Malakas na halakhakan ang gumising sakin kinabukasan. Nakahiga na ako ng maayos sa kama. Di ko mapigilan mapangiti habang naaalala yong mga nangyari kagabi. Nakabangon na rin naman si Fria kaya nagligpit lang ako ng kama bago bumaba. At hindi na ako nagulat sa mga bumungad sakin. "Aba, gising na ang prinsesa," bungad ng isa sa mga tita ko. "Tita, anong satin?" sagot ko pabalik, habang sinisipat kung nasaan ang Mama. "Aba, eh, usapan ka lang naman ng buong barangay natin. Di ka ba nadadala kay Fria? Pag nasundan yan, hindi ko na alam kung saan pang kapal ng mukha ikaw hahagilap para mabuhay ang isa pa." Tatawa-tawang wika niya ulit. "Athena, kung di ka marunong mahiya, kahit manlang sa Mama mo na hirap na hirap na itaguyod kayong magkakapatid. Sayang talino mong bata ka. Kakahiya e

