5 - The Female Lead

1186 Words
After malift ang pagkagrounded ko ay pinayagan na din akong lumabas. That's why I decided to go shopping. Matagal ko na itong gustong gawin, since hindi naman kami ganon kayaman sa previous life ko. Kung may gusto akong bilhin ay kailangan ko pang pag-ipunan. Unlike here in my new life as Victoria Mera ay kaya kong bilhin lahat ng gusto ko sa isang pitik lang. "Do you have this one in size 7?" Tanong ko sa sales lady at ipinakita ang nagustuhan kong sapatos. "Wait, ma'am let me check it for you," sagot nito saka umalis saglit. Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at napabuntong hininga. Nakakapagod din pala ang magshopping lalo na kapag alam mong marami kang pambili. Tipong lahat na lang nang makita ko na maganda ay bibilhin ko. Hehe wala naman kaso di ba kung gagastos ako since ako naman ang nasa katawan ni Victoria ngayon. Saka wala pa nga ito kumpara sa gastos ni Victoria talaga. After kong mabili ang sapatos na gusto ko ay naglakad-lakad na ulit kami para mag-ikot sa mall. Kasama ko yung mga maids dahil sila ang nagbibitbit ng mga napamili ko. Habang si Ivan naman ay tahimik lang na sumusunod sa akin. Sakto namang napadaan ako sa isang men's apparel store. Nakuha ng atensyon ko yung mga neckties na nakadisplay kaya agad akong pumasok sa loob at naisipang bilhan yung kambal at ang tatay ko. Syempre, kailangan kong sumipsip since isa sila sa magiging taga protekta ko against Nixon. They're one of my cards. Mwahaha! - Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon pauwi. Nililibang ko lang ang sarili ko while browsing at Victoria's phone. Tinitignan ko lang mga previous photos niya. Kung makikita mo ang gallery niya ay puro mga picture niya na nasa night club at nagpaparty. Mukhang party animal pala siya. Should I stick with her personality and do this? Ugh! I hate to party. Ako kasi yung tipo na mas gugustuhin na lang magstay sa kwarto reading books and binge watching movies. Victoria Mera is totally my opposite. Nagulat ako nang biglang pumreno ang sasakyan na kulang na lang ay sumubsob ako sa harap. Nang tignan ko kung anong nangyari ay nakita namin ang tatlong sasakyan na humarang sa harap namin. Nang mapatingin ako sa likod namin ay hinarangan na din ng tatlo pang sasakyan ang isa pa naming sasakyan. "Who are they?" I asked. Nakaupo lang kasi sa harap si Ivan katabi ang driver. Nanlaki na lang ang mata ko when he suddenly loaded his gun. Teka! Ano bang nangyayari? Nasagot na lang ang tanong ko nang makita ko ang isang pamilyar na figure na bumaba sa isa sa mga sasakyan. Nang makalapit siya sa harap ng sasakyan namin ay kinilabutan ako bigla sa ngiti niya. Huhu! Parang ngiti ni kamatayan. Bakit nandito ka na naman Nixon! Lumapit siya sa side ko at kumatok sa bintana ko. Ivan looked at me. Kaya nginitian ko na lang siya to assure him that I'm gonna be fine. Kaya nga napabuntong hininga lang siya at tinago na ang baril niya. Lumunok muna ako ng ilang beses bago binaba ang bintana ko. "Hey there, chestnut. Long time no see," bati niya. Pinilit ko naman ngumiti at tinago ang takot sa mukha ko. "What are you doing, Mr. Gonzalez? You're blocking our way," sagot ko with a fearless tone kahit na deep inside ay nanginginig na ako. "Oh sorry for that my little chestnut. I just want to talk to you for a while if that's okay?" Hindi ako nakasagot. Ano bang gusto niya pag-usapan? "Just say it here," maotoridad kong sabi. Napangisi naman siya. "Feisty," he chuckled. Tapos inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napaatras ako ng konti. "May gusto lang akong linawin," sabi niya. Biglang sumeryoso ang mukha niya kaya napalunok ako. "A-Ano iyon?" I asked. "Are you avoiding me?" He asked. Shet! Hindi ba halata ha?! "I was grounded for a month after what happened," I explained. "Ah, so you're not avoiding me on purpose?" He asked. Tumango na lang ako kahit na sa totoo naman talaga ay iniiwasan ko siya. "Good to know. Gaya ng sabi ko sa iyo, I already marked you mine so you can't runaway from me Victoria Katherine. You should take responsibility for what happened between us, understand?" Napalunok na lang ulit ako. Ugh! I hate possessive guys. "One more thing before you leave," sabi niya saka sinenyasan ang isang tauhan niya na agad namang lumapit at inabot sa kaniya ang isang bouquet of roses. Agad niya naman itong inabot sa akin. Tinitigan ko lang ito nung una pero agad ko din itong kinuha dahil sa titig niya. "I hope you don't throw it away like the previous ones, chestnut." He smiled. Pero kinilabutan ako. Para kasing nagbabanta eh. Huhu! "I'll see you soon, chestnut." Sabi niya at binigyan ako ng isang ngiti bago naglakad pabalik sa sasakyan niya. Nang makaalis na sila ay feeling ko nakahinga ako ng maluwag. "Are you alright, miss?" Ivan asked with a worried look on his face. Good thing nagpigil si Ivan dahil ayokong may dumanak na dugo dito. "I-I think so. We should go home," sagot ko. Napatango na lang siya saka sinenyasan na ang driver. Nang umandar na ulit ang sasakyan ay napatitig na lang ako sa bulaklak na hawak ko. He's fvcking crazy! Argh! Nang makabalik kami sa mansion ay sinabihan ko sila Ivan na wag sasabihin sa tatay ko at sa mga kapatid ko ang nangyari kanina. He agreed since he respect my orders. Nang makabalik ako sa kwarto ko ay nagpatihulog na lang ako sa kama ko. What should I do with Nixon? I can't avoid him forever. I didn't expext him to have interest on me. Did the story change because I'm here? Well, iyon naman ang plano ko una pa lang in order to avoid my death at the end. Pero hindi ko ineexpect ito. Should I change my plans and seduce him instead? Pero paano naman si Rosan? She's the female lead not me. Argh! What should I do?! Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako nang may nabasag mula sa labas. Kaya nga tumayo muna ako at sinilip ang nangyayari sa labas. Nang makalabas ako ay nakita ko ang isang maid na pinapagalitan ng head maid. Mukhang nabasag niya yung flower vase. "What happened?" I asked Ivan since siya ang nasa labas ng kwarto ko. "The new maid broke the vase accidentally, miss." Sagot niya. Tama nga ako. Pero teka? New maid? Bigla akong nagkaroon ng kutob kaya agad akong lumabas ng kwarto at lumapit sa dalawang maid. The head maid bowed at me nang makalapit ako. "Miss, please excuse me for scolding the new maid. I'm sorry for disturbing you," Sagot ng head maid. Nang lumingon sa akin ang sinasabi niyang bagong maid ay napangiti ako. Hindi ako pwedeng magkamali. "What's your name?" I asked kahit na may kutob na ako. "R-Rosan po, miss." She answered. Pagkarinig ko ng pangalan niya ay para akong nawalan ng malaking tinik sa lalamunan. Finally, the female lead is here! The one and only Rosan Fuego.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD