CHAPTER 29: THE AFFAIR AND THE BROKEN HEART
_____________________________________________
ASHER POV
(Dino)
Napapaisip tuloy ako kung itutuloy ko nga ba talaga Ang plano ko Pero iisa Lang naman talaga Ang magiging sagot sa tanong ko. Kailangan ko na talagang ituloy kahit masakit na kakailanganin kung May masasaktan.
Naumpisahan ko na kaya naman tatapusin ko na. Naawa man ako sa kaniya pero Ito na siguro Ang panahon na imulat niya rin sa iba Yung atensyon niya.
Si Mara, kailangan ko siyang mailigtas Kaya ginagawa ko Ang lahat ng ito. Dahil sa espesyal siya sa akin lahat gagawin ko.
Natatandaan ko pa nung nasa Misyon pa ako sa Mofalia. Kapag napapaaway siya lagi akong nandun at masasabi Kong talaga siya kahit walang kapangyarihan Ay malakas siya.
"Psttt...pstt"
Hays, nakakamiss pala kapag wala kang iniisip na problema sa pang-araw araw Kong pamamalagi sa Mofalia.
"Pst.. Dinosaur! Paki bukas" napatingin naman ako sa kung saan naduon yung boses. What the! Anong ginagawa ni Mara diyan sa labas ng bintana?
"Bakit diyan ka pumasok? Alam mo namang delikado kapag nahulog ka dyan, tsk. Mukha Lang unggoy" sunod sunod kung saad sa kaniya at pinagbuksan ko siya ng bintana. Nakatanggap Lang naman ako ng taas ng kilay.
"Bakit? Ang Tanong papapasukin ba ako ng taga-bantay? Alam mo naman sigurong Hindi pinapapasok ng tagabantay Ang mga babae rito diba? At isa pa baka may nakakalimutan Lang Hindi ako unggoy, Ikaw nag mukhang Dinosaur. At pangalawa, Hindi ako aakyat dito na Hindi Alam kung ano Ang mangyayari sa akin" Sabi niya Wala paring nagbabago sa kaniya. Napakasungit niya parin kahit na malapit na malapit na ako sa kaniya.
"I understand, ano nga palang pakay mo rito? At umakyat ka pa talaga para makapasok?" Tanong ko sa kaniya, siya naman umupo sa upuan at itinaas Ang kaniyang mga paa sa lamesa at tumingin sa akin.
"I always told you about this Dino. Kailan pa natin sasabihin Ang totoo? It's been weeks and days since we start this freaking Relationship. Magpapanggap ka pa ba at makikipagplastikan sa kaniya para Lang di siya masaktan?" Tanong niya naman sa akin na ikinatigil ko at ikinaupo sa kama ko. Ang hirap naman pala talaga ng pinasok ko. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at nagawa ko Ang lahat ng to?
"Hindi pa ako handa na saktan siya, Hindi pa ako Handa na biakin Ang tiwala niya. Alam mo naman Ang nangyari Hindi ba? Namatay Ang ama at Ina niya Kaya Hindi niya kakayanin Ang sakit" sambit ko naman sa kaniya at niyakap siya ng patalikod. I can feel na nasasaktan din siya, pero Wala akong magagawa ngayon. May pinagsamahan din kami nun.
"Your not ready? Then what the f**k up na ginawa natin Ang relasyon na to, if you are not ready para saktan siya?" Tanong niya naman sa akin at naramdaman ko naman ang pagdaloy ng kaniyang luha.
"Biglaan Ang nangyari at balak ko naman talaga na sabihin sa kaniya Nang lahat na ayaw ko na ehh. Pero hindi ko siya masaktan Ngayon Dahil sa durog pa Ang puso niya ngayon dahil sa nangyari, malalaman niya Ang nangyari sa Ian at ama niya at Hindi ko alam Ang magagawa niya kapag nangyari Ang kinakatakutan naming mga Royalè sa kaniya" sambit ko naman sa kaniya at hinarap siya habang hinahawakan Ang kaniyang kamay.
"Whatever is it Dino. I give up on Rain para Lang sayo. Hindi ko siya binigyan ng Second chance para Lang sayo at nasaktan ko rin siya. Hindi pa ba maliwanag yun sayo? You are being unfair to me" sambit niya naman sa akin at niyakap ko ulit siya dahil sa umiiyak na naman siya and I can't see her crying because of me.
"Mara, I'm not being unfair onto you ok? Ginagawa ko lang to Dahil sa Hindi ko alam Ang magiging reaksyon niya at alam Kong lahat na nandito ay magiging delikado kapag Nawala siya sa sarili niya. At ikaw, Ikaw nag magiging puntirya niya kapag nangyari yun. At Ayokong mangyari yun" sambit ko naman sa kaniya at naramdaman ko Ang pagtigil niya Sa pag-iyak at Ang pagyakap niya Sa akin.
