CHAPTER 28: MEET MARA AND MIRA
_____________________________________________
PRINCIPALEM POV
Ang mukha ni Mira, Hindi Mawala sa aking isipin kung paano Tumingin Ang kaniyang mga mata at kung paano ngumiti Ang kaniyang mga labi.
Nakakapagtaka namang kamukhang kamukha ni Mira si Mara Pero iba Ang galawan nilang dalawa.
Hindi maaring May magkamukha sa mundong ito, kung sa Mofalia o sa mundo ng mga tao okay Lang ito Dahil yun talaga Ang likas nila.
Pero rito sa Imorania Hindi maaring yun Dahil Walang isang magkamukha rito at Walang ipinapanganak na kambal.
Natatandaan kong iisa lamang Ang anak ng reynang Moralta at haring Morales, Pero bakit hawig na hawig Ang dalawa?
May tinatago ba Ang pamilyang iyon? Kailangan Kong alamin Ang lahat, bago pa magkagulo.
"Mahal na principalem ipinapatawag niyo daw po ako?" Magalang na sambit ni Wendie at ngumiti sa akin. Alam Kong ikaw lang Ang maasahan ko ngayon sa lahat ng mga Royalè, Wendie.
"Diba nagdududa ka sa galaw ni prinsesa Mara?" Tanong ko sa kaniya, siya lang ang makakagawa nito dahil alam kung pag si Asher Ang gagawa nito Ay papalpak lang siya dahil alam kung may kung Anong koneksyon sila ni Mara.
"Opo" mahina niyang sagot sa akin. Gagamitin ko si Wendie para malaman Ang katotohanan sa likod ni Mira at ni Mara.
"Ito na ang takdang panahon para mag-imbestiga ka sa kaniya. Dahil may ipapakilala ako na tiyak na maguguluhan ka na kagaya ko rin magkakaroon ka ng ibang hinuha sa ipapakita ko" sabi ko sa kaniya at ipinakita Ang mukha ni Mira gamit Ang aking kapangyarihan. Walang emosyon akong Nakita sa kaniya. Alam Kong iniisip niyang si Mara yun, Pero hindi..
"Bakit naman ako maguguluhan principalem, Si Mara lang yan ehh" Sabi niya sa akin ng nakataas Ang kilay sa akin. Tama nga Ang hinala ko. Magkakaroon ng kaguluhan kapag nagkita Ang dalawang iyan.
"Sabi ko na Sayo Wendie na Hindi si Mara iyan at sa umpisa pa Lang alam ko na sasabihin mo yan. Unang tingin mo masasabi mong si Mara yan Pero Hindi dahil siya ang bagong estudyante natin dito si Mira. May kakaiba sa kanilang kinikilos Dahil Ang Prinsesang Si Mara ay siyang may dahilan sa kaguluhan at hidwaan ng lahat ngunit si Mira, masyado siyang maingat sa mga ikinikilos niya. Madami silang pagkakaiba Wendie, na kailangan mong mapansin sa unang tingin palang" sabi ko Sa kaniya na kinagulat niya naman, sinasabi ko na nga bang magugulat talaga siya sa malalaman niya.
Hindi mo ako bibiguin Wendie sa pag-alam kung ano Ang tulay na nasa likod ng dalawang mukha, yan Ang Dapat mong panghawakan Wendie Dahil naniniwala ako sa kapangyarihan mo.
"Kung ganon, kailangan Kong imbestigahan Ang dalawang yan. Dapat Hindi magkross Ang kanilang landas dahil kung magkakasalubong man sila, tiyak akong Hindi nila hahayaang dalawa silang magkamukha na mabubuhay sa mundong ito" sabi niya, tama siya dahil sa pagkakaalam ko Hindi umuurong sa laban Si Mira, Wala siyang inuurungan na laban kahit na isakripisyo pa niya Ang sarili niya at mas lalong na Ang Prinsesang Si Mara.
Malalaman ko rin Ang katotohanan sa inyong dalawa.
"Wendie, wag mo sana akong biguin sa pag-alam ng katotohanan Dahil ikaw at ikaw lang Ang makakatulong sa akin sa oras na too bilang isa sa pinakamagaling Kong Estudyante at Royalè Dito sa Akademya" sambit ko naman sa kaniya na ikinangisi niya Sa akin.
"Huwag kang mag-alala Principalem gagawin ko Ang lahat para Lang sa misyong ito. Buhay ng dalawang nilalang Ang nakasalalay at pati na rin Ang mga mamamayan na sakop ng Imorania. Ang misyong ito na Kay bigat tingnan ay Hindi ko papalampasin, Principalem" sambit niya naman sa akin na ikinangisi ko. Tunay nga siyang anak ni Wadie at ni Zeo, Hindi sumusuko sa laban kahit na mahirap.
"Salamat sa iyong koordinasyon Wendie. Makakalabas la na sa aking opisina" sambit ko naman sa kaniya na ikinalaho niya naman.
Nasa kamay mo Wendie Ang lahat kaya wag mo sana akong bibiguin.
