"Ang pag-ibig para 'yang thesis. Kailangan mong i-defend para ka makapasa," mahinang basa niya sa naka-post sa Peysbuk ng isa sa mga kaibigan niya. Natawa na lang siya kasi sa edad niya ay hindi niya pa ata naranasan ang magka-crush sa isang lalaki dahil sa sobrang pagkahumaling niya sa pag-aaral, at sa paggawa ng mga gawaing bahay noong panahong nasa poder pa siya ng dati niyang magulang. Nang mapansin niya na nagkukumahog na ang kanyang mga kaklase na pumasok sa kanilang silid-aralan, saka umayos ng upo ay gano'n din ang ginawa niya. Nasanay na kasi siya na kapag gano'n na ang kinikilos nila ay hudyat na 'yon na paparating na ang kanilang propesor. Kaya agad niyang ini-off ang data connection ng kanyang cellphone pagkatapos ay pinindot ang lock screen nito para ituon ang kanyang isi

