πππππππππ ππ πππ
πππππππ 1
" KAINAN NA! " Masama kong tiningnan si Sy dahil sa lakas ng boses niya. Katatapos lang ng trabaho namin and it's our break time. Sa ilang buwan ko pa lang na katrabaho si Sy. Nasanay na ako sa lakas ng boses niya.
We're busy talking about our case when a car stopped in front of us. Halos mabingi ako sa lakas ng busina. Kunting-kunti na lang talaga at babangga na ako.
" P*tang*nang driver 'to ah. " Asik ko. Malakas kong hinampas ang sasakyan niya at pinapababa ang salamin nito. I took a stepped backward nang buksan nito ang pinto ng kanyang sasakyan.
Anak ng pucha! Gwapo pero kung magmaniho may pagkasiraulo. Tsk. He's wearing an eyeglasses, ni wala ngang araw dahil umaambon, trip nito?
" Where's Night Martinez? "
That's my name. Pero kulang. I'm Night Guin Martinez. Paano niya alam ang pangalan ko? Stalker?
" Sino 'yan Night? May nililihim ka na ah. " May mapanuksong ngiti na umukit sa labi ni Sy.
" G*ga, ni hindi ko nga kilala 'yan. " Bulong ko pabalik sa kanya.
" Anong kailangan mo kay Night? " Tanong ko sa kanya.
" I'm his fiancee, now tell me where is she? " Bahagya akong natawa dahil sa naging sagot niya. Anak ng pating! Wala ngang nanliligaw sa'kin. Ngayon may umaangkin na. Grabe naman kuya! Time first, okay. Hihinga muna ang disney princess.
" Fiancee? " Dahan-dahan niyang hinubad ang eyeglass niya at mariin akong tinitigan.
May maipagmamayabang naman pala. But still I hate his guts. Sarap ngang sapakin pero h'wag na lang sayang ang kapogian. Harot.
" Where is she? " Ang lamig ng boses niya. Para nga akong dinala sa Antarctica.
" Hindi ko alam eh. Hanapin mo na lang sa loob." Nakangiting sambit ko sa kanya bago hinila si Sy.
Lalagpasan na sana namin siya nang higitin niya ako bigla. Hindi na nakareact ang disney princess. Ano na naman 'to? Ayaw ko munang magjowa. Please lang. Ilayo niyo ako sa tukso. Marami pa akong pangarap.
" Did you ever think that you can escaped from me? Night. " Hinihila ni Sy ang kamay niya pero hindi ko binibitawan. Ano 'to love triangle?
Sy- Me - and this handsome freaking guy na pinadala ni Zeus dito sa lupa para hanapin ang disney princess na tulad ko. Hihimatayin na 'yata ako. Catch me!
" Teka nga muna. Pakitanggal ang kamay, kuya." Marahan kong tinampal ang kamay niyang nasa bewang ko. Feel na feel naman ng p*ta. Porket maliit ang bewang ko dapat na niyang hawakan without asking my permission. Pero pwede naman kahit hindi na magpaalam.
" Okay, to make this clear. Wala akong jowa and I don't have a fiancee. Kaya paano kita naging fiancee? Alam kong maganda ako, pero paano nangyari 'yun? "
Feel ko tuloy ang haba ng buhok abot hanggang 60th floor ng building. Hays, ang hirap talaga kapag maganda ka. Magkakajowa ka ng wala sa oras. Pinadala ba siya ng fairy god mother ko?
" Why don't asked your parents about this matter? "
Bakit nadamay ang magulang ko dito? Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa nang magvibrate ito. Grabeng, vibrate naman 'yun. Pati pwet ko nakuryente.
" Hello, ma? " Sagot ko sa tawag nito.
" Nagkita na ba kayo ni Mr. Hariem? " Agad na tanong niya.
" Sino na namang Hariem 'yan mama? Magkakaapo ka naman pero hindi pa ngayon. Itigil mo na 'yang paghahanap ng mapapangasawa ko. Makakahanap rin ako, ma. Okay? Just wait."
