ISABELLE MABUTI na lang at humuhupa na ang lagnat ni Baby Aaron dahil kung hindi ako makapasok ngayon. E pa check-up na sana namin siya. Sinipat ko ang aking relo habang naglalakad sa may entrance, five minutes na akong late. Katulad kahapon maambom pa rin sa labas dahil may low pressure area. Wala pa naman si Troy na maghahatid sa akin. May inaasikaso ito sa kanilang business sa Maynila. Kahit nakakahiya na hatid sundo niya ako. Pero sa pagkakataon na ito hindi ko siya tatanggihan. Napatigil ako sa aking paglalakad nang may biglang tumawag sa akin. “Ms.De Jesus, your late.” saad ni sir Zavien. Nakasalubong ko ito sa hall way. “Good morning po. Sorry po, Sir. Pasensya na po napuyat kasi ako sa pagbabantay nang baby ko kagabi,” paliwanag ko ni sir. Akala ko magagalit ito pero matamis

