“I’m Crystal Jane, Liam’s girlfriend!” mga katagang parang kung pwedeng di na lang mapakinggan ay, pipiliin ko na lang talagang di marinig. “Ah, hello,” mahinang tugon ko habang nakatingin lang sa baso ng juice na puro pawis na sa harapan ko. Lutang pa rin ang isip ko sa mga pangyayari kahapon. Nang malaman ko ang tungkol kay Liam at dito kay Crystal Jane mula sa FaceGram, ‘yong babae last time na kasama nina Liam noong nagreview kina Trave, para akong masisiraan ng bait kaya hinayaan ko munang mawala ang sarili ko kahapon. Kaso, di ko naman inaasahan ang pagsulpot ni Liam sa condo ni Ate Jhibi, na kung di tumawag itong Crystal Jane ay baka may nangyari na sa amin. Lunod na lunod na ako kagabi kay Liam, siguro nagsamang sama ng loob at dismaya kaya di ko na napigil. Tanggap ko naman na