" At kailan pa aber? Kapag pumuti na ang mata ko sa kakahintay kung kailan ka ikakasal? For goodness sake, Guin. 25 years old ka na. Malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo. " Napaikot ko na lang ang aking mata dahil sa mga pinagsasabi niya. Mama mahal kita pero minsan ang sarap mong kurutin sa singit. Paladesisyon ka eh.
" Sige na po. Kayo na po ang masusunod fairy godmother ko." Hays, as a disney princess ang dami talagang hadlang. All I want is a happy ending.
" Sino ba kasing Hariem 'yan? Gwapo ba 'yan? Mayaman? Mabait? Mukhang CEO? Alam mo naman ang standards ko, ma."
" I know, my love. Higit pa siya sa standards mo. Alam mo kung saan ako pinakamasaya may anak na siya. May apo na ako lalo na kapag ikinasal na kayo. " Laglag ang panga ko dahil sa sinabi ni mama.
" A-Ano ma?! " Ano 'to? Sofia the first. May anak na ang prince charming ko? Ang pinagkaiba lang ako walang anak. At siya meron. He's not virgin anymore! Ano naman ba 'yan uy! I can't!
Napalingon ako sa taong humablot ng cellphone ko. Napakawalang modo talaga ng mokong na'to.
" Hello, tita. " Luh?! Tita kaagad? Kung makapal pa 'yang mukha mo pwede mo ng tawaging mama. At teka! Siya ba 'yung Hariem na tinutukoy ni mama?! Malamang, Night! Pulis ka nga, shunga lang!
" Hijo, nagkita na pala kayo ng anak ko. Anong masasabi mo? Maganda ba? "
Tinapunan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Magsabi ka ng labag sa loob ko at masasapak ko talaga 'yang pagmumukha mo!
" She's fine, tita. " She's fine? Okay naman talaga ako ah. Oo at hindi lang ang sagot sa tanong ng mama ko?!
Nagdidilim na ang paningin ko sa isang 'to. Kanino bang anak 'to? Pakikuha na, please. Litse, ang layo ng sagot sa tanong ah.
" Pasado na ba? Hijo? "
" Yeah, kahit papaano pumasa naman sa standards ko. " Kinuha ko na ang cellphone ko mula sa kanya.
" Ma, sa lahat ba naman ng lalaking irereto mo sa'kin kaugali pa si Hades. "
" H'wag ka ng mag-inarte. Pasalamat ka nga't may nagkagusto pa sa'yo. "
Really, ma? Kanino ka ba talaga kampi? Anak mo ako, hello? Kayo na lang kaya ang magkatuluyan at ako pa mismo ang magpapakasal sa inyong dalawa..
" Sige na, enjoy kayo ni Mr. Hariem. " Humagikhik pa ito na parang kinikilig. Ikaw lang ang nasisiyahan sa mga nangyayari sa buhay ko, ma.
I put my phone back inside of my pocket. Mariin kong tinitigan ang lalaking nasa harap ko ngayon. Nasa standards ko nga. Galing naman talagang mamili ng mama kong 'yun. Alam na alam ang taste ko.
" Let's go. " Saad niya sa'kin at pinalupot ang kanyang kamay sa aking bewang. And this time na bitawan ko na ang kamay ni Sy. Para lang itong statue, ni hindi kumukurap ang gag*. Anong nangyari do'n?
" Babalik ako! " Sigaw ko kay Sy ng hilahin ako nitong Hariem papasok sa loob ng kanyang sasakyan.
Pinaupo ako nito sa passenger seat.
" Fasten your seatbelt. " Para akong naging isang maamong tupa at sinunod ang sinabi niya.
Nakatitig lang ako sa kanya buong biyahe. Kung titingnan mo talaga siya parang wala siyang anak. Gosh.
" Ilang taon ka na? " I asked him. Seryoso lang itong nakatingin sa daan.
