Xiel p.o.v. "Beks, okay ka na ba? kailangan ka pa makakagala dito?" tanong ni Paulinang echosera. Magkakausap kami sa video call. "Okay naman. Pahirapan sa pagligo at pagtulog," simangot ko sabay nguso. "'Wag kang gumanyan, pangit mo pa nga. Hindi bagay eh," tawang tawa ang walanghiya. Naki bungisngis din sila Pat at Ellen. Wala talaga akong kakampi. Nasaan na kaya si Wewel ko. "Heh! ang bubully niyo talaga." reklamo ko. Tawanan na naman sila. Mga loka-loka. "Hindi ka naman kasi naliligo, ba't ka namumoblema?" singit na naman ni Paulina. Nakakaloko pa nga 'yong itsura eh. Ang sarap hagisan ng kaldero. "Oy, wag naman kayo ganyan. Wisik-wisik lang 'di ba?" sabi pa ni Pat. Mga wala talagang magawa. Ako na naman ang nakita ng mga hinayupak. "Nyeh, nyeh. Mga bwesit!" singhal ko sa kan