"I understand, thank you for your concern" mahina niyang sambit sa akin habang humihikbi parin siya.
"Mara, konting tiis nalang" sabi ko sa kaniya at hinalikan siya, gusto Kong iparamdam sa kaniya na importante siya sa akin.
"Just stay" sabi niya na may luhang tumulo sa mga mata niya. Kahit ako nasasaktan sa mga ginagawa ko ngayon. Sana maintindihan niya ito nalang araw.
Di ko pa kasi kayang masaktan si Wendie lalo na Ngayon na nalaman kung Wala na Ang Hari at Reynang Wadie at Zeo at mas lalong Ayoko ko namang masaktan si Mara.
Sana maintindihan mo ako Wendie sa gagawin ko, sana maintindihan mo ako at mapatawad. Kaya ko lang naman ginagawa to para sa lahat.
"I love you Mara and I do everything to make you happy. Just remember that I love you no matter what" sabi ko sa kaniya na ikinangiti niya naman sa akin.
"I love you to my dinosaur" sabi niya at pumatak na naman ang luha niya. Masyado talaga siyang fragile. But I just kiss that Tear..
_____________________________________________
WENDIE POV
Ang bigat talaga ng pakiramdam ko lalo na at nasigawan ko si Asher nong nakaraang araw. Hindi ko naman talaga sinasadya yun, pagod Lang kasi ako sa Misyon ko na kakasunod kay Mira at Mara.
Kaya Ngayon isusurpresa ko siya. Matagal tagal na rin na hindi ko ginawa sa kaniya Ang pagsurpresa at pagluto ng paborito niyang pagkain.
At isa pa gusto Kong isalba Yung relasyon namin ni Asher Dahil nagkakalabuan na rin naman kami. Palagi nalang kasi mga misyon Ang iniisip namin. At Alam Kong Misyon niya lang talaga na bantayan so Mara Kaya palagi silang magkasama.
"Mukhang di ka ata komportable na Hindi mo nakikita si Asher, Wendie" natatawang sambit ni Uniro Kaya naman ay tinaasan ko siya ng kilay.
"Tigil-tigilan mo ako Uniro, kunti nalang talaga at mawawala ka na sa mundong to. Gusto mo ba yun?" naiinis Kong tanong sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Tsk. Mabuti nalang talaga at napipigilan ko Yung emosyon ko sambit kaniya kundi makakapunta na siya sa kaharian ni Hades.
"Uniro, suportahan mo nalang Alam mo naman na mahal na mahal niya si Kuya Asher" mahinhin namang sabi ni Nima na ikinangiti ko naman sa kaniya.
Tiningnan ko Ang kanina ko lang binabalot na pagkain. Okay na.
"May pupuntahan lang ako mga royalè wag kayong masyadong magulo kung aya niyong makapunta sa kaharian ni Hades" pagpapaalam ko sa kaniya at naglakad na. Sana naman ay magustuhan niya Yung surpresa ko sa kaniya dahil Hindi ko ginamitan ng salamangka Ang mga iyon.
Sa paglalakad ko naman ay Nakita ko so Mira na nakangiti habang naglalakad. Alam na alam ko na ang pormahan ni Mira, mas Magandang mamorma si Mira kaysa Kay Mara at May puting buhok ito.
"Mira May itatanong Lang ako Sayo" sambit ko naman at ikinatagil niya naman ito at ngumiti sa akin.
"Ano po iyon Mahal na Prinsesang Wendie?" Tanong niya naman sa akin ng nakangiti. Parang ang saya saya niya naman ata niya ngayon.
"May nakita ka bang royalè na pumasok sa Royalè Silid-aralan? Yung Royalè na lalaki" Tanong ko sa kaniya. Doon din kasi siya pumapasok Dahil malalakas sila. Yan yung sabi ng Principalem. Alam ko naman talaga Ang dahilan ni Principalem, gusto niya lang talaga na maimbestigahan ko sila ng mabuti.
At Wala naman akong tutol dun Dahil na rin sa ibang oras pumapasok Si Mira kaysa kay Mara.
"Meron. Sino ba Ang hinahanap niyo, para matulungan ko kayo?" Tanong niya sa akin, mas gusto ko talaga si Mira kaysa Kay Mara. Tsk, pinapakita Ang totoo niyang ugali sa akin. Minsan kasi binabara ako ni Mira kahit na prinsesa ako ehh..
"Si Asher? Nakita mo ba?" Tanong ko sa kaniya na agad niya namang ikinanguso.
"Asher? Ano ka ba naman Wendie akala ko pa naman si Percy hinahanap mo. Hindi ko nakita yung hinahanap mong Asher Pero kung tatanungin mo kung nasaan si Per--" nandyan na naman siya na para bang magkaibigan talaga kami, Yung para bang matalik na kaibigan. At Bakit naman nasali si Percy rito?