" Thirty. " Napaawang ang labi ko sa naging sagot niya. Five years ang age gap namin. Pero parang hindi halata ah.
Awtomatikong nagkasalubong ang kilay ko ng makitang inihinto niya ang sasakyan sa harap ng isang daycare.
Anong ginagawa namin dito? Nauna siyang bumaba sa sasakyan at sumunod na rin ako. Nakasandal lang ako sa gilid habang hinihintay ang kung sino mang pinunta namin dito.
" Daddy! " Sigaw ng batang lalaki. Mabilis itong tumakbo sa direksiyon namin. At niyakap ng mahigpit ang binti ng ama. Is this his son?
Lumipat ang tingin sa'kin no'ng bata. Gusto kong pisilin ang pisngi niya. Kaso baka mapaiyak ko lang. Hilig ko pa naman ang magpaiyak ng bata. Wala eh, ang lakas ng trip ko. Habang bata pa paiyakin mo, kasi kapag lumaki ang mga 'yan hindi mo na mapapaiyak ng basta-basta.
" Who is he? "
" Ikaw ang magpakilala. " Nakapamewang na sambit ko kay Hariem. Dinala-dala niya ako dito eh. Kaya siya ang magpakilala.
" Your mom. " Laglag ang panga ko dahil do'n. Anong mom? Siraulo ba 'to? Ni hindi ko pa nga sinusuko ang brilyante ko. Luh siya!
" Really? " Halata ang kainosentehan ng batang 'to.
Yumukod ako upang magkalebel kami. Ginulo ko ang buhok niya at matamis na ngiti. So, angelic.
" Hi. " Bumitaw ito sa pagkakayakap sa binti ng daddy niya. Bakas ang gulat sa aking mukha ng ipalupot nito ang maliit niyang kamay sa aking leeg. I have no choice but to carry him. Nagkaanak pa ako ng wala sa oras.
" Mommy? "
Parang may bumara na kung ano sa lalamunan ko. I'm not comfortable with it. Eh, ang awkward. Well, sanay naman ako sa mga lalaking pinapakilala sa'kin ni mama. Gusto na niya akong magkaasawa at magkaanak sa lalong madaling panahon. I get that. But it's only time can tell. Hindi ko naman pwedeng diktahan ang panahon na dapat ngayong araw na ako ikakasal. It's just that I am not ready to be a mother.
" W-Why? "
" Mommy? " Ulit nito.
" Bakit? "
" Mommy? "
Paulit-ulit?
" This is the first time he say those words. " Naningkit ang mga mata kong napatitig sa kanya.
" Why? Nasaan ba ang mommy niya? "
" Standing next to me. " Pinapakulo rin nito ang dugo ko.
" I mean, his biological mother. "
" Dead. "
Natuptop ang bibig ko at wala ng balak na magsalita. Ang dami ko pa naman sanang tanong sa kanya. Lalo na kay mama. Kung paano niya nakilala ang damuhong 'to. At sa lahat ba naman ng lalaking mapipili niya sa may sabit pa. Sa sobrang galing kong kumilatis ng tao, alam kong masama ang ugali ng isang 'to. The way he looks at me. I can say that.
" Let's grab some lunch. " Sambit nito bago kami iwan ng anak niya.
" Sana hindi ka magmana sa daddy mo. " Bulong ko dito bago kami sumunod papasok ng sasakyan.
Pinaupo ko na lang ang anak niya sa paa ko. Kakain lang naman kami. May duty pa ako kaya kailangan ko magmadali. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko itong lalaki na nireto sa'kin ni mama. Gwapo naman, matangkad, bagay sa disney princess na tulad ko. Pero pass tayo sa ugali. Halatang hindi makakapasok ng langit ang isang 'to.
" Are you done staring at me? " Ilang kurap ang nagawa ko dahil sa naging tanong niya.
" A-Ang kapal." Sambit ko sabay iwas nang tingin. Umayos ka nga, Night! Mapapahamak tayo dahil diyan sa ginagawa mo eh! Dalagang Pilipina ka, ano ba! H'wag na h'wag mong isuko basta-basta ang bataan.
