Nakita niyang ibinaba ng mga armadong tauhan ni Joan ang kanilang mga hawak na baril. Sinulyapan naman niya si Joan na nakatutok ang baril sa kung saan. Sinundan niya ang direksyon nito at bigla siyang kinabahan nang makita na nakatutok ito sa kanyang Mommy Khrystal. "You're done, Joan. Itigil mo na 'to at sumuko ka na sa mga pulis," sabi ng Daddy John niya at iniharang ang sariling katawan para protektahan ang kanyang ina. "Plinano niyo ba 'to John para mahuli ako?" angil ni Joan na sinagot lang nito ng pagngisi. "Mrs. Montemayor ibaba mo na ang baril mo. Kung di ay hindi kami magdadalawang isip na paputukan ka!" sabi ng isang armadong pulis na lumapit sa direksyon ni Joan. "Sumuko ka na." "No!" galit na sabi nito, saka walang ano-anoý nakita niyang kinalibit nito ang gatilyo ng h

