One month later… Eight hundred twenty-four thousand, malapit na. “ATHENA!” Napatigil ako sa pag-iiscroll sa laptop nang malakas na bumukas ang pinto ng terrace ng kwarto ko. Napabuntong-hininga ako matamlay na tumayo. Parang wala na nga akong lakas na tumayo. “Liam, umalis ka na,” walang-buhay na sabi ko saka nagtangka na humiga sa kama. “HINDI!” sigaw ni Liam. “UMALIS KA O IPAPAPULIS KITA!” sigaw ko pabalik, nanlilisik ang mga tingin sa kaniya. “Ah talaga, gaganyanin mo ako, Athena? Ano ba ang balak mo ha?” “Alam mo ang balak ko simula una, kaya please lang, umalis kana dahil nakakaabala ka,” hirap na hirap na sabi ko dahil labag naman talaga sa loob ko ang mga sinasabi ko. “So iiwan mo na kami? Kung ganon din lang naman, gusto kong kunin ang inambag ko, kung iyon lang ang para