" Saan ba tayo kakain at may duty pa ako. Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng k********g?" Saad ko. Masyado naman akong O.A.
" Did I forced you to come with me? "
Bahagya pa akong nag-isip sa kung anong isasagot ko sa kanya. Pambihira naman talagang lalaki 'to.
" Hindi naman. "
" So there is no k********g happened. " Natulala ako dahil sa sinagot niya. Mautak rin pala ang isang 'to. Kaninong anak ka at pupuriin ko lang ang magulang niya.
We stopped at the restuarant na katapat lang ng highway. Nauna na itong bumaba. Hindi man lang kami hinintay. Ni walang pagbukas ng pinto na naganap. How gentleman he is!
Binaba ko muna ang anak ng magaling na lalaking 'to. May kabigatan rin kasi para ng mapuputol ang braso ko. Walang awa. Hindi ko alam kung bakit siya ang napili ni mama? Fiancee? Anak ng tupa ni hindi ko nga alam ang pangalan ng lalaking 'to.
Huminga ako ng malalim bago kami sabay na pumasok sa loob ng restuarant. Umupo kami sa vacant seat na hindi kalayuan sa entrace. Sumulyap ako sa wrist watch ko. May isang oras pa ako para makasama ang mokong na'to.
" What's your order? " He asked.
Kinapalan ko na ang mukha ko at sinabi ko na sa kanya ang pagkaing gusto kong kainin. Gutom na ako. Gosh!
" Ikaw ang magbabayad nito? Hindi ba?"
He nodded.
Naniniguro lang ako. Ilang putahe ba naman ang inorder ko. Tutal mayaman naman siguro ang isang 'to.
" Okay, let's it. " Sambit nito.
Nagsimula na kaming kumain. May pagkakataong sinusubuan ko ang anak niya ng pagkain.
" Ito pa. " Inabot ko kay Mr. Hariem ang ilang pagkaing inorderko. Ang tipid namang kumain ng isang 'to.
" I'm full. " Saad nito at ibinalik sa'kin ang pagkaing binigay ko sa kanya.
" Full? Hindi nga nababawasan 'yang pagkain mo. " Asik ko dito.
" Gusto mo subuan pa kita?" Ang sweet kaya no'n. A romantic gesture. Char.
" No, why would you do that? " He said.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa naging reaction niya. Sa aming dalawa siya itong mas o.a.
Hindi ko na sinagot ang tanong niya at sa halip ay kumain na lang. Bahala ka diyan. Basta gutom ako. Uunahin pa ba kita kesa sa sarili ko? No, way.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay may tatlong kalalakihan ang biglang pumasok sa restuarant. Naglabas ito ng baril at tinutok sa cashier. Pambihira naman talagang buhay 'to oh. Kailan ba ako makakakain ng maayos?
" Ibigay mo sa'min lahat ng pera!" Asik nito sa cashier. Walang niisang customer na nandito ang nagtangkang tumakas. Lahat sila ay nanatili sa kanilang kinauupuan.
" Ako na ang magbabayad. Asan ang pera?" Nilahad ko ang aking kamay sa harap ni Mr. Hariem.
" You're not doing anything stupid, aren't you? "
Ngumisi lang ako sa kanya.
" Baka nakakalimutan mong pulis ako? And my job is protect people. "
Walang pagdadalawang-isip na nilapag niya ang credit card sa kamay ko. Mabilis ka naman palang kausap.
Tumayo ako dahilan kung bakit natuon sa'kin ang atensiyon ng lahat. Tsk. Magbabayad lang 'yung tao.
Lumapit ako sa cashier upang magbayad sa bill namin.
" Bakit ka tumayo?" Tanong ng isang holdaper. Nakatutok na sa akin ngayon ang baril na hawak nito. Gano'n din ang ginawa ng dalawa pa niyang kasamahan.