"Hoy, okay na? Do Asher tinatanong ko at Hindi si Percy" sabi ko naman sa kaniya na ikinangiti niya Sa akin.
"Bagay kaya kayo. Sige na nga lang paalam na Prinsesa sana naman ay makita no so Percy" natatawa niyang saad at umalis na ng tumatakbo na ikinataas ko ng kilay. Ano Kayang meron dun?
At si Asher, nakakapagtaka na wala siya sa Silid paaralan.
Saan Kaya Yun nagpunta?
Sa silid niya nalang, tiyak akong nandoon lang yun. Baka nagpapahinga Lang Dahil sa pagod siya sa misyon.
"Teleportia" sambit ko at ngayon nakaharap na ako sa pintuan niya. Kinakabahan ako na Hindi ko magpaliwanag.
Nakakapihit ako ng pintuan kahit nakasarado yan, kaya pinihit ko at bumulaga sa akin Ang natutulog na Mara sa Tabi ng natutulog na Asher. Anong ginagawa nilang dalawa?
Naramdaman ko naman na parang nawala lahat ng dugo ko sa katawan Dahil sa nakita ko at namginginig Ang aking mga tuhod Ganun na rin Ang aking katawan.
Natutulog sila ng magkasama, natutulog si Asher kasama Ang ibang babae.
Natutulog Lang ba talaga sila o May nangyari na sa kanila? Namumutla na ako dahil sa nakita ko at naramdaman ko naman na unti unting tinutusok ng libo libong karayom Ang aking puso. Ang sakit gusto Kong umiyak sa sakit.
Ano bang gusto nilang palabasin? Gusto ba nilang palabasin na madali akong maloko at Hindi nakakaalam ng sekreto? Manigas sila Dahil alam ko na ang sekreto nila.
Umupo ako sa upuan at hinintay na magising sila. Kahit na alam ko sa sarili ko na namumutla na ako sa takot na malaman Ang totoo sa kanilang dalawa. Gusto ko na nga na umiyak.
At Wala pang ilang minuto nagising na sila. Pumalakpak naman ako ng malakas na malakas habang di na mapigil Ang luha na dumaloy sa mata ko. Mabuti naman at Hindi pa nila pinatagal.
"Wendie? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Asher na Gulat na gulat habang nakatingin sa akin Pero nginitian ko lang siya kahit na masakit.
"Akala niyo ba Di ko malalaman Ang mga ginagawa niyo habang Wala ako? Oh ano masaya na kayo?" Tanong ko sa kanila na may mapait na ngiti sa aking mga labi. Binigo niya ako.
"Dino sabihin mo na, panahon na para sabihin mo Ang lahat Dahil Wala ka Nang takas" bulong ni Mara Kay Asher. At tumingin naman ng sekreto so Mara sa akin at ngumisi. Ahas siya.
"Wendie Ayoko na, gusto ko Nang kumawala. Hindi ko na kasi nararamdaman yung pagmamahal sa relasyon natin Wendie" sambit niya naman sa akin na ikinawala ng ngiti ko. Ganun nalang ba talaga siya labi na para makuha ni Mara ng ganun Ganun lang? Natukso siya ng ahas.
"Ganun ganun lang ba yun. Ang tagal natin Pero Nang nakita mo yang Mara na yan pinalitan mo na ako. Gaano mo ba yan kamahal at ipagpapalit mo yung mahabang relasyon natin dyan sa babaeng yan?" Tanong ko sa kaniya, nanghihina ako at pinipigilan Kong tumulo Ang luha ko Pero Hindi ko talaga kaya. Hindi kaya ng damdamin ko.
"Sinabi niya na ang dapat sabihin Wendie, Umalis ka na. Hindi ka niya kailangan" mahinang sabat naman ni Mara at ngumisi sa akin. Malalaman ko rin Ang lahat Mara.
"Di kayo hahayaang magiging masaya kailanman" sabi ko sa kanila at nagteleportia papunta sa malayong lugar.
Ano bang meron siya na Wala ako? Ako Ang nauna sa kaniya, Bakit siya ang pinili?
Ang sakit sakit lang, niloloko nila ako. Isusumpa ko talaga sila na Hindi sila Magiging masaya, kahit kailan.
Akala ko pa naman Hindi niya magagawa sa akin na lokohin ako. Alam ko na kahit Meron pa kaming relasyon, ay Meron silang relasyon.
Kaya pala Ganun nalang Ang kanilang mga tinginan Ang ngiti at oras na ibinibigay ni Asher sa kaniya na Hindi niya man Lang naibigay sa akin.
"Bakit!?" Sigaw ko, ako lang mag-isa sa bundok Kaya naman magagawa ko Ang gusto ko.
"I know you understand me princess, just cry" sabi ni-----