Chapter2

1518 Words
Hinintay ko talaga makaalis si Ashton bago ako lumabas sa aking kwarto. Hanggang ngayon kung maiisip ko ang nangyari kagabi ay naiiyak ako. Ngayong alam ko na wala na talagang pag-asang itrato akong asawa ni Ashton ay ibabaon ko na lang ito sa limot ang nararamdaman ko. Bago ako mag umagahan ay nagsulat muna ako. Ako ay isang manunulat sa isang Books Company minsan naman ay ako ang nagche-check sa mga libro kung naiibenta ba ito o hindi. Fictions at Non-fictions ang aking sinusulat. Hinintay ko lang na magtanghalian ay umalis na ako ng bahay. Kailangan kong puntahan ang isang branch para i-check ang mga librong nabebenta at hindi. Nagconcentrate ako sa aking paglalakad hanggang sa madaanan ako ng taxi. Nang makarating ako sa Books Store. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng mga saleslady. "Good Afternoon po, Ma'am Nikki." Nakangiting bati nito sa akin. "Good Afternoon." Ganting bati ko at ibinaba ko ang bag ko sa lamesang nakalaan para sa akin. Nang mailapag ko ang bag ko ay agad kong nilibot ang mga nakalansan na libro. Mabenta ang Romance Story kaysa sa iba. Inisa-isa kong tinignan ang lahat na nakabalandra doon. Nilapitan ako ng isang saleslady. "Naku! Mam'am, Romance Story lang talaga ngayon ang mabenta e." Huminga ako ng malalim. "It's okay, hindi naman 'yan mabubulok kapag hindi naibenta." "Setyembre pa lang naman. Madalang ngayon ang kustomer ngayon pero panigurado sa disyembre ay mabibili ang iba." Dagdag ko at tumango ito. Napatigil ako ng may biglang nagtanong. "Miss, Saan banda dito ang Cooking Book?" Isang babaeng maputi. Nakasuot ito ng skirt na mas naka-emphasize sa mabibilog nitong hita. At naka crop top ito. Agad na tinuro ng saleslady ang mga Cooking Books. Abala ako sa pagbubusisi ng mga libro ng may pamilyar akong boses na napakinggan. "Hey, babe. Nakakita kana ba ng Cooking book?" Napatingin ako sa kanilang direkyon napagtanto kong kay Ashton na boses iyon at tama ako siya nga. Nang maramdaman niyang nakatingin ako kanilang direkyon ay malamig akong tinignan ni Ashton. "Yes, babe." Tipid na sagot ng babae. "I missed you babe." Malambing na sabi ni Ashton at bumaba ang mukha nito. Napakayom ko ang aking kamao nang maglapat ang kanilang labi. Umungol ang babae nang laliman pa ni Ashton ang halik. Napatakip ako sa bibig ko at tuluyang umalis sa harap nila. Nanginginig ang labi ko dahil sa pagpipigil ng iyak. Bakit kailangan niyang ipamukha sa akin na wala siyang pakialam sa mararamdaman ko? Bakit kailangan pa niyang ipamukha sa akin na wala akong karapatan sa kanya? Kahit masakit ang ganito. Madalas na nagpapanggap nalang akong walang pakialam kahit sa loob-loob ko, sobrang sakit. Una akong lumabas sa Books Store na iyon, Bago pa man ako makaalis ay pinagmasdan ko muna sila. Ang mga ngiting iyon ni Ashton ay hindi ko man lang nakita kahit isang beses manlang, kahit noong una naming pagtatagpo. Muli niyang hinalikan ang babae na mas kinahina ko. Ayos lang yan, Nikki. Agad akong umuwi ng bahay at nag impake. Ipinaasok ko lahat ng gamit ko sa maleta. Kung hindi ako aalis sa piling nito ay patuloy lang akong sasaktan nito. Hindi ko na makayanan ang mga ginagawa ni Ashton. Tanging isang maleta lang ang gamit ko dito na ipinadala ni Papa kaya anytime ay makakaalis ako dito. Naghihintay ako ng taxi sa labas habang naghihintay ako may naalala akong isang bagay na hindi dapat maiwan ay 'yong laptop ko. Kaya agad-agad kong binalikan ito. Pag-balik ko ay may humintong sasakyan sa harap ko. Napagtanto kong si Ashton iyon. Masama akong tinignan nito at sabay hinaklit ang maletang hawak ko. "Where are you going?" Nanlilisik na tanong nito. "Aalis ako, Uuwe na ako sa amin." Ani ko. Habang kumakawala sa kanyang kamay. Mas lalo niyang diniinan ang pag hawak niya sa aking braso at maleta. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad. Kinaladkad niya ako papasok. Napasigaw ako dahil sa sakit ng pagkaladkad niya bukod kasi masakit ang pag hawak niya bumabaon pa ang mga kuko nito. "Bitawan mo nga ako! Aalis nga ako dito sabi e." Sigaw ko. Tinignan niya ako tsaka ngumiti ng nakakaloko. "Sige, You can leave. But i Assure that your Dad is go to the jail." Iyon ang nakapangpahina sa aking tuhod ang makulong ang aking Ama. Kahit na parang hangin lang ako sa kanya ay hindi ako nagtatanim ng galit bagkus ito rin ang dahilan kung bakit ako nagiging matibay pag dating sa mga pagsubok. "You blackmailing me." Singhal ko, tinawanan niya ako at hinawakan ang baba ko at iniharap sa mismong mukha niya. "Of course not. Quets na sana kung si Brie ang asawa ko ngayon at hindi ikaw." Sabi niya na nakapagpadurog ng puso ko. Hindi ko na lang siya inimikan at hinila kong muli ang aking maleta papasok sa aking silid. Gusto kong maka-alis sa puder niya ngunit hindi ako makatakas. Piliin ko man umuwi sa amin ay hindi ko kaya. Dahil kapag ginawa ko iyon tiyak ako ang Ama ko naman ang mapupunta sa kulungan. