CHAPTER 13

1831 Words

LUMIPAS ang tatlong linggo ay nasanay na rin siya sa presensiya ng binata. Kung noong una ay kinaiinisan niya ang pagiging mayabang, at ang pagiging palabiro nito. Ngayon ay parang wala na sa kanya 'yon. Sa pagiging magka-groupmates nila ni Sky sa thesis kasama ang dalawa niyang kaklase pati na ng bestfriend niyang si Allysa ay mas nakilala niya ang katauhan nito. Nakita niya kasing likas na sa lalaking ito ang pagiging mayabang dahil siguro sa kinalakihan nitong lugar sa ibang bansa. Wala na sigurong makakapagpabago ng ugali meron ang lalaki. Idagdag pang ang bestfriend niya ay wala ng ibang ginawa kung hindi ang tuksuin siya sa binata. Umamin pa ito na sumuko na raw siya kay Sky at hinding-hindi na raw niya pagpapantasyahan dahil nakalaan na raw ito sa akin. Sana nga lang hindi mal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD