0 - Prologue
"Ano bang mali sa akin? Bakit hindi mo ako magawang mahalin. Ginawa ko naman lahat para sa iyo. Ano pang kulang?!" Sigaw niya habang tuloy pa din ang pag-agos ng luha nito. Nakaluhod siya sa harap ng lalaking pinakamamahal niya habang nakatutok ang baril nito sa ulo niya. Wala kang makikitang kahit anong awa sa mata niya.
"Kulang? Hanggang ngayon ba hindi ka pa nagigising sa kahibangan mo? Hinding-hindi kita mamahalin kasi hindi ka si Rosan." Sagot naman niya. Nagpatuloy na lang sa pag-iyak si Victoria.
"Any last words bago kayo magkita ni kamatayan?" Nakangising tanong ni Nixon na hindi pa din inaalis ang tutok ng baril sa ulo ni Victoria.
"I will never regret dying in your hands." She uttered hanggang sa umalingawngaw ang putok ng baril. Napaligiran ng katahimikan ang paligid at dumanak ang dugo sa sahig kung saan nawalan ng buhay si Victoria.
"Make sure to dispose her body far away from this place. I'm sure there will be war after they discover this. Kaya maghanda na kayo," sabi ni Nixon sa mga tauhan niya. Tinitigan lang siya ni Nixon na tila walang halong pagsisisi bago ito tuluyang umalis.
Nang matapos ko basahin ang huling kabanata ay agad kong binato sa inis yung libro. Nakakainis! I hate it. Ang sabi nila maganda daw itong story na 'Roses & Thorns' kaya ko binasa. Iyon pala hindi. Ano ba kasing maganda dito? Porque namatay ang kontrabida tapos nagkaroon ng happily ever after yung dalawang bida? Paano naman yung kontrabida? Hindi niya deserve ang ending! Grr. Pinapainit nito ang dugo ko.
Nakakainis naman kasi itong character development ni Victoria, strong independent woman siya nung una kaya nagustuhan ko ang character niya. Pero dahil sa sobrang pagmamahal niya sa bida na si Nixon ay hinayaan niya na lang na tapak-tapakan ang pride niya. Gosh! Nasa kaniya na lahat! Maganda, mayaman, sexy, lovable family, friends! Bakit sa lahat pa ng gusto niya eh pagmamahal ng bwisit na Nixon na iyon? Ahh! Nakakainis talaga. Kung ako talaga sa kaniya iignore ko na lang ang Nixon na iyan.
"Ciara, bumaba ka na dito. Kakain na tayo," rinig kong sigaw ni Mama mula sa baba. Kaya nga agad ko nang pinulot ang libro na binato ko kanina at saka bumaba na para kumain.
-
Agad na akong sumakay ng bike ko at nagpaalam kay Mama para pumasok sa school. Agad na akong nagmadali paalis dahil ilang minuto na lang ay late na ako. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ang traffic. Pero napangisi na lang ako dahil naalala kong pwede naman akong sumingit dahil naka bike ako.
Since late na talaga ako ay binilisan ko na ang pagsingit. Kaso napahinto ako nang biglang may bumusina ng malakas sa harap ko. Ang sunod na lang na nadatnan ko ay nakahiga na ako sa kalsada habang pinapaligiran ng mga tao. Unti-unting nagiging malabo ang paligid at bumibigat na din ang talukap ng aking mga mata. Ang huling narinig ko na lang ay ang sigaw ng isang babae.
"Humihina na ang pulso niya! Dali nasaan na ang ambulansya," sigaw ng babae hanggang sa tuluyan ng balutin ng dilim ang lahat.
-
Nang magising ako ay agad akong napabangon sa kinahihigaan ko. Para akong tumakbo ng isang daang kilometro sa bilis ng paghahabol ko sa hininga ko. Ano iyon? Binangungot ba ako? Pero bakit ganon? Bakit parang totoong-totoo na nabangga ako? Akala ko namatay na ako. Teka, nasaan ako?
Agad kong pinagmasdan ang paligid ko. Nasa isa akong kwarto--Teka? Kaninong kwarto ito? Hindi ko ito kwarto. Ano ito hotel? Mukhang binangungot nga lang ako kasi wala naman ako sa ospital. Pero it feels surreal. Agad kong chineck ang katawan ko na baka may sugat ako o kahit anong galos mula sa aksidente. Pero wala kahit isa. Buong-buo ako! At teka--bakit parang mas pumuti at kuminis ang balat ko ngayon? Saka bakit parang humaba buhok ko? Yung kuko ko din ang ganda. Ano ba ito? Don't tell me nacomatose ako ng ilang taon? Waaah!
Sakto namang nakita ko ang isang hand mirror sa gilid ng lamesa kaya agad ko itong kinuha at tinignan ang mukha ko. Kaso laking gulat ko nang makita ang isang napakagandang babae. Agad akong napasigaw dahil alam kong hindi ko mukha ito. Kahit mabagok ako ng ilang beses hinding-hindi ako magiging ganito kaganda! Kaninong mukha ito?! Niretoke ba nila ako dahil sa aksidente? So, it means na totoo yung aksidente hindi bangungot?
Nagulat ako bigla nang biglang may pumasok na babae na nakasuot ng maid's uniform. Nag-aalala siyang agad lumapit sa akin.
"Miss? Miss! Okay lang po ba kayo? Gising na si Miss Victoria! Please call the doctor," sigaw nito. Ha? Ano daw? Anong tinawag niya sa akin? Victoria? Ilang saglit pa ay pumasok na ang isang lalaki na sa tingin ko ay yung doktor. Pumasok na din yung tatlo pang maids. May bahid na pag-aalala sa kanilang mga mukha habang chinecheck ako ng doktor.
"Uhm, excuse me. Pero nasaan ba ako at sino kayo," tanong ko. Tila nagtataka naman ang itsura ng doktor at ng mga maid sa tanong ko.
"Miss, may I ask. Do you know your name," tanong sa akin ng doktor. Umiling ako bilang sagot. Since rinig kong tinawag ako ng maid kanina na Victoria ay hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan kong Ciara.
"Looks like she got an amnesia after the accident. Kailangan kong makausap agad ang jefe about this. Meanwhile make sure to take a good extra care of the Miss hangga't hindi pa siya nakaka recover," saad ng doktor. Napatango na lang ang mga maids bago umalis ang doktor. Agad namang lumapit yung maid na tumawag sa aking Victoria kanina.
"Miss, I'm so sorry. Dapat ako na lang ang nabangga hindi ikaw. I'm very sorry. Hindi sana mangyayari sa iyo ito kungdi dahil sa akin," umiiyak na sabi nito habang nakaluhod sa harap ko.
"U-Uhh, okay lang. Pero may I ask what happened? Hindi ko kasi maalala," sagot ko.
"Naaksidente po kayo Miss, nabangga po kayo ng sasakyan. Pero sa paniniwala ng lahat, hindi iyon aksidente. Kaya hanggang ngayon iniimbestigihan pa din po ng jefe ang lahat. Halos mag-iisang buwan na po kayong walang malay Miss kaya talagang nagpapasalamat po kami na nagising na kayo. Hindi niyo alam kung gaano kami nag-alala," sagot ng Maid.
"Ano ulit ang tinawag mo sa akin kanina? Ano ang pangalan ko," I asked.
"Kayo po si Miss Victoria. Victoria Katherine Mera. Ang unica hija po ng jefe," sagot nito. Teka? Tama ba ang rinig ko? Victoria Katherine Mera? As in yung kontrabida sa story na 'Roses & Thorns'?! Teka nananaginip pa din ba ako?
"Don't tell me, my father's name is Viktor Mera? And I have two older brothers named Vinsky and Vigor," sagot ko na tinanguan naman ng mga maid.
Agad ko namang pinagsasampal ang sarili ko para magising ako kung nananaginip man ako. Pero agad akong hinawakan ng mga maids at nagmamakaawa sa akin na huwag kong saktan ang sarili ko. At dahil nga nasaktan ako ay doon ko lang napagtanto na hindi nga ako nananaginip. H-How did this happen? Paanong nandito ako sa loob ng story ng 'Roses & Thorns'! Bakit? At naging ako pa si Victoria na nakatakdang mamatay sa ending ng story. Ahhhh! Help!