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iisip nang mapagpasyahan kong bumaba para umimom ng tubig. Nasa hagdanan pa lang ako ay agad ko ng natanaw si Ashton na nakahiga sa sofa. Nilagpasan ko muna ito para uminom ng tubig. Pabalik na sana ako ng mapansin ko siyang nanginginig. Kaya agad kong idinampi ang palad ko sa noo nito. "Ashton.." Pag-gising ko sa kanya ngunit ungot lamang ang sagot nito. "Nilalagnat ka Ashton." Nag-aalala kong sabi. Dumilat ito at matalim akong tinignan. " 'Wag mo kong hawakan!" Kaya dumistansya ako ng kaunti. "Tutulungan kitang tumayo." "Sinabing----" Bigla itong umubo. Sa pangalawang beses kong tulong dito ay tinanggap na niya. Dinala ko sa siya sa kaniyang kwarto at inihiga ko siya doon. Tinanggal ko ang sapatos nito ngunit pinigilan nito ang aking kamay ng tangkain kong hubadin ang polo nito."Kailangan mong magpalit ng damit. Para maginhawaan ka." Dahil siguro sa karamdaman niya ay pinayagan niya na ako. Napalunok ako ng makita ko ang kakisigan nito. Kumuha ako ng panibagong damit sa kabinet nito. Mabuti nalang at nagpabihis ito kaya mabilis ko itong nabihisan. "Arghh. My head." Daing nito. Agad kong hinilot ang ang ulo nito. "Asan pa ang masakit sa iyo Ashton?" Hindi niya ako sinagot samantalang abala akong naghihilot sa ulo habang pinagmamasdan ang kabuohan ng mukha niya. Mahahaba ang pilik sa kanyang mata at makapal pa ang mga kilay nito. "I'm hungry." Habang nakatingin sa akin. Kaya dali-dali akong bumaba sa kusina at nagluto ng may sabaw. Pagkatapos ko magluto ng lugaw ay inilagay ko ang lugaw sa mangkok at inilagay ito sa tray at nagtimpla din ako ng Calamansi Juice. Kinalabit ko siya. "Ashton, Kain na." "Ilagay mo lang 'dyan." Tipid na sagot nito. Dahil sa gusto ko siyang pagsilbihan ngayon ay pipilitin ko itong subuan. Agad niyang tinabig ang kamay ko kaya agad na tumilapon ang mainit sa lugaw sa hita ko. " Ikaw kasi e. Sinabi ko nang ako na." Bigla akong tumayo at dumiretso sa Cr. Napasigas ako sa hapding dulot nito. Binuksan ko ang shower at ibinabad ko ang hita ko doon. Pag-katapos kong ibabad iyon sa tubig ay lumabas na ako ng Cr. Bumungad sa akin ang malalamig na titig ni Ashton. "Linisin mo ang kwarto ko." Tumango ako at dumiretso sa loob upang para malinisan ang kwarto niya. Matapos kong linisan ay pumunta ako sa sala at umupo sa sofa. Kumuha ako ng oitment at pikit-matang ininda ang sakit. Dahil sa pag-alala ko ay sinilip ko ito sa kanyang silid kung dadaing ba ito. Bago pa man ako ulit sumilip ay kumuha ako ng tubig kung sakali man nauuhaw ito. Sumilip akong muli. Nakitang balikwasan ito sa kama kaya napagpasyahan kong lapitan ito at hinipo ko ang ulo nito. Mas lalo lang tumaas ang temperatura niya. Dali-dali akong kumuha ng palanggana na may maligam-gam na tubig at towel t'saka idinampi sa noo nito. Pinunasa ko ang pawisan nitong noo at inayos ko ang kumot nito nang bigla siyang dumilat." Bella, You came back." Kagat-labi ko itong sinagot. "I'm not her." Tinitigan niya ako sa mata at kitang-kita sa mga mata nito ang pag galak. "Wag mo na akong iiwan ha?" Maluha-luha nitong tanong ngunit umiling ako. At siya din ay tuluyan nang nakatulog. Lumabas na ako sa silid niya biglang tumunog ang cellphone ko at dali-dali ko itong sinagot ng malaman kong si papa iyon "Ano ba ang pinag-gagawa mo Nikki sa buhay mo at hinayaang mong magkasakit si Ashton?" Galit niyang bungad sa akin. Huminga ako nang malalim. "Sadya po siyang umuwing may lagnat Papa." "Sana ikaw na lang ang umalis at hindi ang kapatid mo tiyak ako 'don na mas maalagaan niya si Ashton. Kaysa sayo pabaya ka." Bulyaw niya sa akin. Alam ko kung ano ang punto niya. Na dapat si Brie ang andito sa posisyon ko ngayon at hindi ako. Mas hihilingin ko na lang din na sana ay si Brie na lang ako. Napakahirap maging isang invisible sa mga taong mga mahal mo. Mahirap din umasa na magbabago din ang tingin nila sa akin. Parehas sila ni Ashton. Pinapamukha lagi nila sa akin na di ako karapat-dapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD