 'Wag ka ng malungkot bibisitahin kita ulit," nakangiting sabi nito. Ngumiti na lang din ako at napatango. Ayoko pa sana siyang pauwiin kaso hahanapin yan ni Paulina. "ingat ka sa pag uwi, ah? tawagan or text mo ko kapag nakauwi ka na," paalala ko sa kanya. Hindi ko naman kasi siya mahahatid sa kanila. Nakakainis. "Tita, Kuya, una na po ako." Paalam pa niya. "Ingat, Nak." Sigaw naman ni tita. Nasa loob kasi sila nanonood ng paborito nilang teleserye. Kumaway lang din si Kuya sa kanya. Paniguradong aasarin ako