_____________________________________________
WENDIE POV
Napapalapit na Ang loob ni Asher Kay Mara sa loob ng ilang araw na pamamalagi ng Prinsesang iyon dito sa akademya. Wala na ngang masyadong oras para sa akin ang aking sundinniya at puro nalang Mara Ang bilang bibig pag magkasama kaming dalawa.
Alam Kong Hindi ako bibiguin no Asher sa kaniyang pangkantong Hindi niya ako iiwan hanggang sa huli Dahil ako lang Ang babae na magmadali niya Sa buong buhay.
Mula pagkabata palang Ay ipinangako niya na sa akin iyan at napatunayan niya naman sa loob ng ilang taon naming magkarelasyon.
Pero Ngayon, unti unti na siyang nagbabago. Wala na Ang Asher na kilala Kong matamis Kong ngumiti sa akin at kung paano niya ako lambingin.
At Hindi ko hahayaang si Mara Ang makakasira sa relasyon namin ni Asher. Mas mabuti na sigurong iba Ang papalit sa akin Kay asher wag lang si Mara. May kakaiba sa kaniya at May sekretong nakahimlay sa kaniyang katauhan na kailangan Kong mailabas.
Ngayon naman ay nakatingin ako sa Pintuan na kung saan Ang sinabi ng silid ni Principalem kung saan nakikita Ang hawig ni Mara na si Mira.
Nagbukas naman Ang Pintuan at May lumabas na isang babae at yumuko sa akin. "Mahal na prinsesa Wendie, ano ang matutulong ko sa inyo?" Magalang niyang sabi, dapat lang na gumalang sila sa mga royalè.
"Tumayo ka na. Iisa Lang Ang kailangan ko, Nasaan Ang nangngangalang Mira sa inyo?" Deretso Kong tanong sa kaniya Ayokong maraming pasikot sikot. Sayang Ang oras.
"Palabas na rin po siya sa silid niya Mahal na Prinsesa. Maligayang araw po sa inyo at ako'y paparoon na sa aking silid aralan" sabi niya naman sa akin ng nakangiti. May pag-iingat siyang ginagawa pero Wala akong pakialam sa kaniya si Mira Ang kailangan ko.
"Mira?" Tanong ko sa babaeng puti Ang buhok na nakasuot ng itim na damit na papalapit sa pintuan. Tunay nga na magkamukha silang dalawa.
"Ano pong maitutulong ko sa inyo?" Tanong niya at humarap sa akin. Maingat siya Pero Hindi mawawala sa kaniyang mga turan na inosente siya sa lahat ng nangyayari sa kaniya.
"Ikaw pala Ang Mira na sinasabi nila. Ang maitutulong mo lang sa akin Ay Ang pagsagot sa mga katanungan ko. Pero bago Ang lahat ako Ay Isang Royalè, Prinsesa Wendie ng Widra" saad ko sa kaniya na ikinatango niya naman at ngumiti sa akin.
"Kung yan po Ang maitutulong ko sa inyo Mahal na Prinsesa Wendie" nakangiti niyang saad sa akin. Ang kaniyang mga mata Ay kakaiba sa mga mata ni Mara at Ang kanilang galaw ay kakaiba kaysa kay Mara.
"Sino Ang tatay at nanay mo?" Tanong ko sa kaniya na ikinangiti niya Sa akin. Kung malalaman ko kung sino Ang Tatay at Nanay niya mas madaling malaman Ang buong katotohanan.
"Hindi ko po sila Kilala, sabi ng mga tao sa amin Ay iniwanan lang ako isang sulok ng isang babae" sagot niya. Maari siyang siya talaga Ang nawawalang bata sa Imorania ng Imorania-mofalia. Pero imposible iyon lalo na at Ang gurong si Pañara at Willo na Ang nagsabi na Ang dinala nilang Prinsesa ay tunay at hindi huwad.
"Kung ganun namumukhaan mo ba kung sino Ang nag-iwan sayo?" Tanong ko sa kaniya, at tinitigan sa mata Pero isang blank Lang Ang nakita ko no Hindi ko nga nababasa Ang kaniyang iniisip.
"Hindi" sabi niya, bata pa talaga siya kung ganun. Batang bata Noong iniwan siya sa kung saan sulk ng Imorania.
"Kung ganun, maari ka Nang pumasok sa silid aralan mo" sabi ko ng nakangiti. Nagbigay galang muna siya at naglakad na papaalis.
Mira Sino ka ba talaga? May itinatago la bang sekreto sa akademya?
Kailangan Kong imbestigahan Ang lahat ng galaw niya. Maganda pa siguro Kong gagawin Kong Mas masaya Ang imbestigasyon ko.
Sinusundan ko siya ngayon at alam niyang may sumusunod sa kaniya. Magaling. Nahasa niya Ang kaniyang pakiramdam. Hindi siya ordinaryong alipin lang.
Pupunta nalang ako ng silid aklatan mamaya baka may makuha akong impormasyon. Magbabasa ako tungkol sa mga kambal na ipinapanganak rito sa Imorania, Dahil mga Mofalian Lang talaga Ang nagkakaroon ng kambal at magkamukha.
