“GOOOD MORRRRNING MOMMMMYY!!!” Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa iyamot nang maalimpungatan ako sa matinding sigaw ni Fria. “Fria, wag ngayon!” mababa man ang boses ko dahil kagigising ko lang pero may diin naman ito para malaman niya na wala ako sa wisyo para tagalan ang ingay. “Mommy naman eh! Bangon na!” Pilit pa ni Fria saka malakas na dinaganan ako sa pagkakahiga. “Sabado ngayon, walang pasok, kaya wag mo guluhin si Mommy,” ungot ko saka pilit na niyakap si Fria para di na ako kulitin. “Tulog pa tayo!” Binalot ko na rin siya ng kumot para wala nang kawala. Kaso, laking gulat ko nang may nagsalita pang isa sa may paanan ng kama ko. “I don’t care if you blow up like a popper fish, but today is swimming day! So, get up, stoobid!” Napabangon talaga ako na kunot n

