“Akhi…sasama ka ba papunta sa dance floor? Parang gusto ko kasing subukan na sumayaw,” bulong ni Allysa sa kanya habang sumusunod sa saliw ng musika ang kanyang katawan. Sumasayaw siya habang nakaupo sa tabi ko at sini-sway ang kanyang kamay at braso. Nagdalawang-isip siya sa alok ng kanyang matalik na kaibigan. “Pasensya na Allysa pero kasi di ko kayang sumayaw kasama ang ibang tao.” “Hay naku Akhi. Sometimes learn how to loosen yourself. Huwag masyadong mag-isip sa sasabihin ng ibang tao. Be yourself,” pangaral na sabi sa kanya ni Allysa pagkatapos ay naglakad papunta sa gitna ng dance floor kung saan may mga makukulay na ilaw at mga babae’t lalaki na sumasayaw sa saliw ng tugtuging “Closer”. Tahimik na lang siyang nakamasid sa matalik na kaibigan niyang masayang-masayang sumasayaw