Sino ba talaga sa kanila Ang totoo, dahil mararamdaman akong May kakaiba sa kanila. May sekreto silang itinatago.
At Alam kung iisa sa kanila ay totoo at iisa at huwad. Hindi magandang magkros Ang landas ng dalawang yan.
Mira at Mara malapit lang ang kanilang pangalan, iisang letra Lang Ang pagkakaiba. I at A. Kaya di malalayong marami silang mga pagkakatulad.
"Nandito na pala Ang magaling na si prinsesa Mara. Nasaan na Ang iyong mga alalay?" Narinig ko namang Tanong ni Brena sa kaniya sabay palabas ng ngisi nito.
"Paumanhin ngunit Hindi ako si Prinsesa Mara at wala akong nilalang Prinsesa Mara. Hindi ako magiging si Mara" nakangiting saad niya naman kay Brena, Hindi siya natatakot sa kung sino pa man Ang kaniyang makaharap.
"Wag ka Nang magsinungaling. Wala kang kasama Ngayon kaya ba natatakot ka?" Tanong naman ni Brena sa kaniya ngunit ngumisi Lang Si Mira sa kaniya. Ibang iba nag siya.
"Hindi ako natatakot kahit Sino ka pa naman. Ngunit sinasabi ko nga naman sa iyo na Hindi ako si Prinsesa Mara. Ano ay mauuna na sa inyo" Sabi niya naman pero ngumiti Lang ako sa Kay Brena at hinawakan siya sa braso.
"Brena, Hindi siya Si Mara siya Si Mira" sabi ko kay Brena, magsasalita pa sana si Brena ng putulin ko Ang sasabihin niya.
"Alam Kong ganyan Ang reaksyon mo pati ako nagulat pero sabi ni Principalem iba Ang kulay ng kanilang mata kung titingnan mo. Huminga ng patawad sapagkat pinoprotektahan siya ng Mahal na Principalem" sabi ko sa kaniya at tumingin sa mukha niya na para bang Hindi mo malalaman kung natutuwa o namumutla. Tks. Takot siya sa matandang hukluban na Principalem.
"Patawad Mira, sa inasal ko akala ko kasi Si Mara ka. Patawad talaga" sabi ni Brena, ngumiti naman Si Mira sa kaniya at tumingin sa akin.
"Naintindihan ko Ang iyong pagpapatawad ngunit Hindi mo na ito kailangan pang gawin. Salamat Mahal na Prinsesang Wendie sa pagpapaalam sa kaniya. Ali's muuna na sa inyo at wala na akong oras" sabi niya at umalis na ng tuluyan na siyang ikinalingon ni Brenda sa akin.
Naguguluhan siya ngayon, nakikita ko sa kaniyang mga mata.
"Iimbestigahan ko silang dalawa Brena, wag mo munang gagalawin sila dahil lalabas pa Ang katotohanan sa likod ng mga mukha nila" sabi ko sa kaniya at ngumiti, malalaman rin ng lahat Ang sekreto mo Mara sa tulong ni Mira.
"Naguguluhan ako sa kanila Pero para ngang Magandang manuod nalang habang pinapagalaw no Ang laruan mo ngayon, Wendie. Mag-iingat ka palagi Kay Mara Dahil Hindi mo alam na pwede niyang baliktarin Ang sitwasyon at maghanda ka na rin Kay Mira Dahil Hindi mo siya kilala. Ang dalawang iyon ay Mukhang May tinatago sekreto, tama ba ako?" Tanong niya naman sa akin na ikinatango ko sa kaniya. Tama siya, at nakabisado niya na Ang galawan ni Mira.
"Sisiguraduhin ko yan, Brena" sabi ko naman sa kaniya at itinapik Ang kaniyang kamay sa aking balikat.
Hindi ko bibiguin Ang mahal na Principalem.
_____________________________________________
UNKNOWN POV
Kumikilos na Ang lahat para sa kaniyang pagbabalik. Magaling. Papagalawin ko sila ayon sa agos ng buhay ng hinirang.
Ang Principalem na nagpagalaw sa kaniyang mga Royalè para malaman Ang katotohanan para sa kaniyang pagbabalik at Ang katotohanan na ipinagkait sa kaniya.
Ang Prinsipe namang magbibigay kulay sa buhay ng Prinsesa ay gumagawa ng paraan para sa kanilang tadhana.
Magkakaroon ng mga Koneksyon Ang lahat at magkakaroon ng kabuluhan Ang lahat ng mga kwento nilang lahat.
Imumulat ko sa kanila ang Magandang kwento na nasi Kong iparating sa kanila, kahit na sa Hindi nakikita kalaban ng lahat. Gagawin ko Ang lahat para Lang bumalik Ang sigma na meron sa Imorania.
Habang nabubuhay ako sa mundong ito iaalay ko Ang aking buhay sa hinirang at ako Ang magsisilbing mata niya Sa lahat ng mga bagay rito sa Imorania.
Basta wag Lang siyang susuko sa laban niya Sa buhay Dahil kapag sumuko siya para na rin akong sumuko sa laban.
Dahil siya lang Ang makakaalam ng lahat..