" Magbabayad lang ako. Ayaw niyo no'n madagdagan 'yang ninakaw niyo. " Nakangiting sambit ko dito.
" Oo nga naman. " Saad nito bago tapunan ng tingin ang credit card na hawak ko.
Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko kung saan hawak ko ang credit card. Akala niya siguro makukuha niya ito ng basta-basta. Gag* hindi ko alam ang pin nito.
" Bakit hindi mo pa binibitawan?" anong niya habang nakahawak pa rin sa kamay ko.
" Cashier ka ba? " Saad ko at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa'kin. Inilagay ko ang kanyang kamay tungo sa kanyang likuran.
Nabitawan nito ang hawak na baril.
" Bitawan mo ang boss nami." Asik ng isa sa kanila.
" Ibaba niyo muna ang baril niyo. " Nagkatinginan silang tatlo. Nagdadalawang-isip pa ito. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa sinasabi nilang boss. Dahilan ng pag-aray nito. Masasaktan ka talaga. Sinasabi ko sa'yo.
" Ibaba niyo na!" Sigaw nito sa mga kasamahan. Wala rin itong nagawa kundi ang sumunod. Sinipa ko isa-isa ang mga baril na nilapag nila sa sahig. Napunta ito sa bawat sulok kaya malabo na itong makuha pa.
" Ang lalaki ng katawan niyo, bakit hindi kayo magtrabaho sa legal na paraan? " Pangangaral ko sa kanila.
" Sino pang tatanggap sa mga ex-convict na kagaya namin? Pati pamilya namin tinalikuran na kami! "
Natigilan naman ako dahil do'n. 'Yan ang problema ng bansa. Porke't galing sa kulungan wala ng karapatang magbago? Pero nasa tao pa rin 'yan kung anong daan ang pipiliin nila. Binigyan sila ng pangalawang pagkakataon para magbago pero mas pinili nilang ulitin ang pagkakamaling ginawa nila.
" Pero hindi 'yun ang dahilan para gumawa kayo ng masama. Sinayang niyo lang ang pangalawang pagkakataon na binigay sa inyo."
Ilang sandali pa ay rumesponde na ang mga kapulisan.
" Pambihira pati tanghalian ko sinira niyo! " Asik ni Sy dito. Hindi na nanlaban ang dalawa. Hindi rin sila nagtangkang tumakas. Mabuti na rin 'yun.
" Dalhin niyo na ang mga kupal na 'yan! Panira ng kain!"
Napailing na lang ako habang nilalaro ang credit card ni Mr. Hariem sa aking kamay.
" Kumain ka na lang mamaya. Tutal palagi ka namang gutom. " Saad ko sa kanya bago bumalik sa table namin. Nilapag ko sa harap ni Mr. Hariem ang credit card niya.
" Cool ko hindi ba? " Nakangising tanong ko sa kanya.
Iling lang ang nakuha kong tugon mula sa kanya. Sarap kausap ng isang 'to.Ang saya. Sana pala humanap na lang ako ng clown. Para ko lang akong kumakausap ng isang statue. Statue of liberty ka?
" So? Sasabay na lang ako sa mga kakusa ko. Maiwan ko na kayo. " Saad ko dito at inayos ang suot kong uniporme.
Humarap ako sa anak ni Mr. Hariem. Mahina kong pinisil ang kanyang pisngi. Ang cute.
" Babye na, aalis na ako. See you sa susunod. " Bahagya kong ginulo ang kanyang buhok dahilan ng paghagikhik nito.
Umalis na ako at dali-daling pinuntahan sina Sy. Halatang badtrip pa rin ang gag*. Sino ba namang hindi? Isang oras lang ang kain namin tapos guguluhin pa? Pambihira naman talaga.
" Kain na tayo? " Inis itong nagtapon ng tingin sa'kin.
" H'wag mo akong lokohin, Night. Nakailang putahe ka na sa loob. " She said before she left.
Aba't ikaw pa ang may ganang magwalk out.
" Hintayin mo'ko! "
- to be continued -